Thursday, June 24, 2010

New Rangers!

"It's morphin time!"
Tyranasaur! green two! blue three! yellow four! Pinkmask!


Power Rangers at ang mga sentai, ito ang mga patok na patok sa mga kabataan noon at kahit ngayon. Ang mga rangers ay mga grupo ng kabataan na napili upang maging tagagulpi ng masasama. Sila ang mga tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan. Ang mga destined ones upang protektahan ang mundo mula sa kung ano-anong anik-anik na nagtatangkang sakupin ang mundo o maghasik ng kagaguhan o nais wasakin ang katahimikan.

Ang mga power rangers na sikat sa america ay nagmula sa sentai series ng japan. Kung matatandaan sa aking lumang post ng larawan ng mga sentais ng japan(http://khantotantra.blogspot.com/2010/01/sentai.html), halos lahat na ay napagdaanan ng sentais. May power ng mga magicians, powers ng kotse, galactic powers, ninja, dinosaurs, at kung ano pa. Pero ang nakapagtataka, wala pang power rangers na may kapangyarihan ng prutas.

Heto ang aking ginawang larawan ng mga Fruit Ranger kung saan may kapangyarihan ang mga rangers na galing sa prutas. Ang prutas ay umaayon din sa kulay ng mga rangers. Ang larawan na nasa ibaba ay inedit ko lamang gamit ang isang editing software habang ang larawan ng rangers ay nakuha sa http://www.supersentai.com/database/index.html).



1. Mansanas Man (Red Ranger): Eto ang kulay na laging lider sa mga rangers. Pulang mansanas at hindi strawberry sapagkat mas panlalaki ang mansanas. 



2. Langka Man (Green Ranger)- Ang berde ay isa sa kulay ng mga rangers. Wala pang green ranger na babae kaya mas babagay ang malaking nakakatusok na prutas na ito.



3. Banana Man (Yellow Ranger)- sa mga power rangers, kadalasan ay babae ang yellow subalit may times na lalaki din ang gumaganap dito. Saging ang nararapat sapagkat pedeng ihilera sa boys at gustong gusto ng girls.



4. Blueberry Girl (Blue Ranger)- Usually ay panlalaki ang kulay na blue pero tila pro 3rd gender nadin ang mga rangers kaya pede na mag cross colors ang mga ito. 



5. Dragon fruit girl (Pink Ranger)-  Girl na girl ang kulay na pink at never pa akong nakakita na pink na lalaki. Bakit dragon fruit? Pag binuklat at hinati sa gitna, sisiwalat ang maputing laman.



6. Snowberry girl (White Ranger)- special ang kulay na white sa mga rangers. Karamihan ay special characters sila na may bonggang powers. Dahil nga special, swak ang sosyal na snowberry.



7. Tangelo Man (Gold/Orange ranger) - isa nanamang special character sa rangers. Wala akong makitang rason kung bakit tangelo bukod sa malapit lang siya sa kulay na gold.

Masakit man isipin pero sa tingin ko ay ten years bago maisipan ng gumawa ng mga rangers na i-adopt ang aking ideya. Kung ayaw nila ng prutas, pede naman gulay. Red tomato, green peas, yellow corn at black beans.

PS: pasensya na sa kababawan ko. Naisip ko lang ang ideyang to habang nakasakay sa jeep at nakakita ng grupo ng high school na teknikolor ang mga damit.

3 comments:

So.......Ansabeh???