Thursday, April 1, 2010

No Bra 29: Boys School Uniform



Kahapon inilabas sa onemanga ang bagong karugtong ng serye na No Bra! Last week ay nais ko sana ikwento ang pangyayari subalit wala akong gana at time.

Ang nakaraan...... Nabuking ng vice-principal ng school na magkasama sa iisang bahay si Yuki at ang bidang lalaki(nakakalimutan ko lagi name). Nagkaroon ng malaking eskandalo sa eskuwelahan dahil nga estudyante palang subalit tila nag-lilive in na ang dalawa. Nais ng school na patalsikin ang dalawang bata sa eskandalosong kaganapan subalit nagdeside nalang si Yuki na aminin ang totoo na siya ay lalaki.

Boom! Ngayong episode, biglang nasa principals office na sila at tila napag-alamanan na nga na wala namang masama since lalaki naman pala si Yuki. Ligtas na nga silang dalawa sa expulsion subalit may nakaambang kapalit. Since lalaki si Yuki, dapat lamang na siya ay mag-damit lalaki at magsuot ng uniporme ng lalaki. Aapela pa sana si guy kasi nais niyang ipaglaban si Yuki subalit pumayag na si girl.

Sa mga sumounod na pahina, ipinakita na nga na si Yuki ay nag-transform to a guy na. Nag-lalaro ng basketball sa kanilang PE. Ang mga kaklase niya ay lito padin pero tila humahanga sa itsura ni Yuki na kahit nakabihis lalaki ay kita ang kagandahan.

Isa pang pagbabago ay ang pag-cr ni Yuki sa banyo ng mga lalaki. Gulat ang inabot ng mga boys na nasa cr ng pumasok sa loob si Yuki at umihi sa urinal. Di mapakaling ewan ung dalawang lalaki at tila nahihiyang ewan at nais ngang sumilip kung talaga bang may birdie si Yuki. To the rescue effort naman ang main na bidang lalaki at tila naaawang ewan kay Yuki kasi feeling nia napipilitan lang talaga ito.

Tapos ang sumunod na eksena ay nagsasagawa si Masato(yun pala ung name) ng signiture campaign sa school para bigyan si Yuki ng karapatan na makabalik sa school at mag suot ng girls uniform. Nangangalap sila ng siggies at oks naman ang classmates nila subalit tila si Yuki ay kinakarir na ang pagiging boy at nanliligaw pa ng girl! Aun! Binawi ng mga classmates ang siggies at naiwan ang bidang guy na nangangalap subalit bigo.

Dumating si Oozara at at sinabing tutulong sya sa pagkakampanya na makapagsuot si Yuki ng pambabae sa isang kondisyon. Ito ay kapag nakapambabae na si Yuki ay kay Oozara lamang titingin ang guy. Itutuloy!