Monday, June 7, 2010

Night and Day!



Ngayong araw na ito, balik na ang aking schedule sa pang-umaga. Mula sa pagiging vampire at zomnbie mode ay normal na tao nanaman ako. Balik na ako sa natural na buhay kung saan gising sa umaga at natutulog sa gabi. Kahit nagkaganun man ang schedule ko, tila hinahanap hanap ko ang buhay aswang. Narito ang aking comparison ng morning shift at night shift.

Morning Shift.
1. Umagang kay Ganda at unang hirit ang mapapanood mo pagkagising.
2. Almusal ay pandesal.
3. Trapik, kasabayan mo ang majority ng mga nagtratrabaho at estudyante.
4. Walang night diff, mababawasan ang sweldo.
5.Makakagimik ka ng friday night at masasabing Thank God its Friday!
6. May energy ka pag may sale ng weekends.
7. Madaming makakainan na fastfood at foodchain.
8. Di mo ramdam ang init ng tanghali.
9. Karamihan ng nasa ym mo na friends from gradeschool, hs, at college ay online.
10. Phirapan mag-commute pag uwian, puno lahat ng jeep.

Night Shift:
1. May night diff., may pera paglumarga sa mga malls.
2. Di siksikan sa jeep, pede kang humiga sa sobrang luwang.
3. Maiinggit ka sa mga party peeps pag fridays.
4. Hapunan mo ang pandesal.
5. Wala kang mapapanood sa pantry ng office kung walang cable.
6. Pag sumabak ka sa sale, nanglalata ka kasi puyat at naubusan na ng stock kasi Saturday ang umpisa ng RD mo.
7. Lagi kang tambay ng 24 hours na foodchain. Walang karinderiang bukas.
8. Pahirapan matulog kapag tanghali, maingay ang kapitbahay, matindi ang init ng tanghali
9. Wala kang maka-chat kundi mga katrabaho at ka-shift mo.
10. Puno ang wallet kapag kinsenas at katapusan dahil may taxi allowance!

3 comments:

  1. mahirap palang magtrabaho ng shifting. pero mas mahirap kung walang trabaho. hehehe

    ReplyDelete
  2. korekted by! mas mahirap nga wa job, wa pera, wa panggastos

    ReplyDelete
  3. hirap ng night shift. nasubukan ko dati yan noong nagtrbaho ako sa planta. iba pa rin ang feeling ng natutulog sa gabi!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???