natapos na ang araw ng huwebes at sumapit ang beernes! huling araw ng pasok at restday na. Masaya ang tao kasi dumating na din ang sahod. witweew! May laman na ang mga pitaka at pede nang maglakwatsa.
Kahit na uminom kami noong nakaraang araw (Miyerkules ata), e heto nanaman at tila hinahanap ng lapay at bituka ang dulot ng alkohol. matapos ang shift, mga bandang 7pm ay diretso muna kami sa Mcdo upang kumain bago sumabak sa laklak. Mula sa SM Marikina ay nilakad namin papuntang riverbanks at dun sa Rivergrill kami napadpad. Isa itong parang bar na hindi.
Order! Dahil ang isa naming kasama ay nais tikman ang peborit niang blueberry vodka, yun ang kanyang inorder. Para sa akin naman, ang raspberry vodka ang mas type ko. Para sa dalawa pa naming kasama, normal na kabayo nalang ang inorder muna. Para sa pulutan, Crispy Binagoongan with talong.
Blueberry Vodka
Raspberry Vodka
Crispy Binagoongan
Apat na baso sa apat na tao (Ung green, redhorse na may blueberry)
Equal ang volume sa baso.
Okay sa place kasi may live performer. Nung una, ung lalaking nagpapanggap na bading(kahit puro kabastusan ang nasa bibig at may saltik kung manalita, halata padin sa paraan nia ng pagkanta, sinasadyang maging sirena para pumatok) ang kumakanta. Animo ay nasa teatro ng cats at trap family singers. Sumunod na kumanta ay ang babaing animo ay lady gaga pero may pagka-pinipilit maging husky voice. Last e isang banda(di lumutang ang performance kesa sa naunang dalawa).
Kahit alam namin na required kami sa meeting kinabukasan sa opisina ay pinili namin magpakasaya sapagkat nakabalik kami sa normal na buhay, balik pang-umaga na kami(pwera sa isa). Atsaka everybody needs to take a break.
Enjoy lang habang bata... Tagay na! =)
ReplyDeletetama! kampai!
ReplyDelete