Nakareceive ako ng text message mula sa babaeng nagnakaw ng aking puso. Cheesy lang. Sya ang girl na nagbigay ng kulay sa black and white kong mundo. Siya ang nagtanggal sa kunot sa nuo at ang nagbigay ng ngiti sa mga labi. Masaya ako at magkikita kaming muli. Makalipas ang sampung taon.
We are friends. Hindi naging kami. Wala sa diksyunaryo ang salitang mag-jowa o ang sinasabing pagmamahalan. It's a one sided love i guess. Friends kami pero nahulog ako sa kanya. Lintek. Maybe its not meant to be.
Dali-dali akong nagbihis at naghanda sa muli naming pagkikita. Kahit malaki na ang pinagbago ng aking itsura, todo effort padin ako para mamukhaan nia ako at kahit pano masabi nia na di padin ako nagbabago. Yes, i know, sobrang landi ko lang na may ganung terms pa akong nalalaman. Hayaan nio na, inlab-inlaban ang gago eh.
Isa nanamang mensahe. Isang mensahe na nagsasabing hindi lang ako ang katatagpuin nia. Awts. Ansakit. Akala ko ako lang at kahit paano ay masosolo ko sia at possibleng masabi ko ang nararamdaman ko sa kanya. Nagkamali ako. Makakasama namin ang iba pang friends nia. all in all, 3 kami.
Sa may megamall. Dun ang naging tagpuan sa muling pagkikita at pagsasama. Kumakabog ang dibdib. Di ako mapakali. Parang pusang di ma-iri ang tae. Oa sa aga. alas diyes pa lamang ay andun na kahit alas dos pa ang aming pagkikita. Naglibot muna at nagreminis. Nagspeculate ng posibleng tanung na kailangan sagutin o kaya mga kasagutan na dapat malaman.
"Single pa din ako. Naghihintay padin na baka sakali ay mapansin din".... yang ang mga banat na nasa isip ko pero alam kong olats na olats sa mga linya.
"Kamusta ka na? Kamusta love life? e ang sex life?" shet. erase. erase. ang sagwa ng katanungan ko. Hindi pede at baka sipain ako at mawala ang time na aking inaasam.
Nagkita na kami ng isang friend na makakasama sa pagtitipon. Sa may kenny rogers angg tagpuan. Nireserbahan na ang lamesa na pang apat na tao at hinihintay nalang ang pagdating nia. Excited at masaya. Sabik sa pagtitig sa orasan ng cellphone at di mapakali kung may message na marerecieve. Itetext ko ba sya na "2 na we, wer na u?". Wag, baka maturn off lang. Hintay lang. Patience is a virtue ika nga ng madami.
Sa aking kinauupuan, tanaw ko ang mga lumalabas at pumapasok sa establishamentong kinalalagyan. Sinisipat at inaaninag kung ang babaeng maglalakad ay ang babaeng aking inaantay. May pamilyang pumasok, shempre di sia un. May magjowa. Nope. Another mag-jowa. Nope. Another ulit! Shet na malagket. Bakit mga jowables ang pumapasok. Wala man lang solong babae? Ewan. Parang di maganda ang vibes na nadarama. Parang i sense danger ah.
Makalipas ang ilang minuto matapos mag alas dos ay may nareceive na text ang kasama ko. Malapit na daw. Ang mata ay naka-tutok sa entrada. at dumating na nga ang oras. Mula sa di kalayuang entrance ay naglalakad ang dilag na may mahabang buhok. Anlaki ng pinagbago nia after 10 years. Mature na sya at di na nene at di na mukang grade school o high school student. Makinis ang muka at walang bahid ng oiliness ng tigidig sa mukha. Anu ba to?! Bakit mala anghel ang itsura nia sa aking paningin? Ang katawan ay tama lang, di skinny, di naman elephant. Di na sya ang babaeng tshirt ang paboritong suot, aba, naka dress. Di bastusin ang suot. Sakto lang. Swak na swak lang.
Akala ko nasa heaven na ako sa sight na nakita ko. Kaso, parang kasabay ng langit, impyerno o pulgatoryo ang napuntahan ko ng sa bandang likoran nia ay may isang manly shadow ang tila nakabuntot sa kanya. Punyeta! put-tang-in-a-moo. Shet. Aw. Ouch. it hurts. Bakit? Bakit may lalaki siyang kasama. Alam kong di nia kuya iyon kaya parang anlakas ng thunder at lightning effect na bumibingi sa kapaligiran.
"Hi!, musta na? Long time no see? Namiss ko kayo! Ei, by the way this is Brad, my boyfriend!"
Para akong nasalubsob ng kahoy. mali. Parang natusok ng karayom. mali. parang natamaan ng darts. mali. parang nasaksak ng kutsilyo. mali padin. para akong nadaganan ng angkla ng barko sa nalaman. Ang babaeng nagpatibok ng puso at minahal ko ay taken na.
habang kumakain at nagkukuwentuhan, napapatingin ako sa kanya at sa kanyang lalaki. Nagseselos ako at tila sa luob ng sarili ay kumukulo at nais kong gilitan ang hinayupak na lalaki. Pero habang nagmamasid, masaya sya sa piling niya. Parang anganda ng kanyang aura. Super happy sya.
Anu ba ang laban ko? Tila sa height lang ako nanalo. 5-11 ako samantalang 5-7 ang height ni guy. After nun, olats ako. Anung laban ng chocolate brown kung kulay sa maputi niang complexion. Ang laban ng tabs at nyang mga abs at muscles sa fitted na tila medium size tshirt. Ang masasabi ng sungki kong ipin sa perfectly organized teeth nia. Pota. Tumaob nga ang bench na pabango ko sa super bangong scent ng kanyang pabango. Kumbaga sa mga votation, landslide victory sia.
Di ko alam. Di ko maintindihan. Ansakit na makita ang taong mahal mo ay may mahal ng iba. Parang anhirap na ikaw ang magmamahal. parang nais kong makahanap ng taong ako ay mamahalin. Peste! Ansakit ng aking nadarama. Kailangan kong magpaubaya dahil masaya sya. Sobrang saya nia at nadarama ko na kahit umamin ako na mahal ko sya, mas pipiliin si guy at all the way nyang ibibigay ang kahit na ano at all the way na bibigay. Kumbaga sa malanding term, kilig pipi at tigas utung pa si love para sa love of her life.
Mas malungkot ang naging takbo ng kwento sapagkat ng makaalis na at nagpaalam na sa isat-isa, habang natatanaw ang paglakad at pagsweet-holding hands ng mag-jowa e biglang may binulong sa akin ang friend namin.
"Ang saya nila no? Balita ko malapit na silang ikasal. Sabi nga ata e na-meet na nila ang parents ng isat-isa at accepted na. Ang swerte nia. I'm glad na happy na sya. Pero, may part na di ako mapakali. May napansin ka ba kay guy?"
"ano?" Iyan ang aking natanung.
"Di ko alam ah, pero di ko maamoy na malansa pero kanina, habang naglalakad si guy, napatingin ako sa sahig. PINK ang anino ni guy!!!!!"
end..
Hangang dito nalang ang kwentong likha ko at walang kinalaman sa buhay ko :p