Kahit pagod sa byahe ay kailangang gumising ng maaga para masulit ang araw. Mga 8am ay naghanda na kami at bumaba ng hotel upang maghanap ng makakainan. Since parang beer garden ang street namin, ang mga kainan ay sarado pa kaya napagdesisyunan namin na magfastfood. Burger king ang aming pinuntahan. Walang tao masyado. Since limited ang napapalit na pera nung gabi ay medyo ung cheap na price lang. Apparently, ang cheap na food dito ay may kamahalan kung ikokonvert mo lagi sa peso.
Nagpapalit muna ako ng pera. 2k pesos ang aking inabot upang mapapalitan. Pagbalik sa akin, shet, nangalahati. 1,00 ang katumbas. So bale ang ang tatlong ulo ng tao na nanggaling sa dalawang 1k ay katumbas ng isang ulo ng thailand king.
Mga 9am kami ng lumabas ng hotel para simulan ang lamyerda at lakwatsa. Magtataxi sana kami pero nag-offer ung tuktuk driver na tour. mura lang, 10 baht each. Pumayag kami. btw tuktuk ang tawag sa tricycle nila pero iba ang itsura sa trike dito sa pinas. Sabi ng ate ko, sa Grand Palace ang destinasyon.
Dinala kami ni kuya tuktuk sa isang mini port para kung kailangan magbayad ng mahal baht para sumakay sa mini ferry-ferrihan at ang destinasyon sa last area ay ang grand palace. Grabe, mahal. No! cannot be! so decline. Buti mabait naman ung tuktuk driver. Parang nagsuggest nalang. Ewan ko kung anong naging usapan, naiinis akong ewan at ignorante mode kaya go with the flow nalang.
Next stop namin ay sinabi ng driver na dadalin lang kami saglit sa isang place at kailangan magstay kami atlist ng 5 mins. Libre na daw ang pamasahe namin kasi bibigyan sia ng coupon para sa gasolina. napadpad kami sa isang patahian ng mga amerikana at mga formal wear. Shaking! Ang mahal ng pagawa. Napilitan nalang ang daddy ko na bumili ng sinturon worth 200 baht para di naman magmukang ewan na pumasok-pasok ng store tapos wala naman . Nakakahiya kasi puro parang indian ang nasa loob. Nakakatakot kasi andami nilang mukang siga in formal wear.
After nun ay may ipinakitang place ung tuktuk driver at umoo ang ate ko. habang nasa biyahe, okay naman ang driver kasi pinapakita at ineexplain ung mga nadadaanan na gusali/temple. Pahirapan lamang kasi kailangan mo makinig at effortin ang sinasabi nia para maintindihan. Kung irarate ang english nia, oks naman na grade 3 fluency.
Next stop namin ay ang Gems gallery. kapangalan ng ate ko. Aun, pagpasok ko ay tumambad s akin ang alahasan/ pagawaan ng alahas sa bangkok. samut-saring mga bato at gems ang makikita at nakadisplay. Pinakita din pano ikinakabit ang mga brilyante sa silver at gold rings. Sa gitnang bahagi ay nandoon ang malaking espasyo na puro alahas. Antindi ng mga desenyo at ambabangis ng hugis. Kakaiba. May mga mini aquarium na may mga iba-ibang makukulay na isda ang makikita. Dito kami nagtagal kasi bumili ang ate ko ng set ng alahas. 1.5k baht ang nabili nia, hikaw, kwintas at singsing. Not bad kasi mahusay at pulido at cheaper na din. Bumili ako ng wallet as souvenir sa sarili. Galing sa balat ng baka.
Tanghali na at medyo gutom nadin ang sikmura. Pero bago mananghalian ay sinuggest ni tuktuk na kung gusto namin malibot ung sa elephant grounds at iba pang destinasyon ay kailangan namin mag-book sa travel agency kasi di kaya ng tuktuk powers ang distansya. Kumbaga ang area na nililibot namin ay baguio area sa mga minesview at burnham subalit ang iba ay kailangan ng van o car kasi may kalayuan. Nagbook kami for the floating market at elephant ground para sa thursday. Tinawaran din namin dito para medyo makamura.
After makabook ay diretso na kami sa makakainan. Dinala kami ni tuktuk sa isang resto na malapit sa dagat (near dun sa unang place na may ferry). Dito ay kumain kami. Di engrande ang inorder at tila pare-parehong item lang para sa aming apat. Binili namin ung shrimp na nasa pineapple bilang plato/mangkok.
Habang niluluto ang inorder, napagdesisyunan namin ng ate ko na magbook for Dreamworld o ang theme park nila. Mabait si tuktuk at dinala nia kami ulit dun sa traveling agency. back to baraks na sa resto at tomguts na talaga.
After kumain ay sa dinala na kami sa Grand Palace. Pinayuhan kami ni tuktok na kailangan naka-cover ang binti kung papasok sa temple kasi bawal shorts. Sinabihan din kami na trapik pag hapon kaya mas maigi kung lalakarin namin since super lapit lang din naman ang street ng hotel namin.
Bago pumasok ay andaming nagbebenta ng mga pajama/ something to cover ang mga hita sa sidewalk. halos lahat ng mga foreigners ay ineengganyo ng mga tindero/tindera na bumili sapagkat di kami papapasukin. Kaso taga nanaman angprice ng binebenta nila. 250 baht o katumbas ng 500 pesos para sa tila pajamang jinobus o parang sarong na ewan. nagrent lang ako ng pajama na 30 baht. sa ate ko naman ay ung binili ng mami ko na sarong, tumawad nalang at binili sa halagang 150 baht.
Papasok na kami para sa loob ng temple ng makita namin na tatagain kami sa price ng entrance. nagpicture-picture nalang kami sa bandang open space/field ng templo.
Balak pa sana namin puntahan ung reclining buddha kaso buddha holiday daw kaya closed. nagsuggest ung thailander na tinanungan namin ng direksyon at nagsuggest ng other place. Tuktuk mode uli. This time, di umubra ang pagkasyahin kaming apat sa isang tuktok at ang nangyari ay 2 tuktok ang nirentahan/sinakyan. Aba, oks ung standing buddha na pinuntahan namin as first stop. Larawan ng mga buddha sa ibaba.
Matapos sa standing buddha ay dinala kami ng tuktuk duo sa another patahian ng amerikana. Dun namin napag-alamanan na sandamukal ang mga ganito at dun kumikita ang mga tuktuk kasi nakakatipid sila dahil sa libreng gas. Di na kami bumili kasi sem-sem lang(pare-pareho lang in thailand english version).
Dahil medyo traffic na, nag-shortcut kuno ung tuktuk driver na sinakyan namin. shet, napahiwalay kami ng daddy ko. Since di ko alam kung nasan kami at ang passport namin ay nasa mommy ko, patay na. Kinabahan ako pero di ko nalang pinahalata at nag tink pasitib. Habang hinihintay daw ung tuktuk na sasakyan ng ate at mommy ko, umarangkada sa pagsesales talk si manung tuks. Itotour nia daw kami. "ay sho yu". Pilit niang sinasabi na ililibot kami in cheap price. dadalin daw kami sa pede mag book. Sos. Manung tuks talaga, nagawa na namin magpabuk. Ang mahirap nito ay medyo grade1 or 2 level ang english ni manung at mas mahirap intindihin sa naunang driver. keri lang, ngiti at inglish karabaw kong sinabi na nakapagbuk na kami nung umaga at wag na siyang umeeps pa. Nakadama ata si manung ng dark aura ko at dumiretso nalang sa next stop.
Last stop for the day ay another jewelry store. Sem-sem lang talaga ang strategy nila. Eto marahil ang kabuhayan na nila. Templo, patahian at alahasan. Dito sila kumukuha ng ikabubuhay nila sa mga libreng pagasolina sa pagdadala ng visitors sa mga shops. Grabe, 2x or 5x na mas mahal ang mga alahas dito. Di na ako naglibot kasi mapapalunok ka sa presyo. 5k baht ang cheapest... lawit ang panga sa kamahalan ng presyo.
Dito ay bumili ako ng ilang souvenir items para sa mga friendships sa opisina. Konti lang ang binili ko kasi konti budget. Saka na ang mga mamahaling items kapag nanalo ako sa lotto.
Itutuloy........
Tips:
Heto nanaman ang mga tip ng ignoranteng nagbakasyon.
1. Sulit ang tuktuk sa paglilibot within town. Mura ito kesa magtaxi na pumapatak ang metro.
2. Siguraduhin na maintindihan ang mga ekspalanasyon ng tuktuk. Mahirap ang mapa-yes-yes ka tapos madenggoy ka at maisahan.
3. Mas maiging may baon na tubig na para sa inumin. Minsan mahal ang softdrinks na tinda.
4. May establishments na pede tumawad like sa tourism agency. Wag maghesitate na humingi ng discount.
5. Si Pacman lang ang kilala ng ibang thailander-including first tuktuk driver at ibang street vendors.
excited na ako sa next entry mo at excited na din ako sa pasalubong mo.. LOL wahihihi.. badtrip naman un mga tao dun.. iniisahan nila mga tourist.. (ganun din ba satin? napaisip tuloy ako..)
ReplyDeleteBitin bitin! meron pang kasunod diba??
ReplyDeletetama ka konti lang ang marunong ng english sa mga thai! minsan pa nga pagnagpro2nounce sila ng mga word, para silang mga batang buyoy.. like nung may nakatrabaho ako dito, PAUL ang name ko tawagin ba naman ako ng POWN! demn! lalo pag nagsasabi sila ng word na SUPPORT nagiging SUPOT!
Ayoko nang magkwento, bahay ko ba to??
bilis kwento agad, aantayin ko yan! *demanding hehehe
KopongKap!(thank you in thai)
nung hindi ko pa nababasa ang post mo e akala ko trip mong naka-pajama habang gumagala hehe
ReplyDeletetatandaan ko yung mga tips mo sakaling makapunta ako ng thailand :)
yes naman naman, at naman.. heto na ang iniintay kong bangkok tour.
ReplyDeletegrabe... grabe... wala akong magawa kungdi ma inggit. wahh ipapakita ko to sa payrents ko. hihi
Wow Thailand! Dati ko pa gustong pumunta dyan pero syempre walang pera. Hehehe. Grabe naman pala sa taga ang mga presyo dyan, nakaka-discourage. At in fairness ay mukhang pinoy din ang mga thailander. Hahaha.
ReplyDelete@robbie, yep, mukang pinoy ang thailander, mas payat lang sila, parang wala akong nakitang matabang thai.
ReplyDelete@tongtong, pakita mo, tapos sabihin mo may mga piso flight o discounts sa cebu pacific.
@sikolet, ehehehe, ung nirentahan kong pajama, halos fitted. :p
@poldo, korek, mahirap sila magpronounce. may mga susunod na kwento pa pag may time ako sa pc.
@babaenglakwatsera, di ko alam kung may mapansamantala din sa foreigners d2 sa atin. :D