Sunday, April 11, 2010

Survivor: Coach the Dragon Slayer voted out!



Katatapos ko lang panoorin ang palabas na Tooth Fairy sa dvd  at napagpasyahan ko na manood na lamang ng pang-umagang kartoons sa channel 2 o kaya sa channel 7. Ewan ko ba kung bakit tila ang cocorny ng palabas sa parehong channel kaya ang remote ay di mapakali sa paglipat sa channel 5, 23, 11 tapos 9. Sa di ko mapaliwanag na kadahilanan ay ang inaabangan ko na Survivor: Heroes vs Villains ay inirereplay na imbes na sa normal na tanghali ito ipapakita, ayun at showing na.

Kung ang nakaraan episode ay napatalsik na nga si Boston Rob; ang physically able na survivor. Ang villains ay nag-karoon ng maling akala na magkakaroon na ng merge. Nag-empake sila ng tribe nila at dinala nila ang kanilang mga kagamitan, umaasa na magkakasama na ang dalawang tribo. Madami ang namamatay sa maling akala at ganun ang napala ng villains. Walang merge na naganap. Tuloy padin ang tagisan ng dalawang koponan.

Sa dalawang challenge, parehong natalo ang villains dahil sa maling desisyon at dahil nadin sa mga maling tao. Sapagkat nawalan na ang villains ng 2 magaling na players, hingalo sila pagdating sa physical activities. Parang di sila natuto na kadalasan pag team challenges pa ay mostly physical activities at challenge samantalang mental at endurance naman kapag nag merge(Obserbasyon ng adik sa survivor).

Bago ang tribal council, ang mga underdogs sa villains(Courtney at Sandra) ay nakaisip ng taktika upang makapanatili pa sila sa laro. Naisip ni Sandra na bigyan ng konting pagdududa at agam-agam si Russell. Nagpahapyaw sya ng mga kataga na balak ni coach na si Rusell ang iboto. Aun napakagat si mokong at naniwala. Sinabihan ang mga kakampi na si Coach nga ang iboto. Nagbago man ng isip si Russell sa huli ay tila pinili ng kaalyansa na sundin ang naunang plano at ayon na nga at napatalsik na si Coach at sya ang unang member ng Jury.

Sa aking opinyon, tila magaling gumawa ng strategy si Sandra kahit na underdogs silang dalawa ni courtney kasi weak sila sa physical challenges. Ang mabilog ang kasama ay isang factor sa laro. kailangan i-outwit ang iba. Nautakan nia si Coach at di ito inaasahan ng natanggal.