Monday, August 9, 2010

Need or Want



Di ko alam kung need ko o want ko ang digicam. Though kaya pa ng cellphone ko na kumuha ng litrato at larawan ng mga pagkain at lugar na aking napupuntahan, di ko padin mapigilan na magnais na magkaroon muli ng digicam. Ninais ko din ang magkaroon ng DSLR upang magkaroon ng mas magagandang pics para sa aking blog subalit di kaya ng budget.

Sa pagtravel namin sa thailand at ng magteam building kami, di ako makaipon ng memorable pics sapagkat cellphone lamang ang aking gamit. Di pedeng malayuan at di kaya ang magagandang view. Napaisip ako, kailangan ko na ba na bumili uli ng digicam para makakuha ng mga larawan?

Sa totoo lang, may digicam pa ako na nakakakuha ng larawan subalit dyahe at nakakahiya much sapagkat ang lcd nito ay may tuyong putik due to ondoy noon kaya di keri ng mahiyain kong sarili ang bitbitin ito sa mga events kung saan halos lahat ng mga tao ay may good digicams o dslr.

Undecided ako kung need ko o want ko lamang ng cam. :(

5 comments:

  1. need! dahil sa mga larawang kupas ay masisilayang muli ang iyong mga lumipas!

    ReplyDelete
  2. ako naman, need and want! dream ko rin maging photographer eh. \m/

    ReplyDelete
  3. I think it's both. You need in times na talagang maganda yung moment then want in a sense that you really love taking a LOt of pictures. Ako nga I want a DSLR. Haha

    ReplyDelete
  4. Both yan actually.. in some cases pwedeng want kasi pwede ka namang mabuhay kahit wala yan.. pero sayang ang memories.. kaya want mo na at grab na! hehehe

    ReplyDelete
  5. mas maigi cguro kung my digicam kesa s cellphone pix, not unless naka i-phone ka. hihi s aking mga byahe, madame din namang gumagamit ng cellphone (yung mga mamahalin nga lang) sa pagkuha nila ng souvenir shots, or madalas digicam.
    ako man, date gamit ko digicam pero ngahangad din aq ng dslr kaya after ng makailang buwan ng pagtitipid eh nakabili din. pero nakaka miss pa din ang digicam kse my mga lugar na bawal kunan or kaya my mga moments na gusto ko kuhaan ng "natural" pero dahil dslr ang gamit q, madalas makakuha ng atensyon, ang labas eh, di na nakukuhaan ang moment na gusto kong kuhaan. try mu sa Hidalgo. mura lang mga camera dun. madame na din 2nd han na camera for sale now online. ;)
    kaya yan bsta konting pagtitipid lng para maka ipon! 4k nlng mga brand new digicam now! :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???