Sunday, April 18, 2010

Binyag! Binyag!



Pagkagaling sa trabaho(Thursday)
stressed
pagod
puyat
antok
bored

Sasalubungin ka sa bahay ng isang gulpi de gulat na:
"Gelo, Ninong ka sa binyag. Sa Sunday na ito."

Wata pak!

Ang mga kataga sa itaas ay naganap noong nakaraang miyerkules lamang.

Ngayong linggo, eto ang araw ng binyag. Im bored, wala akong energy! Tinatamad ako! Masama na kung masama pero ayokong dumalo hindi dahil ayokong magninong at di rin ayaw ko sa inaanak(baby pa ito, walang kinalaman sa mundo); Ayoko kasi ayoko ng istilo ng binyag.

I'm evil. I'm a demon! Wala akong kunsensya! Tawagin na nila ako ng kung ano-ano. Ayoko talagang dumalo kasi........

Ayoko sa magulang ng bata(maagang kumati, member ng katursi group)
Feeling ko ginagawa lamang akong milking cow
Ginawa akong ninong for the sake na gwawin akong ninong ulit
Di ko ka-close ang magulang ng bata(the heck! Di ko nga nakaka-usap un e!)
Porke't kamag-anak ba ay kailangan na dumalo?
Tinatamad akong pumunta
Di ko feel ang place at food
Sapilitan lang pagnininong na ito
Ako lang ang dadalo sa place(shy type ako; Nasa probinsya parents ko, nasa Puerto Galera ate ko)
Summer ngayon, mainit!

Sabi nga ng iba, kung gusto may paraan, kung ayaw madaming dahilan! Korekted by! Kaya marami akong rason dahil ayaw ko. Kung pwede lang talagang magsabi ng NO, hindi, ayaw, kenat be, shield, berserker barrage X at erase e ginagawa ko na. Keri ko naman magninong at magtiis pero tila mali ang petsang kanilang pinili.