Sunday, June 20, 2010

ToyCon 2010!

Kagabi palamang ay di na mapakali ang aking sarili sa magaganap na toycon sa Megamall. Naikuwento ko nga na kahit medyo may bangas pa ng kalasingan ay nagising ako ng maaga para makaget-set sa event. KAhit tila humihilab pa ang sikmura dahil walang inalmusal ay keri lang. Ligo mode na agad at bihis. Destination ay ang 9th toy convention.

poster

Di ako maaga sa mall dahil nag-dalang isip pa sa sakit ng sikmura pero tiniis ko yon para lang di ako mahuli sa pagpili ng laruan. 10:30 na ata ng makadating ako sa venue. 30 minutes late mula ng magbukas ang mall at natitiyak ko na mepapasubo ako sa pagpila sa tiket gaya ng previous experience ko noon sa mga ganitong event, Nagmamadali pa at inoobertake ang mga kukupad-kupad na koopaloids sa mall at dalian kong pumunta sa 5th floor ng mall. Kahit tagaktak ang pawis ay di ko na inalintana, makabili lang kaagad ng ticket. Swerte, di mahaba ang pila sa ticket, walang tao. Hmmmm. Pero lumigon ako sa paligid, andami naman tao. Shucks! Hindi ang pila sa ticket ang mahaba. ang pila sa pagpasok sa Megatrade hall ang mahaba. Kabog pa nito ang usual na pila sa renewal ng NBI clearance. shet! Mula sa 5th floor, ang pila papasok sa loob ay umabot sa side ladder ng mall pababa. Ang dulo ng pila nung bumaba ako ay nasa 2nd floor! Naknamputs, andaming early birds! No choice, pila nalang ako sa animo ay pila ng NFA rice o kaya parang nung eleksyon lang pero 4x  ang dami ng tao. After 25 years o katumbas ng kalahating oras ay nakaakyat na muli ako sa 5th floor at nakapasok! Weeeeee! Excited na ako!

Toycon 2010 ticket


pila hanggang 2nd floor

Stamp! May tatak na ng pagsusuri at bfad approved na ako. Akala mo ay parang karne lang ng baboy ang kamay ng mga tao dahil sa stamp na nilagay nila upang markahan ang mga pumapasok. Nakornihan ako kasi datirati ay parang baller-id sticker ang nilalagay nila. Tipid mode ata. Anyway, Di na ako nag-aksaya ng oras at nilibot ko na ang mga booth. Di ko na pinansin ang freebies ng ibang booths. Ang mahalaga muna sa akin ay makahanap ng laruan na aking bibilhin. Parang nagblobloghop lang at di mapakali ang aking paa at mata kakahanap ng stall na nagbebenta ng one piece toys. Shet. Wala. Puro DC toys. anu nga bang magagawa ko e DC comics ang main attraction dito. Lipat! Lipat! Lipat! Corny, wala akong makitang type ko! Lipat! uy, anime shop. Silip-silip. damn! Wala! Shoot! Lipat uli! naduduling na ako sa gutom. Never give up, never give in ang drama. Boom! sakto, natatandaan ko ung booth na nabilan ko noon ng one piece figures. Yey! Bingo na! Bingo na! Sinuyod ang pwesto at jackpot! i hit the g-spot! Umapaw na! Umapaw ang kaligayahan ko ng makabili ako ng isang set ng One Piece na laruan na hindi lumabas sa mga Toy Kingdom! Ale, nasa langit na ba ako? pak. Bilis! dampot! Baka may makakitang iba at maagawan pa! Di na ako nag-atubili at binili ko na ang anim na kahon ng laruan. 150 each, total ay 900 pero may discount, 850 nalang. Swerte. Umabot ang ngiti ko sa aking tenga.

waku-wakubox


isang set ng waku-waku one piece

After mabili ang hinuhunt na laruan ay kumalma na ang aking kalooban. Sige, go na para maglibot. Umpisahan sa booth ng GMA. Aba! Costumes ng telepantasya ang dinisplay! Damit ng engkantadia ang kanilang display with matching pamigay pa ng kiddie party hats sa mga bata-batuta. Nakadisplay din ang damit ng babaeng lumulunok ng bato, si Zsa Zsa zaturnah este DARNA! After nun, lipat naman. patingin-tingin sa booth ng mga sexing babae ng AXE body spray. Kinis. Lipat ulit. Wow, mga iba't-bang toys. Atleast, di sya same sa mga display last year. Heavy. Ang mga larawan sa ibaba ay mga kuha ng mga display sa loob ng toycon. Pagpasensyahan nio nalang po at di kalinawan kasi 3megapix lang cp ko at tila nanginginig ang kamay ko. pasma ba ito?

Pirena's costume


Amijan at Danaya's costume


Darna and Alena's costume


Transformers robots


Unknown


DC toys


Anime toys


Pacman


Mickey boxer


DC character


Hulk


King of Pop


Yoda



Cory, Imelda nad Gloria dolls


Emma Frost


Legolas


Star wars characters


Cobra Commander


Soldier doll


Daimos


Mature Superman


Flash


Wolvy with a Laker


Thor


Spiderman


James Bond


Green Lantern

After Sumulyap sa toy display, napadpad ako sa mga pinoy artists sa corner ng event. Doon ko nakita ang tinitindang Proud Callboy na aking ibinida sa naunang entry. Akala ko noong una ay ordinary saleslady o bantay lang ung andoon pero ako ay nalinlang. Ang babaeng nasa harapan ko pala na nag-alok sa akin ng libro ay mismong artist ng libro. Sya si Ms. Hazel Manzano. Stunned. Khanto was paralyzed! Inalok ako na bumili ng libro. Binili ko ung Proud Callboy. May discount pa! Naging 120 lang ang binayad ko. at ang good thing pa, ay may dedication. Inask ang name ko. Sabi ko Gelo. Pero sabi ko palagay nalang na khanto. Parang di nia nagets ang spelling kaya inispel ko na k-h-a-n-t-o. Poof! Bigla niang sinabi ang salitang "Kwatro Khanto". Na-touch ako kasi di ko inaakala na maaalala nia ang name ng blog ko na ifiniture ang libro nia. Nagsulat sya sa libro. Dedication. Tapos, biglang gumuhit. wow! Namangha ako sa drawing skills nia. Nagpasalamat ako sa kanya. Ng makalayo, binuklat ang libro. Na-stun ako. Ang character na drawing nia nagsasabi na wag magresign. Shoot! Bull's eye. Nabigyan ako ng payo at sign na wag muna sumuko. Wow!  Happy ako kahit nasa unang phase palang ng toycon.

Proud Callboy book


Pirmaa ni Hazel, author ng libro

Bago ako umalis ay nagblog ako sa chikara hats. Grabe, ang hirap pala pumili ng design. Lahat ay cute! Habang undecided, sa ibang booth ay nakakita din ako ng ibang fleece hats at ibang design kaso mahal. Naglalaro ang price sa 350 to 500. Watdapak. Balik! Balik! Balik! Bumalik ako sa Chikara hat store at bumili ako. Napili ko ay Panda.

Panda Chikara hat


Ako


Ako at ang chikara hat ko

Kumakalam na ang sikmura ko kaya lumabas muna ako at naghanap ng lugar na pedeng makainan. KFC sa third floor ang una kong pinili subalit jampak na kasi alas dose na. Lakad sa Mcdo. Ganun din. Arrrrrg. Pumunta ako sa Kenny Rogers at di mahaba ang pila. Dd ko na inintindi kung medyo may kamahalan don kesa naman makipagsabayan ako sa mga fastfooders. Dahil tomjones na tomjones na ako, pinili ko na magdiet. Bumili ako ng Classic Roested Chicken Platter; solo B(dalawa ang side dish) tapos refillable ice tea. Uhaw na uhaw ako kaya niyari ko na ang tea at nagparefill nalang ako. Dahil diet mode nga ako, ang side dish ko ay Cheesy Garlic Potatoes at Mac and Cheese. Solve na solve ang gutom ko at tila na-fully charge ako at ready na akong magstay sa toycon ng matagal.

Kontra gutom

Umakyat kaagad ako pabalik sa 5th floor at nagtungo sa malapit sa stage. Woops. Walang maupuan. Tumayo habang nakikinig sa MC. Nung may umalis sa pagkakaupo ay tila nakipag trip to jerusalem ako at umupo sa bakanteng silya. Good. malapit na ako sa stage. Kinig kinig. Tapos Tumugtog ang isang band named Parameta. Astig ung drummer nila kasi sia din ang lead vocals at babae pa sya. 3 sets lang. Pagkatapos nun ay inanounce ang auction. Mga one of a kind items na di mabibili dito sa pinas. Pero ang catch ay dapat bumili ka muna ng dc product tapos ang bid starts from 500. Wag na uy, wag  na, wag wag na uy! Naupo nalang ako. Sumunod ay dumating ang dalawang pagkagandang babae. Tila dumami ang lalaki na kumukuha ng picture. Sexy kasi nung dalawa. Nung nagsalita ang host, nalaman ko na kaya pala kandarapa ang photographer at protograher-kuno at cosplayers ay dahil isa sa dalawang babae ay si Alodia. Ang kasama nia ay si Alexia. Goddess! Parang bumaba ang mga anghel sa toycon. sumunod ay another band named Stereodeal. After nun, nagpromote ang Axe. Umakyat sa stage ang mga sexing babae at ang gaganda ng kurbada nila. Kung may digicam lang ako. aw!  Matapos nun ay nagpromote ang eGames ng Runes of magic at Dragonica. After nito, isang banda nalang at dumating na ang pinakahihintay, ang cosplay ramp!

Alexia and Alodia (malabong kuha)


Parameta band


Stereodeal band


Axe girls



Mga Host

Datirati ay nakikisiksik ako sa mga tao upang makita lamang ang mga sumali at nagregister para sa solo competition ng cosplay pero ngayon ay iba na. nasa harap ako at kitang kita ng 20/20 kong mata ang mga suot at anyo ng mga kalahok. Nasa 120+ ang mga sumali kaya inabot ang ramp ng mahigit 2 hours. Okay naman ang mga cosplayers. may mga so-so lang pero ang nakapagpasaya dito ay ang mga chibi cosplayers o ung mga chikiting na cosplayers. Cute ung nagcosplay na si Conan Edogawa at pati ung Captain america at sailormoon baby. Sa adult, namangha ako sa kaopisina ko na nag mask rider(di ko sure anung mask rider) kasi A for effort ang props at di pipitsugin ang pagkakagawa.



Mini Conan Edogawa


Mask Rider na Green

Tinapos ko ang araw na ito sa pagkuha ng larawan ng Justice league sa activity area ng megamall at pagbili ng isang dosenang donut sa dunkin donut na may libreng donut sticks.











Enjoy na enjoy talaga ang araw na ito Bukas, di ko pa sure kung babalik ako pero baka di na gaano kaaga.

9 comments:

  1. Okay first of all binasa ko ang entry mula una hanggang dulo, naiingit ako hindi ako nakapunta. Ikalawa nag enjoy ako sa music collections mo dito, pinatugtug ko sya habang nag sasaing ako at nag kukutkut ng kalyo sa paa. Pangatlo natuwa ako sa kwento :-D Blog on...

    Yown lang naman. Happy SUnday!

    ReplyDelete
  2. Salamat po sa pagbisita sir Jepoy.

    ReplyDelete
  3. ang daming pics..hehe..at ang gaganda..

    happy fathers day sa daddy mo.

    ReplyDelete
  4. sayang, kung may mas mataas na camera aq, papapic ako dun sa mga maganda at sexing babae.

    Happy Fathers day to all the tatays out there!

    ReplyDelete
  5. wow, inggit mode ako. sayang at 'di ako nakapunta dyan!

    panalo 'yung mickey the boxer, yoda, starwars, at siyempere....ang lahat ng axe babes!

    ReplyDelete
  6. andaming laruan!!! parang gusto kong mangolek uli ng mga laruan!!! ^^

    ReplyDelete
  7. Nice to meet you khanto!!! Thanks also for buying! :)

    ReplyDelete
  8. Can I ask san makakita ng update online para sa mga toy convention na ganito? I'm hunting gashapons and candy toys as well. Can't wait sa Naruto Candy toys na ma release d2 sa pinas..

    San ba madaming Gashapon or anime toys other than Online, Greenhills, Toy Kingdom at Toys R us? Yun lng alam kong puntahan eh.. ^_^

    ReplyDelete
  9. Yung Alexia ba yung bata o yung kapatid ni Alodia? If you're referring to her sister, her name is Ashley. =)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???