Thursday, August 5, 2010

Bangkang Bangkok!


Ikalawang araw na sa Thailand. Ang petsa ay 29 ng hulyo. Ito ang nakatakdang araw na para sa pamamasyal namin sa bangkok. Ito ang araw kung saan may booking(parang sagwa pakinggan) kami para mamasyal sa Floating market at sa Sampran Elephant Ground.

Maaga ang call time, 7am kaya maaga kaming gumising upang may oras pa kami makakain ng almusal. Mahirap na ang gutom habang bumibyahe. Maagang naligo ang bawat isa at mga 6am ay ready na kami. Lumabas muna kami ng hotel at naglakad ng ilang saglit at kami ay napadpad sa fastfood ng payasong si Ronald Mcdonald. Wird ba ng trip namin? Mcdo sa Thailand??? Wala bang Mcdo sa pinas at napagtripan naming kumain sa mcdo ng ibang bansa? Walang basagan ng trip. Di nakaupo at nakadikwatro si mcdo dito. Kakaiba ang kanyang posing.



Pareho lang naman ang mga menu dito katulad ng sa pilipinas. Ang malaking pinagkaibahan lang ay wala silang regular fries at coke. Big sizes ang mga items. Isa pang pinagkaibahan ay mahal din tulad ng sa burger king. Pero para ma-experience lang, go na kami sa loob at umorder ng breakfast meal at habang sila ay ung normal burger mcdo meal with fries and softdrinks.

15 mins. before the call time ay back to baraks na kami at inaantay na ang susundo sa amin. Tik-tak-tik-tak. Shemay! 7:15 na at wala pa. Andami na naming nakikitang van na dumadaan sa harap ng hotel para i-pick up ang ibang pips pero wala pa ang sundo namin. Naknamputs. Kinabahan ako at baka 1.2.3. ung Tourism agency na pinag-bookan namin. May lumapit na thai/intsik, akala namin un na pero wala pa. Shet. 7:30 na, ang pawis ay tagaktak na pero wala padin. After ilang mins ay sa wakas, may lumapit na sa amin at sinabing kailangan namin maglakad ng onti patungo dun sa area kung saan andun ang mga coaster/van na sasakyan namin. Andami na ding mga ibang foreigners na nag-aabang. Kapansin-pansin na kami lang pamilya ang kayumangi at halat na ay mapuputi. Stand-out ang moreno beauty nang pamilya :p Bago sumakay ay dinikitan kami ng dalawang sticker na may magkaibang kulay. Ito daw ang mga palatandaan ng mga lugar na pupuntahan. Almost 8 ng kami ay nakasakay at inonounce na ang unang stop ay ang Floating Market.

Inabot ng dalawang ang biyahe at nakadating din kami sa paroroonan. Akala ko ay matatagalan pa ang pagkapanis ng laway o pagtulo ng waway sa pagkakainip. Sa wakas, naiapak na din ang paa sa lupa. Sunod-sunod muna sa tour guide. Halos lahat ay asa isang place lang. Nagsalita na ang intsik at kailangang makinig maigi sapagkat shempre, di naman straight english sila. Pahirapan. Andaming foreigners ang nagtanung ulit ng instruction. Ang magiging routine ay pede kaming magshop for around 2 hours at magmimit sa waiting shed. Pede din daw magbangka pero syempre may bayad. 

Dito sa floating market ay may parang street na binaha at may mga nagbabangka at may paninda. Pero syempre meron ding mga tindahan na nasa lupa at nandun din ang mga area kung saan ay pwede ka kumain at magfoodtrip. Madami din ditong tyange at mabibilan ng souvenir items. Ang aking ama ay tila nagutom agad at umupo na at nag-mami. Ako naman kasama ang ate at ina ay nag-libot-libot at nagpicture picture. Nasa baba ang ibang larawan.

Matapos ang 2 hours na paglilibot nakabili ako ng sariling tshirt na para sa akin. Medyo may kamahalan kasi kakaiba ang design at hindi katulad ng normal na thailand tshirt. Matapos nun ay kami ay pinasakay sa bangka upang mag boat ride at itour ang area. Makikita na madaming sinaunang bahay padin ang nasa tabi ng ilog. May mga doon sa maduming tubig naglalaba at naliligo sa tabi ng ilog. Makikita din na may mga ibang bahay na wala ng nakatira marahil ay lumipat na ng bahay. 



At the end of the boat ride, ay ininform na kami na maghihiwa-hiwalay na kami. Ung mga kasabayan namin sa van nung papunta ay either babalik sa bangkok central or pupunta sa beach or pupunta sa Rose garden. Ang kasama namin sa van ay isang mag-ina na turkish. kasama lang namin sila sa van pero di sila pupunta sa elephant ground. Dun sila sa Rose garden o ang tila opera house with those thailanders na may mahahabang leeg na may chains sa leeg. 


Bago dumating ay nananghalian muna kami sa isang parang kainan. Kasama sa binayaran namin sa booking ang lunch. Umupo na kami sa lamesa at pinagsaluhan ang sweet and sour veggies(mas madaming gulay kesa sa chicken/pork), scrambled egg, at chicken.

Itutuloy.......

Tips:
1. Don't forget the water uli kasi mahal ang drinks sa kainan, 25 baht, isang 12 oz na pepsi.
2. Wag mag-aksaya ng baht sa boat sa floating market, maeexperience din ito kung nag-book ka sa tourism agency.
3. Wag maniwala sa price ng mga tindera, tumawad. Pedeng pede ang mambarat hangang sumuko at ibigay sa mas cheaper price.
4. Another style para maka-discount ay ang pagtanong ng price at pag-mahal, walk-out style, may cases na hahabulin ka at ikaw ang kukulitin at bibigay nila sa mas mura. Pedeng 3x mo tanggihan at tyak, pasok sa banga ang price discount.
5. Samut-sari ang makakainang karinderia at food vendor dito kaya get ready to taste some foodah!

:D

10 comments:

  1. ayos na ayos sa trip. parekoy. anjan sa thai ang sikat na blogger na si len. wala lngnkwento ko lng. hehe

    ReplyDelete
  2. River ba yan sir o matagal na panahong stagnant water?(Baha) sikat kasi yan location na yan sa mga action movie like yung kay chow yun Fat pati yung kay nicolas cage...

    dahil sa mga kwento mo parang gusto ko nang pumunta ng thailand at magbakasyon!

    kopongkap(thank you)

    ReplyDelete
  3. @kikilabotz, may link ka ba ng blog ni len?
    @poldo, parang both, kasi iba ung kulay

    ReplyDelete
  4. bakit kasi kailangang magpakahirap silang magtinda gamit ang bangka? sabagay, walang basagan ng trip.

    ok naman ba ang amoy ng tubig? mukha kasi siyang kanal. hehehe

    blogenroll \m/

    ReplyDelete
  5. @nobenta- slight. di naman kasukasuka ang amoy ng tubig kasi mukang may kalaliman naman ng onti ung tubig

    ReplyDelete
  6. Bakit wala kang posing na naka smile ka at kita ang iyong tits, este teeth? Hehehe! :D Tumawad to the max ka ba? Buti naman at nag enjoy ka! Good times!

    ReplyDelete
  7. Yum pero parang scary yung lumulutang na karinderia...

    ReplyDelete
  8. oo nga, bakit walang posing na merong peace sign? o kaya nakapout yung lips? lol

    ReplyDelete
  9. @glentot, nakakatakot baka ung tubig na ginamit ung sa ilog. :p
    @superbalentong, walang peace at pout libs epek. :D

    ReplyDelete
  10. Astig naman ang trip nyo sa Thailand ^_^

    Galing nung mga elephant nila pati yung mga crocs!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???