Tuesday, June 8, 2010

Khanto Pick: School Rumble



Nagbabalik ang khanto pick upang mag feature ng isang manga/ anime. Dahil umpisa nanaman ng pasukan at ang mga estudyante ay maghahanda na sa isang school year, naisipan kong ifeature ang manga na School Rumble.

Ang School Rumble ay kwento ng mga estudyante sa high school. Sila ang mga tauhan na magbibigay ng katatawanan sa matamlay na buhay sa bahay. Ang kwento ay magsisimula sa pagpapakilala sa prime character na si Harima. Sia ay isang lalaking nainlove sa babaeng nagngangalang Tenma. Noong Nagtapat sia ng pag-ibig dito, napagkamalan siang echi o manyak. Gumuho ang pangarap ng lalaki at nag-change ng image para magkaroon ulit sia ng chance. Ang problema ng bidang lalaki ay ang babaeng minamahal nia ay may gusto sa ibang lalaki (nalimutan ko na ung name). Sa pagiging crush ni Tenma, gumawa sia ng sulat upang mag-stay pa sa Japan ang crush nia. Dito magsisimula ang sala-salabat na kwento ng buhay teenager/ high school.

Bakit ko napili ang manga na ito? Kasi nakakatawa ang mga episodes at characters dito. Para sa walang karanasan ma-inlove, nakakaaliw din ang mga love scenarios dito kasi sa bandang gitna, tila naging complicated ang lahat kasi nagkaroon ng ibang triangle sa love triangle. Isa sa mga umusbong na love story ay ang pagkagusto ng kapatid ni Tenma kay Harima. Ang bestfriend din ni Tenma ay nahulog ng di sinasadya sa kinainisan niang lalaki na si Harima. Madami pang love flick ang lumabas na nagpakulay sa kwento.

Isa pang rason ay habang binabasa ko at pinapanood ang anime version, tila naaalala ko ang high school days ko. Di man ito kasing kulay ng sa manga, exciting padin at masaya.

Ang manga ay may 282 episodes samantalang sa anime ay di ko tiyak (di kumpleto ang quiapo version ng seasons 1, 2 and 3).

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???