Saturday, April 10, 2010

GUNSO GATTAI KEROBOT FIVE



Wala pang bagong release na laruan sa bandai-asia.com tungkol sa One Piece at sa Naruto. Pero ngayon ay naisipan ko na i-feature ang Keroro robot na nakita ko sa nasabing website.

Ang Sgt. Keroro ay anime tungkol sa echoserong mga palaka. Di ko gaano alam ang takbo ng kwento subalit naaaliw lang ako sa mga mukha at kulay nila kaya medyo gusto ko din ung laruan.

Ang laruan ay parang Voltes V o kaya ay Voltron kung saan ang bawat tauhan ay may kani-kanilang sasakyat at kapag pinagsama-sama ay makakabuo ng robot.