Wednesday, August 11, 2010

Jobs! Jobs!



Kahapon, nag-coaching kami ng aking new team leader at may tanung sya na di ko malaman kung ano ang magiging kasagutan ko.

Ang tanong:
Kung ang lahat ng trabaho/propesyon ay pare-pareho lamang ng sweldo, ano ang pipiliin mo?

Di ko alam at tila inabot ako ng 24 hours para malaman ang aking kasagutan. Kung sakaling same-same lang ang kaperahan na matatanggap sa trabaho, eto ang listahan ng mga trabahong aking pipiliin.

1. Bouncer- Nakakatawa man pero since lumaki ako ng ganto kalapads, siguro pede na ang bouncer, taga-harang ng walang invites sa mga bars. Ako ang hahawak ng flashlight at pasasayawin ang magbabayad ng bente pesos. tugs-tugs-tugs!

2. Clinic Nurse(School)- Aba, petiks ata ang nurse sa mga paaralan sapagkat minsan lang ang mga may sakit. Abot gamot lamang sa mga manghihingi ng medicine at ilolog ang mga pangalan ng makikitulog sa kama ng klinika. Maganda pa nito ay kung kasama ako sa physical exam at lalo na pag all-girls(kolehiyala) :p

3. Journalist- Kasama ito sa listahan ko sapagkat tila nais ko na magbigay balita ng kahit na ano. Mapawalang-wenta man o sumasabog na exklusibong panayam. Ewan, parang feel ko lang na makita sa tv. :p

4. Pilot- hindi po pagmamaneho ng eroplano ang pilot na aking tinutukoy sapagkat takot ako sa heights. Ang pilot na aking nais ay yung taga-laro ng characters ng ibang tao sa online games. Parang nais ko gugulin ang oras sa pag-upo at pagpaslang ng mga monsters.

5. Pornographer- Aba! Kailangan kasama ako sa mga maaksyong pakikipagsapalaran. whore to twosome, threesome at kung anu-anung some-some. Aanguluhan ang bawat eksena. Bawat sulok kailangan makita. Sa pornographer kita ang dapat makita.

Pero sa limang jobs o trabaho na aking nabanggit, parang nakaka-bore ang paulit-ulit na procedure. Kung same lang naman ang sweldo, why not change jobs everyday. Heto sa ibaba ang listahan ng mga wirdong trabahong naiisipan ko na gusto kong gawin o matry(kung pare-pareho ang sweldo).

1. Taga-abot ng flyers
2. Painter(pintor ng sining, hindi ng dingding)
3. Food critic
4. Baby sitter
5. principal
6. fastfood crew
7. barker
8. bartender
9. lifeguard
10. teacher

Kayo, anung trabaho ang pipiliin nio?
:p

6 comments:

  1. Ako gusto ko maging Artista.. wala lang.. maisingit lang talaga. haha

    ReplyDelete
  2. isa lang talaga gusto kong maging trabaho..
    Porn star! LOL
    gusto kong makapasok sa google at makapagtrabaho dun! :D

    ReplyDelete
  3. Receptionist o kaya Telephone Operator. Madaming oras na petiks 'yang mga 'yan. LOL

    ReplyDelete
  4. bouncer! para mag- tugs tugs tugs tugs ka like nung sa cornetto.

    ako gusto ko din maging baby sitter. kasi parang americang america ang dating. pak!

    ReplyDelete
  5. pornstar, rockstar, at maging host ng travel and lifestyle shows.

    ReplyDelete
  6. Wahahaha. Gusto ko din pumunta sa porn industry! Hahahaha!

    Pero actually mukhang masaya maging bouncer. :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???