Tuesday, May 10, 2011

The Lunch Date

Last Saturday, ako ay nakareceive ng biglang message sa pesbook kung saan ako ay inaaya na mag-lunch date kasama ang tatlo sa mga klasmate ko noon sa high school. Since wala naman akong scheduled na lakwatsa or gala ng araw na iyon, at since kaladkaring bata ako, pumayag ako sa meet-up.

11am nag meet kami sa may Tropical sa bandang Sta. Lucia Cainta. Dun ay nameet ko muli sila rejoice, mariel at Adrian. (Wala kaming pictures na apat, Di na-upload nung may camera). 

Kami ay nag lunch sa chinese resto na may pangalang David's Tea House. Dito ay umorder kami ng food at nag-catch up sa aming mga buhay-buhay at kwentuhan tungkol sa mga past. Hahaha. 

May apat na larawan lang ako na nakuha sa lunch date. Gamit ang cellphone camera, kumuha ako ng shots ng food ko. Nahiya naman akong picturan ang food nung mga kasama ko di na ako nag-attempt na sabihing wag muna nila kainin at shoshot lang ako ng pic. :p

David's Tea House

Da plato't kumbyertos

4 Season dumplings

Sweet and Sour pork

Since hindi naman fofocus sa resto ang blog for today, keri on na sa main event. Ang usapan ng mga taong namiss ang isa't-isa at nagwewentuhan at nagbabaliktanawan sa mga happy moments during the high school life. Thus, in bullet form, nais kong magshare ng mga memorable experience and mga chisms na nasagap. lol.

-Teachers. Nagbaliktanaw kami sa mga funny teachers namin during HS. Isa na doon ang aming english teacher na balibaliktad mag english. So ang nangyari ay binalik sya sa grade school para hindi nasosoplaks at nababara dahil sa wrong grammer nia. :p

-Ang dreaded and cursed CAT training! Every friday right after mga clubs, kaming 4th year ay binababad sa arawan at pinapahirapan. May duck walk, push ups, pumpings and everything. After ng training, ang muka ay mga tostado tapos may linya mula sa beret at dun makikita ang di pantay na compleksyon ng balat.

-The isaw days. Eto ang time na ginagawa namin every fridays. Right after ng punyemas na CAT, makikihitch kami sa mga school service at bababa sa bahay ng kaklase namin. Dun kami ay tatambay at mag-aantay na gumabi para makabili ng isaw. Doon kami sa isawan ng nag-artistang si Joseph Bitangcol (ex ni Sandara). lols. Kasabay ng sandamukal na extra rice, solb solb na.

-Noli Me Tangere. Isa sa naging play namin noong nasa 3rd year kami. Dito nagbalik tanaw sa mga funny scenes like may dapat namatay on stage pero biglang nag skip at instant wala na. Tapos ang binayaran naming sound system na dapat ay lapel pero waley. Instead, isang kaklase namin na may hawak na jumbo mic ang sumusunod sa mga characters para marinig (obvious na obvious sa audience yung walking microphone).

-Graduation. Akala namin ay lahat kami ay grumaduate ng high school. Nagkakamali kami. It turns out, may isa palang di nakagraduate. Sya ay di nakapagtapos dahil sya ang sumalo sa kaso ng leakage. Aun. So sad na di sya grumaduate pero mukang sinuwerte naman sya, dahil balita namin, sya na ang richest sa batch namin.he is earning caching-caching.

-Pregnancy. Madami dami din sa mga kaklase ko sa high school ang mga naging ina at ama na. May mga right after HS ay nabuntis na. May mga nakabuntis during college and so on. Normal lang kasi tinamaan ng kati. Pero ang shocking news ay ang lower batch sa amin ang record breaker. Ang sumunod na batch sa amin ang may pinakamadaming case ng teen pregnancy at naka-buo. 

Madami pa sana kaso mukang mabobored na kayo kasi baka di kayo interested so hanggang dito na lang muna. Ang post na ito ay parang memory bank ko na din.

13 comments:

  1. baseeeeeeeeeeee!

    im sure base ako! bwahahahaha

    ReplyDelete
  2. nakakamis nga ang high skul life mraming kapraningan hehe..

    ReplyDelete
  3. gusto ko ang noli, el fili kasi un nga may mga role playing ativities. u get to dressed up and rehearse.. ganun-ganun bonding moments kaya un. saka mas marami ang kabulastugan sa mga practices kesa sa matinong rehearsals hehehe..

    Nung CAT days namin, diba tuwing friday yun.. hehehe ako laging may sakit (kuno) laging may period (kuno) hihingi ng excuse letter mula sa nurse tas ipapasa sa officer ang resulta? no formation for me. hehehe nanunuod lang ako sa bleachers habang the rest of the 4th year eh nasa soccer field at nakaformation. nakuha ko pang ngumuya-nguya ng corn bits nun habang pinapanuod sila hihi

    ReplyDelete
  4. yung CAT na ayan, pinagod ako ng husto hahahaha. buti pa nung ROTC sisiw lang.

    masarap yung dumplings dyan sa david's tea house in fairness

    ReplyDelete
  5. kain muna ako bago ko basahin to...nagutom ako bigla...

    ReplyDelete
  6. Ahahahaha high school memories nga naman...reminiscing the days... hehehhehehe

    ReplyDelete
  7. hahaha... nagutom din ako sa mga memories... hahaha,.. makamidnight snacks na nga... :)

    ReplyDelete
  8. @yanah, base ka nga.

    @kaetondrunk, tama, andaming praning moments

    @yanah ulit, di umeepek ang exmuse letter. strict ang CAT opiser

    ReplyDelete
  9. @Bino, di ako nag-ROTC. heheh. abolished na yun nung college ako

    @akoni, sige, kain lang

    @xprosaic, sarap magreminis.

    ReplyDelete
  10. @kikomaxx, wakokok. naks, midnight snacks. penge

    ReplyDelete
  11. whaha iba talaga ang hs life... grabe ha,, adik ka rin sa isaw...

    ReplyDelete
  12. i hate CAT kahit ROTC soo much hahahha

    ReplyDelete
  13. @axl, yung isaw lang nila bitanggcol, iba yung timpla :p

    @lonewolf, same here. hate it!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???