Kung may bad news, dapat may good news!
Matapos ang nakakainis na day ng pag-asikaso ng passport ay nag Megamall kami upang magdinner. Since buo kaming apat at kasama namin ang ka-opisina ni mommy ay kumain kami sa hindi fastfood. Dyahe naman kung sa Mcdo o Jollibee namin pakakainin ang bisita at kasama namin sa paglakad ng passport.
Napadpad kami sa Atrium ng Mega at andun ang mga resto. Since batang karinderya lang ang pobreng khanto ay hinayaan ko na sila na lamang ang mamili ng place dahil ang alam ko lang na mga kaininan ay fastfoods at ung mga middle dining like Kenny rogers, sbarro, pizza hut. Di alam ng dila ko ang lasa ng mga chinese cuisine at iba pang resto na babarilin ang bulsa mo.
Ang napiling resto ay ang HK Choi o Hong Kong Choi. Matatagpuan ito sa 2nd floor area ng Atrium sa megamall. Pagpasok sa loob ay oks ang ambiance. May rotating disco ball este golden chandelier pala. Okay sana ang pwesto na malapit sa windows at kaso since 5 kami ay di kami kakasya kaya dun kami sa middle part umupo. Since hindi naman ako ang magbabayad sa gastusin ay di ko na tiningnan ang menu at hinayaan ang aking ate na umorder.
4 in 1 celebration pala ang naganap dahil Nung Sunday ay Father's day. Kahapon ay Death Anniv. ng namayapa kong kuya at ang pagapply ng passport at today ay wedding anniv naman ng parents ko.
Pagpasensyahan nio po ang larawan ng mga pagkain dahil tulad sa mga ibang entries ko ay anh handy-dandy cellphone ko lamang ang aking gamit.
1. Beef with Brocolli- Tama sa pagkakaluto ang gulay. Crunchy pa ang stems at green na green padin ang kulay ng leef ng gulay. Sa kasamang beef, di matigas at di rin gummy. Oks din ang mushroom na kasama nito.
2. Sweet and Sour Pork- Very crunchy at madami ang servings nito. Napreserve ang lasa ng green at red bell pepper na nagcocompliment sa pineapple tidbits. Ang sourness ay sakto lang dahil well blended sa sweetness due to the orange zest at honey namalalasahan.
3. Glazed chicken Honey- Medyo bitin in terms of serving dahil iilang piraso lang ito. Okay lang naman dahil sa honey ulit. No other comment kundi bitin ang dami.
4. Crunchy lemon chicken- di yan ang tunay na pangalan, pero yan ang aking ipinangalan kasi yan ang aking nalasahan. Ang lemon mixed with honey ay talagang nakakagana. Crunchy na crunchy pa ang malai chicken popcorn/ strips. Parang ung orange chicken ng chowking pero ibang level ang lasa.
5. Fish Fillet- Ang fish fillet dito ay di prinito. Parang steamed and quickly stir-fried ang dating. Though kung titingnan on a physical look, parang siomai wrapper na kumapal, pasado naman ang lasa kasi naiiwan sa dila ang flavor ng isda.
Walang larawan ung fried rice na inorder kasi mabilis naubos atsaka late dumating. Nauna na ang mga viands o ulam subalit wala pa ung rice. Finollowup pa bago makarating sa hapagkainan kaya pagkalapag, wala ng picture picture, lapang na agad. Ang rice ay may mixture ng chicken strips, sayote bits at spring onions.
Para sa drinks, ang mga kasama ko ay normal na coke in can at coke zero ang pinatos samantalang sa walang kamatayang ice tea ako.
Solve na solve ang stomach out ko dahil bondat ako sa kinain. May sobra pang chicken lemon, sweet and sour at fried rice na tinake out. Overall, okay ako sa pagkain sa HK Choi.
Bago umalis ay nagpicture picture muna kami.
Tres Marias
Magkumare
Mag-ama
Magkapatid
Mag-ina
Mag-ama din
PS. Nakuhaan ko ang larawan na nasa ibaba sa mala placemat ng resto. Talagang may nakapaskil na NO VETSIN. Walang monosodium glutamate ang food nila meening walang taktaktak, ajinomoto umami seasoning. :D
ang susyal susyal pala ni khantotantra at poging pogi sa suot na polo kaya pala maraming chikas dine bwahihihi
ReplyDeletepanalo! mukhang napakasarap kumain dyan. try ko nga pag-uwi. maraming ok na kainan sa atrium eh. \m/
ReplyDelete@jepoy,hindi po ako ung sosyal, ung ate ko. :D
ReplyDelete@nobenta, yep, andami makakainan sa atrium.