Monday, August 23, 2010

Unpack at Comicon!



Kahapon, Linggo, maaga akong gumising para maghanda upang pumunta sa opisina. Korekted by. Tama ang basa nio, pupunta akong office ng sunday. Ang rason e kailangan pumunta para atlist di ignoramus sa new building na magiging new office namin. Another reason ay kailangang mag-setup ng pc na gagamitin for work. Ayokong ma-hassle na di gumagana ang pc na uupuan ko. Mga 9:30 ng umaga ay andun na ako. Nakakailang kasi first time ko na mapunta dun. Parang timang guessing saan ang entrance.

Nakaakyat ako sa floor namin though naligaw ng una. Imbis na sa 11th floor, sa 10th floor ako napadpad. Buti nalang sunday at walang mga tao much aside from mga sikyo. Akyat agad ako sa 11th. Feeling cool lang at hinanap na agad ang assigned cube ko. Nakita ko na ang box na aking pinak at nagstart na akong mag-unpack at i-ayos ang pc. Nagkamali ata ako. Wala akong alam much sa mga cables and wirings ng mga pc lalo na at dalawa ang cpu at may switch. Ano ba ang alam ko, laptap na gamit ko at nuon ay isang cpu lang ang ang kaya kong i-setup. Potragis. Andaming wires. Di ko alam san ikakabit ang mga iyon. Doomed. Pinag-aralan namin un noon pero di ko alam pano na gawin. Kahit nung pinak ko un, di ko naman minimorya ang mga wires. Buti nalang at may friend akong may alam nun at nagpatulong ako. Thank god at may savior ako.

Matapos makapag unpak ay nakatipid ako dahil free food. Libre ang mushroom burger meal para sa mga tumulong. Solb na ang gutom. Tapos na din mag-set up kaya naglibot muna sa ibang floors. Dinalaw namin ung 9th floor kung saan may massage chair at mga gym equipment like tredmil at stationary-bike. Napa-wow din ako kasi may mga shower rooms na. Meron na ding sleeping quarters sa 9th floor. Na-enjoy ko ang new building namin.

Matapos nun, around 2pm ay nagkayayaan na pumunta ng megamall. Pupunta akoo dun kasi comicon. Also, dapat manonood ako ng stepup. Pero medyo nakakutob ako na mapapagastos much ako kaya may i excuse ako na mag-solo at pumunta ng cosplay event. Nagtungo ako sa 5th floor. Andami ng mga naka-costumes. Sa loob ay medyo konting booth lang kasi most ay para sa mga artist ng mga comiks. Dito ay pinagmamalaki ang mga talents ng pinoy sa pag-guhit at pagdrawing. Andito ang mga iba-ibang illustrators. Namangha ako sa mga talento at galing nila. Bilang tulong na din sa phil.artist, bumili naman ako ng isang comics na gawang pinoy.

Mga 3pm ay dun na ako sa tapat ng stage umupo at pumuwesto para mas malapitan kong makikita ang mga cosplayers. Before ng cosplay, may discussion about sa mga voice talents at voice artists. Matapos nun, ang pinaka-aabangan kong event ay dumating na. Nanuood ako ng samut-saring tao na nagbihis bilang mga anime characters. May mga nakita ko na nung last toycon katulad nung magician girl, nung green lantern at ni yu-gi-oh. Napaelibs ako sa mga porma ng mga cosplayers. Namangha ako sa husay ng mga gumawa ng kanilang kasuotan. Mas nasiyahan ako ng makita ko ang group cosplay kung saan ang favorite anime ko ang kanilang ginaya. Ang nakakaaliw pa ay isa sa mga kaopisina ko ay parte ng nagcosplay ng one piece.



Nag-enjoy ako ng todo sa aking weekend. Tinapos ko ang weekend ko sa pamamagitan ng pagbili ng bagong tshirt at laptop fan para sa aking pc. :D

ps. ung larawan ng cosplayers ay kinuha ko lang sa facebook.

6 comments:

  1. weeee cosplay :) maka-attend sana ako dito one time ng isang cosplay event.

    naghihintay ng makakasama haha

    ReplyDelete
  2. What a coaccidence hahaha nandun rin ako at kung hindi ako nagkakamali ay nakunan ko ng pic yang naka-red na hat.

    ReplyDelete
  3. dont tell me taga trend micro ka din? umalis ng IBM at lilipat na ng office sa ortigas?

    ReplyDelete
  4. pano mo nalaman? heheheh. kaopis ko si babaeng lakwatsera at mapanuri/davincecoy. :P

    ReplyDelete
  5. @sikolet, madami din nagcocosplay jan sa japan diba?
    @glentot, nandun ka pala.

    ReplyDelete
  6. pangarap kong makasali sa cosplay as final fantasy character. either cloud or squall will do.

    lol

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???