Saturday, June 19, 2010

Khanto Review: Toy Story 3



1:30 na ng umaga at heto ako, nagpupumilit mag-internet kahit nasa impluwensya ng tama ng alak. Thank god its friday ang drama kasi last day of work for the week at long weekend dahil balik night shift na ako sa susunod na linggo. hephep, hooray! At dahil biyernes kanina at eto ang araw ng showing ng Toy Story 3, minarapat namin na manood nito. Ang destinasyon, Sta. Lucia mall sa Cainta.

Bago magsimula ang movie proper, may small animation ang pixar. Ang kwento tungkol sa Night and day. Nakakaaliw na ewan. Di ko na makwento kasi nakalimutan ko na. kelangan ko na ata ng memoplus gold. pak!

Kahit di ko napanood ang part 2 nitong movie na ito ay keri lang! Ayun. Tantararan! Nag-umpisa na! Action ang umpisa sa laban ng mga villains na sila potato man at potato woman kasama ang mga alien with the evil piggy bank. Ang heroes naman na cowboy and cowgirl with the galactic space ranger ang kakalaban sa masasama. Then boom-boom-boom. Naging matanda na ang owner ng mga toys. Enter to collegehood ang drama at wala na pakialam sa beloved toys nia. Ang mother dear ng teen ay nag-ask to mini-mini-mayni-mo kung ano ang ilalagay sa attic, dadalhin sa college at ibabasura. Napili niang ilagay sa attic ang toylets nia subalit nakalimutan nia at inakalang junk ni mother goose. Aw! Napadpad sa daycare ang mga toys!

Tampururotching ang mga toys sa amo nila kasi akala nila wala silang halaga sa bata. Tanging si Woody (bidang cowboy) lamang ang nagtiwala at nagpumilit na bumalik sa owner nito. The rest, nabulag sa promise ng leader ng toys na bear subalit nagkamali sila. It's hell! Ang mga chikiting patrol na maglalaro sa kanila ay ing tipongimpakto at impakta sa mga laruan. Walang pakiama kung masira, madurog, magasgasan o madurog ang laruan.

Tumakbo ang storya sa planong makabalik ng mga toys sa owner nila at in the end, having a new home kung saan sila ay naaapreciate at aarugain.

Para sa akin, ang nakita ko sa kwento ng toy story ay ang pagbabago. Things changes. Ang bata, lalaki, tatanda. Thing won't be the same but things must go on and continue. Eto ang aking napuna noong ibinigay na ng bidang bata ang kanyang priced possession sa another generation na makaka-apreciate sa laruan.

Ewan ko, naka-relate ako sa bata. Noon addicted ako sa toys pero nung medyo lumaki, tila unti-unti ng nawawala ang hilig(except ng ma-adik ako sa one piece). Biglang nagflashback ang mga kinolekta kong 101 dalmatian sa mcdo subalit wala na kasi nabaha at napabayaan ko. Napaisip ako kung anu kaya ang nadama ng toys ko ng malunod sila ng baha. Magiging bitter din ba sila tulad ng bear na nasa kwento?

Another na nakita ko sa kwento ay ang moving on. Masakit para sa mga laruan ang pagiging balewala sa amo nila pero they are still toys at kailangan na nilang makahanap ng new environment. Dito pumasok at sumapol sa kokote ko na parang in real life, pag-ayaw na sa iyo, kelanagn mong bumitaw at hahanap ka ng tatanggapin ka at bibigyan ka ng halaga.

For me, Ang toy story ay bibigyan ko ng score na 9 dahil nasiyahan ako at na-touch sa kwento ng mga laruan na naghanap ng kalinga dahil tila nababalewala. Heto pa ang mga factors kung bakit 9 ang score.

1. Ang landi ni barbie! Nakakatawa ang part nila ni ken!
2. Natawa ako sa first part na tila na-hijack ang tren at ang mga pasahero nito ay mga trolls!
3. Ang kulit lang ni Mr. potato, kayangsumanib sa parang piyaya/dough at pickles.
4. napaka-conyo ng triceratops, nakikipag-chat sa ibang toys!
5. nakakatakot na ewan ung giant baby doll!
6. Naiiyak ang isa naming kasama sa sinehan!
7. Nakakatawang sumayaw ng spanish dance si Buzz Lightyear!

I recommend this movie sa mga taong nahihilig sa toys at lalo na sa mga taong dadalo ng toycon mamaya. Very swak lang sa mga events. Nice!

1 comment:

  1. wow, toy story! papanoorin ko talaga ito sa kahit anong paraan. kahit pa mag torrent download nalang muna ako! hehehe.

    pareho tayo parekoy. mahilig ako sa laruan noong bata pa ako pero hindi ko na alam kung nasaan na sila ngayon. sayang at kung naitago ko lang, malamang ay naibenta ko sila ng mahal. di ko na matandaan kung nasaan yung die-cast na voltes v robot namin. nung minsang makakita ako ng katulad nito sa exhibit, nagulantang ako sa presyo!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???