Saturday, June 5, 2010

School Supplies!



Ngayong araw na ito, tila di ko alam kung masisiyahan ako sa balitang naririnig ko habang natutulog sa kwarto at dinig ang pag-uusap ng mommy ko at isang kamag-anak. Tila nagagalit ang mommy ko kasi nagpaparamdam ung anak ng kamag-namin na umaasa ng support sa pag-aaraw. Pagkatapos makatulog ng dalawang oras, nalaman ko na ngayong araw ay pupunta sa mall ang mom ko kasama ang pinsan ko at ung apo-apuhan upang bumili ng gamit sa pag-pasok. Sige na, bad na ako pero bumanat ako na aanak-anak ng madami pero di kayang suportahan ang mga anak. Kaya humirit ako ng mga suggestion na gagawin upang di na gumastos sa mall at bumili ng supplies.

1. Bag- Wow, tila nagrerequest ng bagong lalagyan ng gamit sa paaralan. Comment ko? Andaming plastic bag na nakatambak sa gilid ng ref at lagayan ng mga iba't-ibang plastic bag mula sa supot ng pandesal, grocery items, plastic bag ng malls at etc. Malaking katipiran yon kasi kayang tumagal ng 360 days. Saka everyday pedeng iba nanamang plastic bag. Sosyal, daily kung magpalit!

2. Notebook- Since madami dami kaming cover ng mga dvd dito sa bahay, ipunin ito at pagsama-samahin. Butasan ang isang side gamit ang puncher at lagyan ng metal ring. Sosyal, may malaking notebook na mabubuo at makapal ang papel, di agad mapupunit. Good thing pa sa ganong gawain ay iba-iba ang design, may koreanovelas, may anime, may american series.

3. Shoes- Wow! ang alam ko may free shoes sa public schools ah. Anyway, para makatipid, pede naman ang mga nalantang dahon dito sa bakuran namin. Eco friendly pa kasi nakatulong na sila sa mga nagwawalis tuwing umaga,  naging close pa sila with nature.

Alam ko naman na kailangang tumulong pero minsan ewan ko lang, para kasing over, over na ang nangyayari. Bahala na, babalik naman siguro ang pagtulong ng magulang ko. :D

2 comments:

  1. you are so bad. really really bad. pero mas bad pa rin ako. bwahahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???