Napadaan ako sa pantry kanina ng makilta ko sa telebisyon ang tungkol sa balitang may mga mata na nasa musmos na pag-iisip na marunong magyosi o manigarilyo. Ang nasabing mata ay ipinakitang sanay at bihasa na sa pag-hithit at pagbuga ng usok mula sa kanyang maliit na katawan. Ipinakita din sa balita na may isa ding bata na taga ibang bansa (Asian country) na nasa edad 3 na kapareho din na marunong mag yosi.
Habang nagblobloghop ako, nakita ko ang larawan na nasa itaas. Larawan ng mga bata-batuta na tila pinormahan upang magmukang lasengero at marunong sa bisyo. Wow! Heavy! Ganun na ba ang planeta nating ito? Bata palang ay nais na nating turuan ng kung anu-anung ewan.
Biglaang sumagi sa isip ko, siguro sadyang mautak lang ang mga magulang ng mga batang hinahayaan na magyosi at tumoma ang kanilang anak sa murang edad. Bakit ko nasabing mautak? Kasi Tila conscious sa growth ng population ang mga magulang kaya sa pamamagitan ng pagpapabaya, maaaring mag lead sa sakit ang ginagawa ng mga munting anghel. Kapag nagkasakit, wala silang pampagamot. Pag walang pampagamot, manghihina at mamamatay na. Tila nais nilang palaguin ang death population upang magbalanse ang dami ng tao sa mundo. Isipin nalang na atleast, di sila direktang pumatay.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???