Isang maulan na lunes. Wala ako magawa sa buhay ko. Bored. Walang masyadong pumapasok sa utak ko. May mga gusto kong ikwento pero tinatamaan ako ng katam sa pag-iisip ng salita. Kaya for today, rarandom events and thoughts lang muna ako.
1. Masarap maligo sa ulan. Parang bumalik ang kabataan ko dahil nagawa kong lumabas ng bahay at magpabasa sa ulan. 30 mins. na nasa ulanan, walang pake sa mga taong naglalakad sa kalsada.
2. Di ako nanood ng laban ni Pacman. Isa ako sa mga taong walang masyadong kebs sa boxing. Ahahaha. Nagbasa ko na lang mga info via tweets.
3. Hindi ako nakapunta ng Comicon 2011. Nasa plano ko na pumunta last sat. kaso may lunch date with HS friends. Tinamad naman akong lumabas ng linggo kasi umuulan. Sarap matulog.
4. Feeling ko i gained weight ulit. Kasalanan to ng mapang-akit na Happy hour ng SB. 4 days akong pumila para sa frap. Back to pineapple diet na nga ulit.
5. Kanina sa TV, featured ang pagtutuli. Grabe pala kapag nagpatuli ka sa patulian ng bayan. Daming tao makakaita sa mga kiddilets na ginugupit ang balat ng pototoys. Ouch. At ang mga nagpapatuli, ambabata, baka maagang makabuntis mga yan!
6. Titigilan ko na ang mag Cityville! poor na yung account ko dun. Kailangan na huminto ang kaadikan sa games.
7. May bagong shared folder sa opis. Puro korean movies. Mukang sa mga susunod na araw, mga korean movie reviews ang mapopost ko dito. lels.
8. Dahil sa boredom, kahit umuulan kahapon, naglaba na lang ako ng damit ko. Grabe ang epekto ng walang magawa.
9. can't wait na para sa paglakwatsa next week. Sana May 21-22 na! excited na ako sa Baler trip namin ng mga ka-opisina ko.
10. New sched ako dis week. 8am-5pm. Kailangan maaga pumasok para di tamaan ng rush hour. Tapos pag-uwian, alay lakad, pahirapan sumakay pauwi. Punuan ang mga jeep.
hanggang dito na lang muna. Mukang mag-uumpisa na ang mga calls dito sa opis. Enjoy your Monday. Matulog kasi malamig! :p
note: pic taken from google.
whha adik na adik ka na sa korean series ha..
ReplyDeleteoo kakamiss maligo sa ulan...
Hahaha. pareho tayo. di ako nanood. humilita lang ako at nakipag ayaw sa unknown texter. Lol!
ReplyDeletehahah..ako nga rin mahilog magpaulan noon.ang saya!! hehe good morning po!
ReplyDeletemasarap humilata sa tag-ulan.. :)
ReplyDeleteButi nalang hindi ka nanood ng laban ni pacquiao. Sobrang boring, it can be a cure for insomnia. Mas naging interesado pa ako sa mukha ni Jinkee. Kung si Mosley, round 3 pa lang lutay na ang mukha, si Jinkee naman, round 12 na, hindi parin gumagalaw ang mukha, mukhang nasobrahan yata sa alaga (botox?)ni tita Viki Bello natin.
ReplyDeletewow.. magbabaler kayo.. maganda daw dun, wait ko ang feedback galing sayo...
ReplyDeletedi ba libis ka lang? wait mo na lang ako pag uwian.. pacubao ka ba?
@axl, kakasawa kasi english.
ReplyDelete@empi, nakipag away sa stalker mo?
@emmanuel, sarap magbabad sa ulan
@whattaqueso, korek
ReplyDelete@rah, ahahah, balita nga daw un, botox rules.
@MD, ortigas aq. dati sa libis.
well, hindi ka nag-iisa, dahil habang abala ang lahat sa pag-abang at panunuod kay pacman, ako, abala ako sa panunuod ng here comes the bride at pangungulit sa YM.. dahil umay na umay ako sa updates at kung anung chenelin kay pacman.. dont get me wrong, shempre proud akong pinoy dahil pinoy sya at nanalo sya kaya lang minsan uber much na ang balita. kairita na. o eh di ako na ang marami ng nasabi. lol
ReplyDelete@yanah, lols, ikaw na ang super commenter sa post na to. at true, umays na din me sa pcquiao news
ReplyDeletenanood ako medyo. Medyo lang kasi di ko sinimulan. Inabangan ko lang Round 3 kasi sabi nung friend namin (na may advance na tv o di kaya'y kami ang may late na tv) sa text ay ma na na-knockdown daw si Mosley sa round 3. Tapos, wala na. Fb2x nalang. haha. Obyosly hindi maganda ang laban kasi nag-nenet ako malapit lang sa tv.
ReplyDeletebuti na lang wala ka dito sa ofis nun laban ni pacman dahil puro boxing ang pinapanood nun. bago na din pala sked mo..
ReplyDeletebongga ng sked pang gov't employee...
ReplyDeletecount me in sa #2, kebs sinamantala ko ang parang semana santang daan noong Sunday..hehehe
Haha nagpunta ako sa Comic Con! Daming panget na cosplayers! Nagpyesta ang mata ko hahaha
ReplyDeletebored ka nga andami mo naiisip e!haha
ReplyDeletee teka anung show un patulian i wanna see! I wanna see! LOL
@kristian, boring nga daw labans
ReplyDelete@bloggingpuyat, uu, this week, pero same sked dapat ako, 5am
@tabian, hahaha, uu, gov. employee sched.
@glentot, tyak madami TH na nakita mo dun. waheheheh
ReplyDelete@mac Calister, sa umagang kay ganda