Saturday, June 12, 2010

Ang La Sheng!



Wala pang apat na oras ang tulog ko ay nagising na ako upang maghanda sa meeting sa aming department. Kahit na parang may sapak pa ng ininom ay dali-daling naligo at kumain ng almusal at diretso na sa opisina. Antagal ng meeting, from 9am, natapos ng 12nn. Buti nalang may pakain na buffet at solb ang sikmura. Nagkayayaan ang grupo na manuod ng sine ng bandang alas dos subalit ang next show ng Karate Kid ay 4pm pa. Napagdesisyunan nalang na tumagay nalang ulit.

Alam naming tila madami ang tao sa place called "Tambayan" kaya dun kami sa Burby's ulit. 6 kami na nagpunta doon. 4 sa amin ay galing sa inuman sa riverbanks(halos konti lang pahinga). Una naming inorder ay Apple Green Beer. Pulutan namin ay Buffalo wings, Onion rings, potato weges at nachos na makunat. Next order ay Tower na beer with freebie na pizza. Last pulutan ay tokwat baboy. Solb! Solb na solb ang mga bahay alak!

Alam ko na pangatlong inom ko na ito sa linggong ito  pero nakatitiyak ako na di naman ako lasenggo. We drink pag may ocassion at di naman linggo-linggo. Atsaka di kami malakas uminom.

Di na kami umabot sa pagiging bangenge at bagsak na bagsak sa alak pero nais ko lang i-share ang natuklasan kong iba't ibang klaseng lasing mula sa mgaepal.com.



Masasabi ko na ako ay kabilang sa Silent type. Tatahimik nalang at makikinig sa nagkukuwento.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???