Sunday, August 8, 2010

Laman.......



Stop muna ako sa pagpopost ng kwento ko tungkol sa adventure sa Thailand dahil di ko nasave sa USB ang mga larawan. Anong connect? Kasi bihira akong makapagblog sa bahay sapagkat may kaagaw lagi sa isang computer at marahil nadin ay pag nasa bahay ako, tanging online games ang naaatupag ko.

Para sa aking 300th posts.... after ng madaming kung -anu-anong posts, heto ang kwento at experience ko.

Ewan ko. Hapon pa lamang pero tila madaming tao sa lugar. Nahihiya ako kasi bagong salta sa lugar ng kalakalan at lakas loob akong pumasok sa medyo may kadiliman na lugar at may samut-saring liwanag. Dito ay tinahak ko ang landas kung saan magdadala sa akin sa kaligayahang minimithi.

Suot ang ordinaryong tshirt at maong pants ay medyo kabado akong naglakad papalapit sa mga babae natatanaw. Grabe. Parang napapatambling ako sa aking natatanaw. Laman. Laman. Ang mga paa ko ay tila nangangatog na ewan na minsan ay nanlalambot habang nagpapatuloy sa paglakad. Dapat pala nagbalot muna ako para tumibay ang tuhod. Wala na eh. Heto na. Chance na ito. Ilang hakbang nalang.,,,

Suki! Suki! Kamusta ka na suki?! Aba! Ayos ang modus operandi ah. Kahit di ako kilala at first time ko sa lugar nila ay suki na ang tawag. Lingon sa likod, baka iba ang tinatawag. Shet. Ako lang naman ang tao. Nabibingi ba ako sa mga oras na iyon? di ko alam. Naglakad pa. Tinanaw ang kapaligiran. Andaming babae.

Una kong nasapat ng mata ang isang dalagang may kaliitan.Petite kung sa ingles. Morena ang kutis. Aba, okay lang. Ngumiti sya. Shet na malagkit! spongebob??? bungal pala si ate. Nasad ako. Tumingin ako sa katabi nia. Wow! maputi. Mala-labanos.Naka-shorts at makinis. May katangkaran at okay naman ang dibdib. Tiningnan ko ang mukha ng dyosa. betchabay-golly wow! Hipon! Tapon ulo! ano ba yun. Tinanaw ang malapit o katabing area. Huh? Bakit may parang buko? Wapak! May midget pala. Grabe lang. All sorts ata andito. Pili pa. Woot. Homaygad! Woot, parang kaedaran lang ng nanay ko. Sumpa ba ito? Lipat tingin, lipat! lipat! Hayun. Ganda. Okay na. Pinay beauty ang dating nia. Not too short, not hipon. Sakto! 

Habang papalapit ako na babaeng napili ng aking mata, di mapakali ang isip ko at ang kalikutan nito ay nagbuyo sa akin na lumingon pa sa paligid. Huwat??? Di lang pala babae ang nagtitinda ng laman. Meron ding mga kalalakihan. Mukang ang mga gays at matrona naman ang kailangang pumili. Wala na akong pake sa kanila kaya ang mata ko ay sa target.

Magkano? Yan ang tanung ko. Habang halos pabulong kong sinabi ang nais ng isip, minamasdan ko ang kanyang style at itsura. Sakto lamang ang tangkad. Di patpatin subalit di rin malapad. Kayumanggi pero wala pa sa kategorya ng  uligba at kutis sinigwelas. Hindi tomboy ang buhok at katamtaman lang ang haba ng buhok. Ang kulay nito ay di kinulay na katulad ng sa iba. Hindi blonde. Hindi Brunette. Black hair. Walang tikwas ang buhok at tila nagpa-rebond. Nah.... Baka shampoo lang yan. Hindi kahabaan ang short pero hindi rin pekpekshorts. Hindi naka-tube, hindi ispageti, saktong blouse/tshirt lamang kung saan kumukorte ang kanyang magandang katawan. Ang matatayog na bundok ay di sobra-sobra at hindi sya parang pandesal lamang na isinuot sa loob ng bra. 

dug-dug-dug-dug-dug-dug. Ewan. Bumibilis ang pintig ng aking puso habang nilalapit ang sarili upang siya ay matanaw ng maigi at ako ay madinig. Di mapakali ang isip. Ang mentalidad ay nagwawala at nagtatatalon. May nadarama sa loob na kung ano. Parang may nagririot sa aking loob. Hayan, ibubuka na niya ang kanyang magagandang labi upang sabihin ag presyo. Grabe. Di na ako makapaghintay. Takam na takam na. Mawawalan na ata ako ng bait pero kailangang kalmado lang at baka mapagkamalang OA o so excited o baka bansagang perstime sa ganung gawain. Di ko na kaya. Please ganda, sabihin mo na ang presyo.

"180 po per kilo"

Tinangka ko pang tumawad para sa laman na aking bibilhin sa palengke ng pasig. Bumili ako ng karne at pinachop upang gawing binagoongan. Grabeng experience sa main market.

9 comments:

  1. haha! umiisa ka na din sa mga ganitong klaseng post ah.. nice job pre! binasa ko yan kahit sobrang haba! haha! :D

    ReplyDelete
  2. SYYYEeeeeeeeet! muntik na akong labasan este pagpawisan ng malagkit dun ah.. wahahahaha...

    180perKilo mahal na pala ng baboy sa atin noh?? dati e 120 lang may tawad pa hehehehe..

    Kwentong laman talaga toh \m/ BlogEnroLL bossing!

    ReplyDelete
  3. SYYYEeeeeeeeet! muntik na akong labasan este pagpawisan ng malagkit dun ah.. wahahahaha...

    180perKilo mahal na pala ng baboy sa atin noh?? dati e 120 lang may tawad pa hehehehe..

    Kwentong laman talaga toh \m/ BlogEnroLL bossing!

    ReplyDelete
  4. hahahaha... langya ka, inaabangan ko na ang susunod na eksena eh . binanatan mo pa ng 180 per kilo.. hahaha... akala ko xerex ang binabasa ko nung una, kalabog and bosyo pala. nice pare. hehehe

    ReplyDelete
  5. hek hek! sa umpisa pa lang alam ko nang hirit post ito.. pero pinagbigyan kita, hindi ko pinatay ang suspense, di ako nagksip read, gusto kong masorpresa! hehe! nice post!

    ReplyDelete
  6. homegad! waahahah 300th post! kadami naman eh! :p

    ay kala ko pa naman laman ni nicole
    teka si nicole ba (turo sa taas)

    bumibili pala ng laman ng haup! pak!

    ReplyDelete
  7. @benh, wala lang tong post, naisip ko lamang habang nakasakay sa jeep. :p
    @poldo, nyehehehe. buti muntik lang at di atuluyan ang pagpawisan ka ng malagkit
    @midnight, ninais ko din sanang maging porn writter :D
    @indecent, may kutob akong alam mo na magiging takbo, siguro dapat ibang titulo ginamit ko :D
    @tongtong, uu, si nicole ng pussy yan.

    ReplyDelete
  8. isa lang masasabi ko HAHAHA~di tako ng skip read dahil naintriga ako baka may mamiss akong detalye nyahaha,,,
    nice nice napangiti mo ko sa poste mo
    naks 300th post mo na pala ito galing galing~~

    ReplyDelete
  9. Ahaha may ganung build up talaga ng excitement

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???