Sunday, August 1, 2010

Departure at arrival.



Limang araw din ata akong di nakapag-internet at nakapagbasa ng mga blogs. Ito ay sa kadahilanang kailangang umalis ng bansa upang icelebrate ang kaarawan ng aking father. Ang aming destinasyon, hindi sa Phuks(Phuket) Thailand kundi sa Bangkok.

Martes, 27th ng Hulyo ang araw ng aming pag-alis. Excited ako nun na makapag-fly patungong ibang pugad. lilipad-lilipad-takure ang isinisigaw ng isipan sapagkat ilang oras na lamang ang hinihintay upang makapunta ng ibang lupalop.

3pm ng umalis ang bus mula sa megamall papuntang Clark Pampanga kasi dun ang airport ng Cebu pacific (promo ticket na binook nov. 2009). Kasamako ang buong fam at kasabay ang dalawang mag-best bud na bading at 2 mag-bestfriend ata o mag-jowang binata(parang high school o college). May kasabay din na mga kanuto o amerikanong papaalis ng bansa.

Maagang nakadating sa airport at parang ghost town kasi kakarampot ang tao. Ayaw pa magpapasok ng staff/clerk kasi 5:30pm pa magpapapasok. Tumambay muna. Halatang ignoramus lang ako kasi pers taym ko sa ganitong bagay. Kahit pers taym e kailangan mag-epek na kunwari madunong. hehehe.

Pumasok na, ayokong nauuna para alam ko ang gagawin. Sunod-sunod lang kung anung ginawa ng mga nauuna sa pila. Nagbasa ng instructions na makikita sa paligid at tahimik na nagmamatyag. naiscan na ang mga bagahe at nai-chek-in na. Nag-antay kami ng takdang panahon upang sumakay sa eroplano.

8:50pm ang flight at ng tinawag na ay parang kumulo at kumirot-kirot ang sikmura. Aba, may butterfly stomach na drama na nadarama ang ignoramus sa paglipad. Di ko na nagawang magpicture kasi madilim ang cellphone camera ko. Ayan na. Kita ko na ang eroplanong magdadala sa akin sa ibang bansa. Parang nanghihina ang aking tuhod at nanlalambot na tila nagnanais ng balot. Shet. Here goes nothing.

Forward march! kaliwa- kaliwa- kaliwa, kanan, kaliwa!

Bingo! Ang pwesto na nasa ticket ko ay tabi ng bintana. jackpot! makikita ko kung pano lumipad ang bakal na ibon.



Sinara na ang pinto at nag-seatbelt. Paking shet. Tila ang kakapanood ng mga thriller movies ay nagbibigay ng epek-epek sa aking isipan. Shomaygash! Tila nag-play ang Final destination at Lost. anu ba yun! Tink pasitib. Tink hapi tots! Nangangamba at napapikit at napa sign of the cross. Nagsalita ang isa sa mga cute at pretty flight attendants. Nagdemonstrate ng mga kung ano-anong excersies like seatbelt, oxygen mask at iba pa. Shempre tutok na tutok at tila inepoxy ang mata at ninanamnam at dinadigest ang kaalaman in case of worst scenario. Binasa ko din ang manual para makasigurado. Minemorize ko pa nga ata para lang sure.

naghudyat na na aalis na. nagstart ang engine at ang pwet ko ay tila idiniin ko sa upuan para makasigurado. Masyadong kabado. Puchanggalata at antagal pala ng pag take off ng eroplano. suspense. Patagal. delaying tactics. Mas pinapakaba at pinapanerbyos ang unang beses lumipad. akala ko nuon ay biglang angat lang at lilipad na ang plane. Grabe ang inantay ko at pagpikit ng kalahating mata sa pagsilip sa bintana. dinilat ko nalang pareho sa sobrang tagal. Then aun, nadama na ng katawang lupa ko ang pag-angat ng gulong ng eroplano. parang may tumalon sa dibdib ko at tila nawalan ng isang pako na nakapukpok dahil sa kaba.

Nag-elevate pa pataas ang plane. natanggal naman ang barb-wire na nakapalibot dahil sa nerbyos. Mas tumaas pa lalo at tila lumiliit na ang mga liwanag na matatanaw. Unti-unting nabaklas ang mga staple wire at mga hooks na nakalagay sa isip at puso dahil sa takot. and then its the long 3 hours.

Every now and then, nagtitinda ang mga Flight attendants ng kung ano-ano at may disposals para sa basura. Hindi maalog at swabeng swabe ang lipad ng saranggola este eroplano ni pepe. Pitch black. Di pa totally nakakaalis ng pinas e kita sa bintana ang pagkidlat at ang mga maninipis na hamog o ulap. Di ko alam kung magrorosary ako pero dinaan ko nalang sa tulog kesa mag-over-isip.

Ding-ding-ding-ding! Papalapit na po sa santolan station. Mali, tila sounds sa mrt yun. Inannounce na kami ay nasa thailand na at malapit na lumand. shet. Tila minagnet ng kaba ang mga pako at kung ano anung shit at balik ang takot. Sana lumading na tama. sana po. please. please. Akala mo ay nasa roller coaster lang kapag nag slant ng paside.

Matiwasay ang pagland at maayos na nakaalis. kapit at dikit sa mga kasama at baka mawala. Anlaki ng paliparan o airport ng thailand. Aakalain mong mall. Shet. May screening pa pala ng imigration para sa foreigners. lusot. oks na. nagtaxi kami papunta sa hotel area. Khao San palace.

Tang-inang taxing yan. Di na daw makakadaan at tinuro na lakarin papunta. Punyemas, maling street pala ang tinuro. Tila napa U-turn kami at anhaba ng nilakad namin sa kaboblakan at kagulangan ng taxi. pagod ang kamay at paa sa kakalakad at paghila sa stroller at bag.

Nakaka-ilang ang lugar na nilalakaran namin kasi parang beer garden na puro bahay alak at resto/ foodcourt. Andami din nagtitinda sa kalye. Dito ko nalaman na parang divisoria/greenhills ang kalye kung saan kami tutuloy. Okay naman ang hotel, economy price pero malinis. Parang sa score na 1-5(5 ang highest), 3 sya, so 3-star hotel?



Sa sobrang pagod ay natulog nalang after. Itutuloy ang kwento......

TIPS:
eto ang pabaon at kaalaman na natutunan papunta at paalis paibang bansa...
eto ay from the ignoramus point of view ko.

1. Magbaon ng drinks papuntang airport. Mahal ang bilihin. Kahit bawal ang drinks e pede basta ubusin bago sumakay ng plane(di ganung strict sa clark airport).
2. Magpapalit na ng pera sa currency ng pupuntahan- trust me. Mas maliit ang value ng pera mo pag pinapalit na sa country.
3. Magdala ng ballpen- may pipirmahan o susulatan ka na card/ form para sa immigration(included ang flight no., address ng tutuluyan at etc. kasama pati sweldo mo[yearly income in dollar])
4. Dapat aralin din ang name ng hotel na pupuntahan- basta hayup ung pahirap na taxi, di nia alam ang street/kalye. hahaha.
5. Be ready sa pahirapang barok english. pati ikaw mahahawa. :p

11 comments:

  1. SabaDikap!(hello in thailand)

    Ayos ang first time experience mo sa pagsakay ng eplein ha... at least meron ka nang iDea kung pano kumuha ng hangin pag taas at pagbaba ng eroplano..

    mas matakot ka kung may Turbulence kayong naranasan as in kala mo masisira ang eroplano whahaha.. I hate it kakatakot!

    ReplyDelete
  2. di ako nakapagsearch ng commom langauge ng thai. sumalang ako sa giyera na walang weaps. hehehe

    buti nga at walang ganun(turbulence) ng unang biyahe.... baka matrauma ako

    ReplyDelete
  3. ginto ang presyo ng paninda sa airport. sobra! onli in da pilipins! kaya usually hinihintay ko na lang food sa plane or nagbabaon ng kahit anong machichicha.

    nag-aabang ng susunod mong kwento :)

    ReplyDelete
  4. ahaha. nice parekoy. tama si sikolet, ginto ang presyo.

    ReplyDelete
  5. hanep! okay ang mga tips mo. pero sa totoo lang kinakabahan ako kapag sumasakay ng eroplano. pakiramdam ko umaakyat ang dapat umakyat sa leeg ko. haha

    ReplyDelete
  6. dahil dili pa me nakakabyahe gamit ang leaving on a jetplane, nakakatuwa na parang na itourguide mo na ako sa loob ng airplane. ANg Phuks na lang ang aabangan ko, ang mga adventures. hihi

    ReplyDelete
  7. @tongtong, wala akong kwento sa phuks kasi bangkok napuntahan ko. ehehehe
    @super balentong- nakakakaba nga ang plane. mas kalmado ako sa bangka
    @midnight at sikolet- di lang ginto, diamante ang presyo sa airport
    @glentot- thanks

    ReplyDelete
  8. ang sarap nga ng feeling ng unang sakay sa eroplano. exciting. pero medyo natakot ako nung yung maliit na eroplano na ang sinakyan ko. parang mahuhulog bigla sa ere!

    kuwento at pics pa. dali! \m/

    ReplyDelete
  9. Bitin naman ang mga pictures!!! Salamat sa tips and happy birthday kay erpats mo!

    ReplyDelete
  10. @nobenta, mas stable ba pag mas malaking plane?
    @jepoy, sa mga next na wento mas madami pics.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???