Monday, August 9, 2010

Banio Kreek


Last Saturday, nagkaroon ang dati kong team sa opis(nalipat ako ng team e) ng team building. Ang time ng pag-alis ay 11am kaya di ako nakasama sa pag-alis nila sa opisina. Balak ko na lamang humabol. Nag-search ako sa google kung pano makakadating sa destinasyon. Swerte ko lamang at nagkaroon ng slight na aberya at nakasabay ako sa kanila kasi nagstop muna sila kasi nag-iba ang time ng reservation. Nalaman namin na mali ang naiskedyul nung taga resort na araw ng aming reservation kaya hayun, nalipat ng time. Mga 1:30 ay nakahabol ako sa van na sasakyan ng team at happy akong naki-ride sa sasakyan patungong Silang Cavite.

Ang place ng aming team building ay sa Silang Cavite pero mas malapit na siya sa tagaytay kaya ang nasa larawan ay tagaytay. It took around 2 hours na biyahe papunta sa lugar. 4pm ay andun na kami pero 6 pa ang time ng check in kaya drinop at pinatabi muna namin ang marinated food namin at namili pa ng ibang bagay sa palengke ng Tagaytay. Medyo parang masama ang panahon kasi umuulan at medyo mahangin pero keri lang, di naman super bagyo.

Pagdating ay naligo na ang mga nabasa ng ulan at ang iba ay nagpreprepare na ng dinner. Ihaw na tilapia at liempo ang pagkain kasama ng kamatis, manga at itlog na maalat. Habang nagaganap ang pagpreprepare ay abala naman sa loob ng room para sa kakaibang light paint session.

 Chicha

 Preparing dinner
Ang aming kinain
May powers na ako!

After makakain ay pahinga ng onti at inuman na! Weeeee! Buti at di inilabas ang sinukuan kong red horse. Gilbeys lang na may mix ng lime something mix. Habang nagshoshotshotshot ng alak ay may nagvivideoke at pulutan galore(natirang inihaw at mga chips). Kwentuhan at sharing sessions. natapos ang inum ng mga bandang 2am.

Kinaumagahan, dahil sa sobrang lakas ng hangin (pero hindi super duper lakas), di na natuloy ang mga activities and games. We just enjoyed the nice and beautiful place kasama ng pagligo sa tila may yelong pool at malamig na simoy ng hangin. Ang pampainit ay ang the Bar na inumin. Napaka-relaxing ng araw na iyon at super nakapag-unwind ako. Sana nga may rest house ako sa ganung lugar para makaalis sa tiring week.

 Rooftop room view

Poolside room

Bedrooms

 The videoke

Billiards area

The tomadors

 Team Bravo


Ang mga larawan ay kinuha ko sa site ng Banio kreek, sa ka-team na si mcdo at chris). Di umubra ang cp ko dahil sa ulan at ambon. :D

Hanggang dito nalang muna.... :D

5 comments:

  1. ang tagal ko sa cavite but i have never been there. akala ko eh tungkol sa banyo ang entry mo!

    gusto ko ang mga ganyang teambuilding. lalo na kapag di natutuloy ang mga games at napupunta nalang sa inuman!

    blogenroll \m/

    ReplyDelete
  2. buti pa kayo, ang daming pera sa mga ganitong okayson. ang saya nyo naman jan.. mukhang makukulit. haha

    ReplyDelete
  3. Ang saya naman talaga ng ganyang mga experience...
    Ako ni minsan di ko pa naeexperience ang magkaroon ng team building sa pinagtra-trabahuhan ko.. kaya inggit ako sayo! hehehe

    pero anyway salamat sa pag share parang nakasama narin ako wow ang arti! hehehe...

    \m/BlogEnRoll kapatid!

    ReplyDelete
  4. ang saya saya naman! Sama ko next time, epal lang ahaha

    ReplyDelete
  5. @nobenta, sarap nga pag walang games, bonding sa alak lang
    @super balentong,buwan bago naisakatuparan yang team building. ipon mode muna,
    @poldo, maeexperience mo din yan someday
    @jepoy, sige, sama kita :p

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???