Friday, June 11, 2010

Full Metal Alchemist: Journey's End



Lagpas 100 episodes na ang Full Metal Alchemist sa one manga at ngayon, inilabas na ang huling episode o ang magtatapos sa magandang anime na ito.

Ang mga pangyayari sa nakaraang mga episode bago ang pinakahuli:

Si Edward kasama ang kapatid na si Al ay nag-aral ng alchemy dahil nais nilang buhayin muli ang kanilang ina. Dahil sa pagpupursigi at angking katalinuhan, sa murang edad ay may kakayahan na sila sa alchemy. Ginawa na nila ang ritwal sa pagbuhay sa ina subalit sa di inaasahang pangyayari ay iba ang nabuo nila. Ang masama pa ay nasakripisyo ang katawan ng kapatid na si Al at ang paa(di ko sure kung paa ang naunang kunin). Upang mabawi ang kapatid, nagsakripisyo si Edward ng kamay upang maibalik ang kapatid. Nabawi ang kapatid na si Al subalit ang kaluluwa ay nailagay sa isang Armor. Nangako si Edward na ibabalik ang kanilang sarili sa dati.

Tumakbo ang kwento sa pagkakatuklas ng mga lihim ng gobyernong pinaglilingkuran nila. Hangang sa umabot sa pagkakatuklas nila sa mga kalaban na pumapatay sa mga alchemist. Natuklasan nila na ang philosopher's stone ay nagagawa mula sa mga tao bilang sakripisyo. Kinalaban nila ang mga homonculus na may kapangyarihan ng philosopher's stone. At ang final chapter ay tungkol sa laban sa isang taong nais sakupin ang mundo at nais maging diyos.

Ang last episode ay lagpas 100 pages pero sulit na sulit. Its not really a happy ending but it ended well. Natalo ang kalaban. Nabalik ang kapayapaan. May mga bagong simula at may nagtapos. Surely, ang manga na ito ay isa sa aking paborito.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???