Una, imbes na bonggang-bonggang ang kiakain sa gabi ay tila pulubs mode. Sa street lang kami bumibili ng kinokonsider na hapunan. Ang hapunan namin for 2 consecutive nights ay ang Pad Thai. Eto ung ibenebenta sa kalsada kung saan may sariling wok ang mga tindera at pipili ka ng noodles at kung ano anong gulay at pantimpla ang ilalagay mo. Wala akong actual na larawan kaya makikigamit lang ako ng nasa google para may example. based sa isang blog na nabasa ko, pumili ng bibilhan ng pad thai, wag daw sa mass produced area. well for me, anything na edible ay okay, walang choosy sa gutom na sikmura. Ika nga ng mga thai vendors, sem-sem lang o pare-pareho. kainis ung first time kong kumain ng pad thai sapagkat shushunga-shunga, di ko napansin na may fork na kasama. aun, i ended eating na habhab. :p
Pagsapit ng gabi, di na ako masyado umaalis kasi di ako party people na katulad ng nasa street namin na animo ay beer garden kapag sumapit ang dilim. Andaming vendors, madaming tiangge at madami tao. Sandamukal na mapuputing hita at mapuputing muka. Uurong ang moreno at kayumangging kulay ko at di ako makikita pag madilim. :D Best sa gabi kung nais mo mag-shop at tumawad.
Sa gabi ay sa loob lamang ako ng hotel nakatambay. Bababa lang kapag ubos na ang drinks na nabili. BTW, di ka edeng uminom sa gripo nila, tyak masisira tyan mo. Nasa booklet nila na drink only bottled water. Kaya tuwing gabi, sa 7-11 ako bumibili ng buy 1 take 1 na tubig worth 22 baht.
Sa gabi kung kelan walang magawa ay tanging ang tv ang kadamay ko. Ang mga palabas sa telebisyon ay mga thai language shows kaya duduguin ang tenga mo sa pagpupumulit intindihin ang di maintindihang lengwahe. Lipat channel. Iba naman, korean ata o chinese ang lenguahe. Damn! Tanging 3 channel lng ata ang napagpipilian. MTV kung saan may mga english songs na pinapatugtug, ang star movies at HBO na may mga english movies na shows. Grabe, mabilis mapapapikit ang mata mo kung di mo trip ang movie sa tv.
Maaga akong natulog sa ikalawang gabi sapagkat 7am ang pick-up time namin para sa binook na tour kinabukasan.
Tips:
1. Mahal ang beer sa thailand, almost 80 baht para sa isang bote. So kung coconvert mo sa peso, pak! 160 petot.
2. Pede kang dumiskarte ng sarili mong paluto ng pad thai. Kung tamad ka at di choosy, pedeng ung vendor na ang magtitimpla for you.
3. Kung ayaw ng tubig, may coke naman. Di uso ang 1.5 liters, 1.2 lamang. Sa 7-11 ay worth 27 baht ito.
4. Di uso ang internet shop sa bangkok kaya may kamahalan pa ang pc rental. 60 baht ang 1 hour na katumbas ng 120 petot.
5. Khao San Road ang street(parang mali, road tapos street) kung saan party people at drinking haven. Higpitan ang sinturon kung ayaw mamulubs. :D
Base! :) Hehehe! Ako ren kumaen ng pad thai nung nagpunta ng Thailand. Ang sarap kaya. Except that nung binigyan kame ng condiments, ang akala kong asin, asukal pala. WTF! So in short, naging matamis ang pad thai ko. And try their street coffee too! Orgasmic yun! Gumimik ka, ano ka ba! Watch the Pingpong Show sa Patpong! Hahaha! Namiss ko tuloy bigla ang Bangkok. Envious much? :) Basahen mo blogpost ko about it, now na! (demanding. lol)
ReplyDeletehttp://myunpurethoughts.blogspot.com/2010/02/bangkok-report.html
Kakainggit naman ang tour mo parekoy. Mukhang masarap at healthy naman yung pad thai. Tsaka mukhang talagang exciting ang place.
ReplyDeleteSana makapag tour din ako dyan someday.
Thanks sa pag share!
yes! astigin talaga..
ReplyDeletematanong lang sir diba ang thai mahilig sa mga spicy foods?.. yung Pad thai maanghang din ba?? siguro kasi may pula pula hehehehehe
Meron pang kasunod diba?? hehehe..
thank you sa pagshare bossing!
@-=K=-, nakita ko post mo, exciting! napagpalit mo nga lang ang asukal at asin pero keri nadin yan.
ReplyDelete@Yodz, healthy sia kaso wag lang sa me rayuma kasi may toggue kasi.
@poldo,yep, mahilig sila sa maanghang. mga pagkain sa 7-11 na microwavable ay maanghang. :D puro sili
Aw.. Namiss ko tuloy ang mga araw na nagawi ako sa China. Ganyan din ang pagkain namin pag gabi, pansit sa kalye at magtuturo ka ng ibat ibang klase ng gulay panangkap. Rapsa!
ReplyDeleteMukhang masaya naman ang pad thai... sabi mo nga wag na choosy sa gutom na sikmura... lolz...
ReplyDeletepaborito ko ang noodles. yan ang sobra ko sigurong mae-enjoy dyan.
ReplyDeleteunang dating ko dito sa saudi, panay ang convert ko ng prices into pesos. wala tuloy akong mabili dahil namamahalan ako. hehehe.
Daming pera ah! pautang nga!Hehehe! Balak kong pumunta sa Thailand by next year at mukhang marami akong nakuhang info dahil sa mga entry mo!
ReplyDeleteIngat palagi!
naiintriga ako sa lasa ng Pad Thai. is there something special about it?
ReplyDeleteinaabangan ang susunod na kwento :)
Sana tinry mong mag pa massage dahil ibang level ang massage nila may happy ending..hihihi
ReplyDeleteHIndi ko pa natitikman sa pinas ang kahit anong thai food, ma try nga sa weekend...
@jepoy, sayang nga at di ako nakapagmassage. mukang exciting pag may happy ending :p
ReplyDelete@sikolet, special lang sa pad thai ay ikaw mamimili ng sangkap.
@drake, salamat sa pagdalaw.
@nobenta, hirap pag lagi mo coconvert sa peso ung money db? nakakapraning
@xprosiac, salamat sa dalaw.
@midnight, masarap ang street food like pansit :D