Kung ang nakaraang post ko ay natapos sa panananghalian namin sa tabi ng river ata o basta anyong tubig, matapos nun ay diretso naman kami sa next na destinasyon. Ang next stop namin ay ang lugar ng mga elepante, ang Samphran Elephant Ground and zoo na nakikita din sa titulo ng blog ko. :p
Matapos kumain, sakay na kai ng van at tumungo na kami sa pupuntahan. Naikwento ko nga sa prev. blog na kami lang ang sa may elephant ground sapagkat ang ibang kasabay sa van ay either bumalik ng bangkok or dun sila sa Rose Garden kung saan makikita ang mga thailander na may mahahabang leeg at cultural dances(base sa sinabi nung kasabay naming Turkish).
Dumating kami ng mga around 1pm sa lugar. Maalinsangan ang paligid pero okay lang kasi makakapanood ako ng elepante. Nakakasad kasi na sa Manila Zoo lamang ako nakakita ng elepante at iisa lamang ito. Anyway, bago kami pumasok sa loob ay ininform kami ng guide na by 3pm ay susunduin na kami sa entrance.
Pagpasok namin sa loob ay umupo kami sa front row pero medyo sa side kasi madami na ang mga tourist na nauna ng dumating at nakahanap ng magandang pwesto para sa nagaganap na Magic show. Yep, may magic show din dun. Parang sa perya din kasi hindi naman magarbo o extravagant ang costumes at stage na pinagdadausan ng event. Ang dinatnan namin ay ang pagpapalabas ni kuya magician ng mga boxes sa loob ng box. Medyo nakikita ko na ito sa ibang tv show kaya so-so lang. Next trick na nadatnan namin ay ang metal rings na nagdidikit-dikit na parang kadena at naghihiwahiwalay. Alam ko may nabasa na akong trick book kaya so-so din para sa akin. Next ay ang aquarium na walang laman. Binudburan ng kung anong pellets ni magician. Tinakpan lamang ng parang kumot at pooooof, puno na ng isda. Tinitingnan ko kung saan nilagay ang sandamukal na isda sa katawan ni magician pero wala. Last tick ay nagpasilid sa kahon ung assistant .Si magician ang nagtali ng box. Tumungtung sa ibaba kasama ang magic curtain. Ng matakpan ang buong box at katawan, sumambulat si assistant at siya ang nagtanggal ng tali at sa loob ng kahon lumabas si magician with a new colored pants. Dun natapos ang magic show. Ang larawan ay kuha gamit lamang ang slow digicam ng ate ko.
Matapos ang magic show ay hinila na ang tila malaking kariton tage at dinala sa gilid. It's now time para sa mga elepante na magpakitang-gilas at umeksena sa harap ng mga manonood. May english recorded na voice-over para idiscribe ang pag-entrada ng mga mammals na may mahabang ilong. Pasok ang mga elepante na naka-fall in at nakalinyang tuwid at nakahawak ang trunk o ilong sa buntot ng nasa harapan nila. Umeksena at nagpose. Nagpacute at nagpapicture style. nag-aladoggy style ang ibang elepanty. Umalis. Sumonod ay diniscribe ang history ng mga mammals sa thailand. Binanggit ang mga naitutulong ng mga elepante. Tapos ipinakita ang mga pamamaraang ng mga elephant hunters upang hulihin at i-trap ang mga jumbo dumbo. Dito din ipinakita ang purpose ng mga elephants sa naging war kung saan nakasakay ang mga warriors sa likod nila. After nun ay nagpasiklab ang mga dumbo sa pagtugtog ng harmonica sa kanilang mga bibig. Ipinakita din nila ang talento sa pagsayaw. And lastly, nagpabongga para sa pag-soccer ng mga elepante. Kanyakanyang country ang damit o tila capa sa likod at kanya kanyang sipa at pagshoot sa goal. Ng matapos ang pakitang gilas ng mga hayop na ito ay inanounce na pedeng bumili ng tubo(sugar cane) upang ipakain sa mga nagpopose na mga elephants. Ung nais magpapic na nasa ilalim at close encounter sa elephant ay nagbabayad ng 20 baht.
Bago kami umalis sa area ng elephant at lumipat sa area ng buwaya, biglang bumanat ang aking mother dear. Pede daw ba kainin ung sugarcane imbes na ibigay sa elephant. Wapaks! Bumanat ako.
Ako: "Pede naman na ikaw kumain, basta sasakyan ka ng mga tao. Tapos magplaplay ka ng harmonica at sasayaw ka. Then after nun, pede ka ihunt tapos magplaplay ka ng soccer sa gitna ng madlang pipol. Kung keri mo yon, sige, kakain ka ng tubo." :p
After nun ay dun kami sa mga area ng buwaya. Nawalan kami ng gana at ginamit ang natitirang oras upang bumili ng pasalubongs(sila lang pala). Nakakita na ako ng crocodile farm at tila maikli lang ang show ng crocodile pips kaya inisnob ko nalang.
Sa tabi ng crocostage ay may shop ng wallet na gawa sa balat ng elepante. Sinampolan kami na hindi nasusunog ng basta basta ang balat o skin ng lahi ng mga mammoth kaya na-elibs ako. Tapos ung tindero nahulaan na pinoy kami. Nagkwento na basta pinoy, magaling tumawad at makibargain. Nung balikan ko para bumili, sinenyasan nalang ako na from 300 baht ay 200 baht nalang basta tumahimik muna ako kasi may kanuto/foreigner na bibili ng produkto nia. Aba, wais si koya.
Dito sa area ng elephant ground nakabili ng madaming t-shirt ang ate ko sapagkat tumawad siya from 100 baht na t-shirt to 65 baht. Sa dami ba naman ng agents nia at pasasalubungan, kelangan nia talaga tumawad ng lubusan.
Pahabol na larawan(mag-inang elepanty)
Saktong 3pm ay dumating na ang sundo namin at biyahe na kami pabalik sa centro ng bangkok. At since maaga pa, nagdecide ang ate ko na puntahan na namin ang Reclining Buddha.
Itutuloy.....
Tips:
1. Magdala ng pamaypay, may time na hindi aabot ang bintilador with scent sa area.
2. Kilala ang pinoy sa magaling sa pagbargain, gamitin ng makasulit sa pagshop.
3. Mahal ang magpakuha ng pic sa tiger dito sa Samphran Elephant ground, i recommend magpapic sa Elephant instead.
4. Sa pagpasok ng ground, may kukuha ng iyong larawan, so be ready kasi bebentahan ka ng plato na may larawan mo as souvenir item.
5. Wag kainin ang animal feed, oo edible yan pero binibili yan para sa mga elephants :p
ang kyut ng mga elephants!parang ang sarap gawing pet. haha:))
ReplyDelete5. Wag kainin ang animal feed, oo edible yan pero binibili yan para sa mga elephants :p <--- siguro may nakita kang kumakain nito. hihi
ReplyDeletegaling naman nung magician pati ng excurctionist. lol
elephant talaga trademark ng thailand ano? :D
ganda gnda naman dyan
isa sa mga icons ng thailand ang elephant.. maitanong nga sa tropa kong thai about dyan...
ReplyDeleteang kulet ni manong tindero talagang kailangan na wak ka munang umepal dahil may kanuto anoh? wais talaga hehehe..
salamat sa kwento abangan ko ang susunod!
\m/BlogEnRoll!
Ay dito pala dapat yung isang comment ko. Naligaw lang ng landas lols XD
ReplyDeleteAstig yung trip nyo sa Thailand! Kakatuwa yung mga elephants saka yung mga crocs!
2. Kilala ang pinoy sa magaling sa pagbargain, gamitin ng makasulit sa pagshop.
--> haha, kahit saan talaga sikat ang pinoy!
@batanggala, yp, sarap ibulsa ng mga elephants at iuwi sa bahay
ReplyDelete@tongtong, tips lang yun, pero baka may mangahas na kainin ung tubo :p
@poldo,baka makaistorbo sa negosyo ni manong, mawala kita
@fiel, sikat ang pinoy sa larangan ng pagbargain :p