Saturday, July 3, 2010

Pantasya (Day 3.5)-Itlog na hugis bilog



Ang nakaraan sa Pantasya.
Pantasya Day 3

Makalipas lamang ng ilang minuto, nakaalis na ng isla ang quitter na si Jun Pyo. Kitang-kita sa mga mata ng pinoy survivors ang tuwa at kulang nalang ay magparty habang ang yacht ay nawawala sa kanilang paningin. Sa kabilang dako, Sa grupo ng internationals ay di sila makapaniwala na nabawasan nanaman sila ng isang member. Nawalan na sila ng 3 male players habang sa kalaban ay intact padin.

Panandaliang umalis ang host upang i-confirm sa producer kung ano na ang plano. Habang pumapatak ang ulan, sumilong panandalian ang mga cast-aways sa isang maliit na kuweba at doon hinihintay ang magiging desisyon ng management.

Shan Cai: "Kainis naman yang rich boy na iyon. He is such a loser!"
Onizuka: "Loser, loser ka dyan e ang jowanger-z mo na si Dao ming ay same type din."
Marimar: "Hayaan nio na! Ang mahalaga ay andito pa tayo at may chance pa sa milyones! aw!"
Kim Sam Soon: "Honga! wag nio ng intindihin yon, mayaman na yon, tulad ng queen...."
Queen Seon Dok: "May nais ka bang ipahiwatig? Kakanta nalang ako."
Shan Cai: "Go"
Queen Seon Dok: "Taba, Taba, Taba, may dalang timba!"
Marimar: " May nasasapul! Aw!"
Kim Sam Soon: hmmf

Sa area naman ng mga pinoys, pinag-uusapan din ang naganap na pag-back-out ng conyong guy.

Lola Gets: "Sayang naman, nawala si papa jun pyo!"
Rosalka: "yep, so wawa naman, di nia pa nakikita na gumanda ako, sayang naman, nawala na target ko!"
Momay: "At least weak na ang kalaban, wala na silang tatlong guys!"
Agua: "Wahahaha. Weak na nga sila, wala pa silang powers like us. Lulunurin ko sila pag water challenge!"
Asero: "Patataubin ko naman sila sa physical challenges!"
Lizardo: "Pakakainin natin sila ng alikabok!"
Elias Paniki: "Sana matupad nga na madaig natin sila sa challenge until mag merge!"
Rubi: "kereeeeek! Kailangang manalo tayo! Go! kailangan ma-Achieve natin ang panalo teh!"

Maya-maya ay humupa na ang pagbuhos ng tubig mula sa kalangitan at naaninag na nila ang host at tila may ngiti sa kanyang labi. Natatanaw nila na may dala ding kung anong bagay ang host. Excited na ang lahat ng participants at nagbalik sa spot. Nahati na uli. Nakatayo ang walong pinoy sa kaliwa habang ang limang internationals ay nasa kanan.

Host: "Castaways, may ibabalita ako sa inyo."
Castaways: "Ano?"
Host: "Tuloy ang laban! Dahil ang tunay na castaways ay atapang-a-tao. Hindi atakbo!,aputol kamay, hindi atakbo. aputol paa, hindi atakbo. aputol ulo, hindi atakbo."

Ipinaliwanag na ang rules. 5 vs. 5 ang magiging labanan. Tatlo sa pinoys ang hindi pedeng sumali sa laban. Kailangan apat na babae at isang lalake ang sasama sa laban para sa pinoy.

Napagdesisyonan na, Para sa internationals, ang nag-iisang lalaki na si Onizuka kasama ang mga angels nia na sila Shan Chai, Seon Dok, Marimar at Sam Soon. Sa Pinoy Survivors naman, Si Asero ang guy samantalang sila Rubi, Agua, Rosalka at Lola Gets ang girlaloo.


Ang Challenge, Ang lalaki sa magkabilang koponan ay kakabitan ng isang dosenang itlog sa bewang. Sila ay ipupuwesto sa dagat na may 100 metrong layo mula sa dalampasigan. Doon sila mag-aantay  sa mga girls upang basagin isa-isa ang kanilang itlog.Kailangang makabasag ng tatlong itlog ang bawat babae.


Pinaputok na ng host ang baril na naghuhudyat na umpisa na ng challenge. Naunang nakatakbo sa line si Rubi. Dali-daling lumangoy at nag breast-stroke. Sumusunod sa kanyang likuran ay ang damong ligaw na si shancai. Nakalapit na si Rubi sa target na si Asero. Huminga ng malalim at sumisid papailalim upang makita in full view ang itlog ng lalaki. Hustler pagdating sa itlog at isa isang pumutok at sumaabog ang mga itlog ni Asero. Makikita sa camera/video ang lumalangoy na kulay dilaw ng itlog. Di nagpatalo ang internationals at nanisid si Shan Cai. Parang sadako lang sa ilalim ng tubig ang babaeng may mahabang itim na buhok. Lumapit sa bewang ng nakatambay sa tubig na si Onizuka. Magaling humawak ng itlog si shan cai at alam ang weak spot. Pinisa na parang pigsa lang ang tatlong itlog at nagmadaling humabol sa nangungunang si Rubi.


Nakarating kaagad sa dalampasigan si Rubi at dali-daling lumangoy ang kubacious na si Rosalka. Nakakaloka ang paglangoy ng mala-kampanerang kuba dahil hindi marunong mag-breast stroke. Ang style ng paglangoy ay backstroke at minsan nagbubutterfly pa. Madaling naka dating si Rosalka sa pwesto ni Asero. Sinubukang sumisid pero bigo. 2nd attempt, shet ayaw. Nag try ulit, ampota, di makasisid dahil animoy salbabida ang nasa likod. Gumawa ng strategy , hinawakan sa ulo si asero gamit ang isang kamay at unti-unting pinipilit ang pressure para makalubog lamang kahit kakarampot. Wagi! After ilng minuto, nabasag nia na ang tatlo pang itlog. Sa kabagalan ni Rosalka ay nakahabol na pala ang kalaban na si Marimar. Nakasisid na ito at ready to smash that egg! Unang egg. basag, pangalawang itlog, durog. Pangatlong itlog.. AW! Hindi si marimar ang napa-aw! Si Onizuka ang napasigaw dahil sa nasipa ng paa ni marimar ang pototoy ni Onizuka.


Nakabalik ng sabay ang ang dalawang dilag sa pampang. Humarurot na ang third batch ng swimmers na babasag sa mga itlog. Magkasabay na nakadating sa destinasyon sina Lola Gets at si Sam Soon. Kitang kita sa mukha ng napagod na si lola gets ang ngiti sa labi. Nagsalita muna ang lola bago tinangkang sisirin ang itlog.

Lola Gets: "Whoooohoooo! Antagal ko ng gustong makahawak ng itlog!"
Asero: "Tangnang gurang ka! bilisan mo! baka matalo tayo! Kunin mo na ang itlog!"
Lola Gets: "Saglet! Atat ka?! hinay-hinay lang, pede namang dahan-dahanin!"
Asero: "@#$%!, Tandaan mo, puti ang kulay ng itlog at Wala yong buhok!"
Lola Gets: "Gets ko na! Kung di ka lang yumminess.... hmmmf(with matching kagat labi)"
Sumisid ang lola at siniguradong puting itlog at di kulay bakal ang mahahawakan. Konting chansing lang ang ginawa. 


Habang nagdadaldalan ang gurang at ang bakal, si Sam Soon naman ay nagdive na pailalim at nakapisak na ng dalawang itlog. Kahit na kinakapos na ng hangin ay sugod kinakaya ang hamon. Bago sisirin ang ikatlong itlog, kinausap sya ni Onizuka.
Onizuka: "Sam Soon, dahan dahan lang ha! Kanina nasipa ang potots ko!"
Sam Soon: "oo na, Sanay ako sa sisiran at sa itlog!"
Onizuka: "Talaga? Baka ang real eggs ko ang madurog mo!"
Sam Soon: "Sos! Bilang patisier, sanay akong humawak at magbati ng itlog!"
Sumisid uli si Sam Soon at success sa pagsira sa third egg. Papaahon na siya subalit sumabit sa zipper ng shorts ni Onizuka ang kanyang hair. Walang pahintulot na hinila ni Samsoon ang short na umipit sa buhok at dali-daling lumagoy paalis. Naiwang hubo ang pobreng teacher sa gitna ng dagat na hubo.

Ang lola gets ay nagtetake opportunity kay papa Asero kaya naiwan pa ito. Nakabalik na sa base si Sam Soon at dali daling tinanggal sa pagkakaipit ang buhok sa zipper ng shorts at iniabot ang short kay Queen Seon Dok. Hawak na animoy nandidiri sa short at lumagoy na ang reyna at dagling nakalapit sa lalaki. Iniabot ang short sa kamay ni Onizuka at walang hiya-hiya at sumisid si queen upang matapos na ang challenge upang manalo naman. Papalapit na sia sa bewang pero di maiwasan ng maharlika ang sangsang na naaamoy. Di nia nakayanan at napaahon ng di manlang nakakadurog ng isang itlog. Kinausap ang guro na si Onizuka.


Queen Seon Dok: "Powta! Akala ko itlog lang na maalat kasi babad ka na sa tubig dagat!"
Onizuka: "Anong pinagsasabi mo?"
Queen Seon Dok: "Sabi ko, kabog ang salted egg! CENTURY EGG PALA! AMBAHO!"
Onizuka: "Wag mo na kasing langhapin, mananalo na tayo, dali, break the itlog!"
Queen Seon Dok: "Sa susunod nga mag FRESHMAN masculine wash ka ha! Amp!"
Onizuka: "maskulin, maskulin wash, bilisan mo, durugin mo na ang natitirang itlog!"

Sumisid ulit ang reyna. Wala ng pake sa bombilyang wala naman ilaw. Agad-agad na hinawakan ang itlog na hugis bilog at isa-isang winasak. Isa. Dalawa. Tatlo. APAT-LIMA?!! 

Isang malakas na hiyaw ang narinig sa buong isla. Ang nag-eenjoy sa side na hukluban ay napahinto habang sinisipat ang mga eggs ng taong bakal. Ang mga nasa dalampasigan ay nagulantang sanarinig. Imbis na sa tenga ang nahawakan ay napakapit at tinakpan at prinotektahan ni Lizardo at elias ang kanilang itlog. Na-shock ang mga tao.

Dumating ang medic at dinala at sinugod sa ospital ang kawawang Onizuka. Di nakapagtimpi sa inis ang reyna at pati ang original at authenticated na itlog ng guro ay dinamay. Automatic na natanggal sa game si Queen dahil sa karahasang pinakita. Nahinto ang challenge at ibinigay ang reward at immunity sa Pinoy. Di pa alam kung makakabalik pa sa game si Onizuka pero dapat ay makabalik siya within 24 hours.


Agua: "Hoy lola gets, malandi ka talaga!"
Lola Gets: "Bakit?"
Agua: "Sinadya mong bagalan para maenjoy mo ang itlog ni asero!"
Lola Gets: "So what?!"
Agua: "You FREAK! isusumbong kita kay WOWA!"

itutuloy..........................

11 comments:

  1. waahhhh.....masyado akong nag-enjoy sa kaadikan ng "episode" na ito. panalo ang backstroke ni rosalka at ang kalandian ni lola gets!

    rugby pa tayo jan! hehehe. \m/

    ReplyDelete
  2. Salamat sa pagbasa. napahaba masyado kwento ko. :D

    ReplyDelete
  3. Magaling, magaling. Ngayon iniisip ko kung anong natira mo bago isinulat ito hehehe.

    ReplyDelete
  4. last na kinain ko bago ko maisulat yan ay lauriat ng chowking. :D baka may nahalong rugby:D

    ReplyDelete
  5. bwaahah lagot c lola gets kay wowa...lumalandi ang lola mo ahhaa...
    nice ah,,,,ang likot din po pala ng isip nyo nyahaha,,,,aabangan ko next episode nito haha

    ReplyDelete
  6. ganda ng post mo... i boblogger kita sa august. haha.

    katakot ang mcdo

    ReplyDelete
  7. Haha. Grabe hindi ako makarelate sa post na to. >_<

    Wala akong pinapanuod sa mga yan. :))

    ReplyDelete
  8. @unni- tigang masyado si lola kaya ganun.
    @pablong pabling- salamat. nagulat din ako sa mcdo.
    @robbie-nilagyan ko ng pics ung mga characters para atleast may idea ka sa face nila. :D

    ReplyDelete
  9. ang galing! haha...kahit di ko pa nababsa ang parts 1 and 2 (which is bukas na kasi antok na me hehe) natutuwa pa rin ako haha! the best na para sakin ang WOWA at FREAK ni agua at ang competitiveness ni rosalkang kuba hehe!!! napipicture out ko talaga ang mga pangyayari hehe..galing ah

    ReplyDelete
  10. ang galing! haha...kahit di ko pa nababsa ang parts 1 and 2 (which is bukas na kasi antok na me hehe) natutuwa pa rin ako haha! the best na para sakin ang WOWA at FREAK ni agua at ang competitiveness ni rosalkang kuba hehe!!! napipicture out ko talaga ang mga pangyayari hehe..galing ah..sana naman eh mag guest si bella dito haha

    ReplyDelete
  11. @sendo, salamat sa pagkaaliw. :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???