Saturday, August 28, 2010

Elite Strike Force!


Walang magawa simula pa kahapon. Medyo maalang ang calls at hiatus ang ibang bloggers kaya wala akong mabasa. Wala din masyadong kwentong pumapasok sa aking isipan kaya napatambay ako sa isang forums. Ang forums na sinasabi ko ay ang pex o ang phil. exchange forums. Dito ay nagbabasa ako ng mga comments tungkol sa mga anime mangas na aking binabasa. Naubos ko na ang mga thread at bored pa din ako. Di ko maiwasan na mapadpad sa thread ng local and foreign issues. Dun medyo nabuhayan ako dahil sa mga binabasa kong mga comments at kurukuro tungkol sa nangyaring hostage taking last monday. 

Haba ng intro no? Well anyway, i did it my way, nakita ko ang isang topic na nakakuha ng aking atensyon. Ito ay ang thread o topic kung saan sinasabi na nag-order si Pres. Noy na gumawa o bumuo ng elite strike force. OMG. Gagawa pa ng special force para sa mga risky things like hostage taking. 

Ang masasabi ko lang, ewan. Kailangan pa ba Elite kung e may swat na? sa aking palagay, dapat ay re-train lang kailangan. re-orientation at re-inform lang ang mga procedures. Kailangan pang gumawa ng new force? No.

Pero kung magpupush ang new force, i suggest ang mga 5 groups.


1. Ultraman Elite Strike Force
Sila ang mga grupo ng mga naka-tights at spandex at may wang-wang o bling-bling sa dibdib.Malalaman natin kung nanghihina na ang group kasi makakadinig ng titut-titut-titut kasabay ng pagalert ng bumbilya sa chest.


2. Mask Rider Elite Strike Force
Kung di kau elibs sa wang-wang group, subukan ang motorcycle group at grupo ng mga insecto at naglalakihang mata. Rider change lang ang katapat ng masasama!


3. Power Rangers SPD Elite Strike Force
Mula sa lahi ng mga sentai, ang mga great great great great grandchildren nila Bioman at maskman. Sila ang nagmomorph upang panatilihin ang kapayapaan. Sila ang mga newly super cops.


4. Akatsuki Elite Strike Force
Kung di pede ang spandex at mga insekto at rangers, pede nadin siguro ang mga ninjas. Sila ang mga itinakwil sa mga ninja nations. Sila na may kakaibang bangis at lupit ng ninjutsu at genjutsus. 


5. Sailormoon Elite Strike Force
Kung di kaya ng brute force, bakit hindi daanin sa charm at sexiness. Eto ang grupo ng mga babaeng may maiikling palda na pede magpalaway sa mga masasama. Parurusahan sila sa ngalan ng buwan!

Sa tingin ko fully booked na ang x-men at justice league kaya di ko na isinama. Saka baka mahal ang pag-hire sa kanila.

ps. mga larawan ay galing sa google search.

9 comments:

  1. hindi ba pwedeng sumali ang bioman sa party? pwede rin namang on the sides eh andun si astroboy at nakamasid..
    pwede naman un diba? diba? diba???
    anu sa tingin mo? :D

    ReplyDelete
  2. magandang isuggest to ah..boto ko sailormoon!walng makakapalag sa mga babaeng litaw ang singit....nice one!

    ReplyDelete
  3. wow bumalik ang ala-ala ko dyan sa ultraman na yan!hahaha! ayos ah!

    Kung ganyan lang sanang kagagaling ang swat o elite group na yan tulad ni ultraman!tyak taob ang mga hostage taker!ingat

    ReplyDelete
  4. dun me sa ultramans. natuog na ninuninuninu with matching blue blinking color.

    i changed my mind. sailormoon na lang. yameh.

    pak!

    ReplyDelete
  5. syempre akatsuki ako.. haha! para brutal.

    ReplyDelete
  6. malamang wala nang magtatangkang gumawa ng masama kung sakaling pumayag ang mga yan!...

    Pwede bang idagdag yung panghollywood na G-Force??

    Ang peaceful ng pilipins...

    ReplyDelete
  7. Hahahaha! Natawa ako sa spandex! LOL! Naiimagine ko sila na nakaspandex. Ewwwwwwneeessss! :D

    ReplyDelete
  8. naaliw ako sa post na ito :)

    shempre sa ultramans ako. bakat kung bakat :D

    ReplyDelete
  9. @sikoletlover - hahaha, sa bakats pala choice mo
    @K, wag mo nalang isipin ang spandex.
    @poldo, ung mga hamster na g-force? heheh
    @behn, ninja ka pala
    @tong, sa sailors ka pala
    @drake, gusto mo siguro ung may wangwang
    @greta, sailormoon ka din
    @yanah, old na si la bioman, next generation na daw

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???