November 2009, nagkaroon ng majr discount ang isang airline at nagbaba ng presyo para sa ticket papuntang asian countries. Pinangunahan kami ng ate ko at nagpa-book sa aming apat upang makapunta sa Thailand this July. Since papalapit na ang July, saka palang naisipan na ayusin ang passport namin. Kaya heto ang nakakafrustrate na kwento ko sa pag-asikaso ng passport namin kahapon sa DFA.
Kahapon, lunes, umalis kaming pamilya upang mag appear sa DFA upang maasikaso na ang passport. (Last week palang ay hiningan na ako ng 3k para daw maasikaso na ng may kakilala sa loob upang mapadali ang process dahil kung hindi, mga august or september pa maseset ang pag-appear. Sige, abot nalang, para matapos na.) Nakaset kami ng 3pm para konti nalang ang tao kaya mga 1pm ay get-set na kami. Amppupu, ang kotse ng ate ko ay walang aircon! ordinary fare lamang kaya tagaktak ang pawis at tostado sa init ng araw. Nangitim pa lalo ako. To add pa sa pangyayare, ang eps kong sister ay napaka-bossy. Magmamaneho nalang ay pasigaw pa magtanong kung saan sia dadaan. Lakas ng loob manigaw, wala namang sense of direction. Bumalik kami kasi nakalimutan ang original copies ng mga docu at same lang ang dinaanan pero tanung ng tanung kung saan na kami dadaan. hays.
Matapos ang almos 2 hours na biyahe ay nakadating din kami sa DFA. Wala daw matinong mapaparkingan kaya sa katabing S & R na parang Shopwise ang aming pinarkingan. Oops. Nagbigay ng ticket si manong guard telling na kailangan namin magshop for around 500 pesos upang magkaroon ng free parking. Awawaw! Mambubutas nanaman bulsa! Shet! Dapat pala sa may katapat na fastfood store nalang kami nagpark, di pa siguro aabot ng 500 ang bill sa pagkain. Anyways, shop nalang ako sa loob ng worth 500. Shemay, wholesale pala sa loob, bawal ang patingi-tingi at ang mamahal ng mga items. Ang nabili ko sa 500 ay 2 boxes ng danish bread(4 pcs per box), 2 packs ng Martys vegetable chicharon at salt and vinegar, 2 cans ng Pineapple juice at isang piknik. Boom, lagas ang almost 600. :(
Lakad sa loob ng DFA. Doon namin inabutan ang daddy ko. So ung parang fixer ang nag-asikaso ng mga anik-anik ay on the move na. Then here comes another pain in the pocket, biglang lumapit ang mom ko telling na magwithraw daw ako kasi magdadagdag ng certain amount upang ang green na passport ay magiging brown. Watdapak. Ano pake ko kung green at kung brown. Sabi daw pag brown, pede na pang- USA. Juicekopong-pineapple! Wana ako magagawa pero sige, abot nalang pero matindi na ang inis ko sa araw na kumuha ng passport.
Nung pauwi na ay super tapik sa EDSA at hays. di ko na kaya ang inis. Gastos na nga ang inabot ko, susundan pa ng mabahong trak ng basura na kasabay namin at nanunusok at naninipa ang amoy sa open air at ordinary fare na kotse. Whattaday!
Napaka-gastos lamang ang first day of the week ko. Nakakasira ng araw at talagang nabutas ang laman ng bulsa ko. Okay ang bilis ng pagkuha ng passport kasi di na magtitiis sa mahabang pila at nakakainis na prosesong gobyerno pero talaga namang susuko ang pitaka sa kakasuka ng pera. Talagang napa-AMP ako sa passport. Feeling ko over ang kaperahan na nagamit para lang makalipad sa pesteng ibang bansa. Haaaaay!
matindi pala ang pinagdaanan mo parekoy!
ReplyDelete