Monday, May 30, 2011

Basa sa Nagsasa


After ng dalawang post ng fillers, heto at balik na tayo sa lakwatsahan post. Natapos ang weekend at eksaktong 12 midnight, go go go naman para sa panibagong adventure. Bamanos!

Babala: Mahaba ang post dahil sa pictures... hahaha... nakalimutan ko mag-picasa e.

12 mn ang meet-up sa may Mcdo sa trinoma at doon kami nag-gather at nag-antay sa Van. Byahe mode nanaman. Mga 3 to 4 hours ata ang nibyahe namin papunta sa Zambales at nag-arrive kami ng mga 4 am. Since madilims pa ang kapaligiran, inantay muna namin mag liwanag bago kami mag-boat ride patungo sa isla.

Ang mga larawan bago at habang bumabyahe sa boat papuntang Nagsasa Cove mismo.

Heto naman ang pics pagdating na pagdating doon. Pic-pic mode.






Di na kami nagpatumpik-tumpik pa kaya naman after magpahinga ng slight ay nagpalit na kami to our ligo shorts and shirts at gora na hindi sa beach kundi trek para sa waterfalls. (adventure sa next post).

After the Trek papuntang waterfalls, nagpakabondat sa pagkain na inihaw na pusit with ensaladang talong. Ewan ko kung ang pagod sa trek ang dahilan kung bakit nabusog ako ng todo or sumobrang takaw ko lang. ahihihh. (No pic ng food).

Kung napansin nio sa ibang pics sa itaas, nag-appear si capsule, heto at bumanat nanaman sya at nag-cam whore. Wakokokok. Nagpopopose ang capsule at ipinapakita ang ganda ng Nagsasa. :D

 Pa-cute sa buhanginan

Iisa lang pose ni capsule :p

 Kumukuha ng sand si Capsule

 Le Boat

 Le View

 Capsule checking the view

 Cam Whore si capsule

Pose pa! Pak!

 Tabing-Ilog este Tabing Dagat

 Inanod si Capsule!

 Pose sa tubigan

 Presenting,.... the Tent!

 Kahit sa kubo nag-pose!

 Dumuduyan epek pa!

 Ang lantod ni Capsule!

Nung tanghali, dahil sa sobrang sikat ng araw ay nag-siesta muna ang mga tao. May natulog sa naka-set-up na tent while may natulog sa papag na lamesa (ako yun). Meron ding nagtyaga sa upuan ng lamesa. :p

Hapon na ng kami ay nagtampisaw at naligo sa beach. Masarap sa Nagsasa kasi hindi biglaang lalim ang tubig. Kahit lumayo ka sa bandang dulo ng onti ay di nagbabago ang sukat ng tubig. Malinaw din kaya may makikita ka ding mga fishies na lalangoy langoys.

Bago dumilims, kelangan may group pics at may jump shots. Ahahah. At sa wakas, after ng ilang mga failed attempts ko, may jump shot na ako na nasa ere. Wakokokk. Lagi kasi akong delayed or mabilis bumabagsak sa ground kaya failure sa pic.

 Groupies

Nakalipad din ang elephant :p

Pagdating ng gabi, Inihaw na Tilaps at Itlog na maalat with kamatis ang hapunan. Bondats nanaman ang.

Since walang kuryente sa islang yun, Di ka makapag-charge ng selepono o kahit ng jijicam. So either magwentuhan sa beach or matulog ang options. Pede din palang mag-Bonfire doon kaso nga lang nitatamad kami kaya walang ganun. Kahit walang masyadong hangin at maalinsangan, natulog na lang kami.

Itutuloys.... 

Wakokokok. Sa next post na lang yung waterfall adventure at ang day 2 sa lakwatsa. Ahihihihi. Hanggang dito na lang muna. Konti kami sa opis kaya medyo madami ang calls. Kahit multi-tasking ay di sapats. ahihihh.

Magnificent Monday to all! TC

23 comments:

  1. aha.. at mukhang enjoy na enjoy si capsule kasi hindi na natanggal ang ngiti... hehehe.. base? LOL

    ReplyDelete
  2. puro gala ah! sarap naman! mura lang budget?

    ReplyDelete
  3. at ng enjoy naman si Love Capsule dyan.. Cute cute!

    ReplyDelete
  4. napakacamwhore naman ni capsule..hahaha at mukha naman siyang nag enjoy dahil hindi nawala yung expression na kumikindat sa mukha niya :))

    ikaw na ang gala! :)

    ReplyDelete
  5. Natawa ako sa talon shot mo! Ang landi!!! Lol

    mukhang mas maganda dyan sa nagsasa kesa sa anawangin. Ilang araw lng kayo? Di kobpa nasusubukan ang magovernyt sa anawangin, capones island pa lng.

    ReplyDelete
  6. @MD, naks, bumase. ehehe. uu, masaya si capsule

    @bino, so-so ang budget kasi konti lang kami

    @Tim, yeps, enjoy sya

    ReplyDelete
  7. @Heartlesschiq, eheheh, masaya si capsule.

    @moks, ahaha, pagbigyan mo na ang malanding jump shot, pers time e :p

    ReplyDelete
  8. @moks, obernyt lang kami. DI ako nakapunta capones isle

    ReplyDelete
  9. si capsule... cam whore masyado! hahahaha.

    ikaw na ang makati ang paa. Lol

    ReplyDelete
  10. love ko ung blue na tsinelas.. naka BLUE ako eh! akin na lng yan..:P

    ang swerte naman ng capsule na yan, palaging bida..

    ReplyDelete
  11. Bidang bida ang mga adventures ni mr. capsule. Buti pa siya, bakasyon lang ng bakasyon. hehe

    ReplyDelete
  12. ang swerte ni capsule. hahaha buti pa sya nagbeach!

    ReplyDelete
  13. @empi, ahahaha, photogenic kasi si capsule

    @mommyrazz, uu, bibida pa yan sa ibang post

    @rah,uu, gala yang capsule na yan

    ReplyDelete
  14. daig mo pa ang may alipunga sa paa sa kati!

    ka inggit much marami kang gala, may plano ka bang mag tour guide sa pelepens? hehehe

    ReplyDelete
  15. ikaw na ang sobrang hindi gaanong mahilig sa lakwatsa. ilang nunal ba ang nasa paa mo khants?? (ang sagwa pakinggam ng cunts) ^___^

    pa share ng ITI please?! :D

    ReplyDelete
  16. Natawa ako kung pano kayo nagpicture taking nung capsule at may nakakitang ibang tao. Hahahaha.

    ReplyDelete
  17. @krn, biglang pumasok sa bag si capsule kaya nakapagbeach

    @kaetondrunk, ayos :D

    @tabian, ang kati kasi ng paa. :D

    ReplyDelete
  18. @nieco_speaks, walang nunal, makati lang paa ko

    @yow, hahah, dinedma ko mga tao makapag picture lang si capsule

    ReplyDelete
  19. natawa ko dun sa elephant na nagjumpshot! hahahahahahaha. peace!

    ReplyDelete
  20. @supladong office boy, ahahah, effor ako sa pagtalon

    ReplyDelete
  21. At hindi ka rin adik sa pag-pic nung capsule no? Hahahaha. Inggit na naman akoooooooo! I wanna Nagsasa!

    ReplyDelete
  22. @robbie,post mo na cebu trip mo. Ahihihih. davao at cebu naman kinaiingitan ko seo. :p

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???