Hello Hello at isa pang Hello. Kamusta kamusta at isa pang kamusta. Kahaps ay nagshare me ng wento ko nung nagpunta kami sa Nagsasa cove sa may Zambales. At kung di kayo nag iskip reads, alams nio na may hindi ako nawento. Kung clueless kayo, basahin ulit ang previous post at wag mag skip read. lols.
So going back to the wento, heto na ang part kung saan nag Trek (di ko alam kung eto talaga tawag sa pagpunta sa falls). so after magpahinga ng konti, at di pa gaanong tirik at naghuhumindig ang sikat ng araw ay nagdecide na kami magpunta doon sa falls para makapag-picture picture yung dalawang girls na kasama namin.
Sa tulong ng guide namin na native ng Nagsasa, kami ay nagsimulang maglakad patungo sa di namin alam. Sunod-sunuran lang sa lakad ng guide kasabay ng pagkuha ng pictures ng tanawin at mga anik-anik.
Mula sa mabuhanging part ng Nagsasa ay dumaan kami sa matalahib na path. Kasunod naman ang mababatong daanan. Tapos medyo climb ng slope tapos downwards at sa daanan ng tubig with large stones na aapakan hanggang marating ang falls.
Nakakapagod ang paglalakad papunta kasi di namin alam kung gano kalayo ang lalakarin. Estimate ng 1 hour ang naging alay lakad papunta sa falls. Basa sa pawis at pagod sa paglakad pero nasulit sa pagtampisaw sa tubig.
Heto sa baba ang mga pinagdaanang lugar.... Kasama padin si Capsule sa byahe.
Matalahib path
Mga puno sa dadaanan
Ayan na, Nagsimula na si Capsule
Akyatin ang slope Capsule
Rest muna... Napagod
After grass, mabatong daan
First sign ng tubig, malapit na... sana
Nadidinig na ang bagsak ng tubig
Konti na lang!
Hooray! Tanaw na!
Pose sa Falls
Pose pa, different angle
Umanggulo ulit
Papatalo ba ako? wakokokk
Solo pic na walang model
Lublob sa tubigs :D
Nag rock balance din si Capsule
Pabalik na
Pahinga sa puno
humiga pa ang capsule
Kahit saan, sumisingit si capsule
Nakakapagod magtrek. 1 hour papunta at 1 hour pabalik. Kakauhaw sya so recommended na may tobigs kayong baon. Sulit naman ang paglalakad kasi nabawasan ata me ng timbang sa pagod ng paglalakads. Wahahaha. Enjoy ang pagpunta doon. At dahil dito, napalakas ang lamon ko nung lunch time. ahihihhhi
Hanggang dito na lang muna, ahehehehe. Terrific Tuesday sa inyong lahats! TC!