Thursday, April 15, 2010

No Bra: I am not Maa-Kun!



Huwebes na at ngayon ay madaling araw. Salamat at di gaanong dagsa ang mga tawag kaya kahit paano ay may oras upang magbasa ng ibang blog at makapagbasa ng manga. Nag-aabang ako sa panibagong yugto ng one piece kasi nagpahinga ang author nito. Wala padin kahit sa mangastream pero nakita ko na may bagong episode ang NO BRA kaya tadan! Blogable item!

Kung noong last episode ay naiwan sa gitna ng kalsada ang bidang lalaki na si Masato at si Oozora na basa sa ulan. Ang sumunod na eksena sa panibagong kabanata ay naliligo na ang dalaga sa apartment ng lalaki. Wow! Shower time! Tapos nakita ng lalaki na hinubad din ni Oozora ang panty nito at tila lumabas ang pagka-pervy sa utak. Sumilip ang dalaga at nanghihingi ng tuwalya. Tila na-turn-on ang binata at lumalaki ang patinger-z nya o ang 'super diyunyor' nia kaiisip na hubo ang dalaga.

Huminahon na ang tawag ng laman at nabaling ang usapan ng dalawa kay yuki. Sa di mawaring bagay, bigla atang tinamaan ng kati ang dalaga at nilandi at tila sineduce ang lalaki. Since parang naka-polo lang with panty ang dalaga, aba..... vavavooom! Take it off! Take it off! ang nangyari. Inalis na ang dapat alisin at nag pose na ready to fight ang dilag. On the top naman si lalaki at napuna na tila nervous epek pa si dalaga. ANg sumunod na nangyari? secret....... joke lang! Walang nang yari kasi biglang sumagi sa isip ng lalaki si Yuki at ang katotohanan na si Oozora ang tunay na Maa-kun na iniibig at ginusto ni Yuki. Engots ang nangyari sa binata at iniwan ang hot chick at nagpunta sa park. Na-sad ang girl kasi ready to go na nga at can give her soul pero tila ibang tao ang tumatakbo sa isip ng boylet nia.

Sa park napadpad ang tumakas sa sizzling meat at dun nagpakahinahon. Doon nia din nakita si Yuki. Doon ay di nia na mapigilan ang tinatagong lihim at inamin at binunyag na niya ang masaklap na katotohanan. Ipinaliwanag nia na ang inaakalang batang lalaking nagtanggol at nagbigay ng pendant kay yuki ay isa talagang babae na asal lalaki. Emote at di makapaniwala si Yuki. Humihingi naman ng kapatawaran ang lalaki. Itutuloy ang kabanata.

Bad trip diba?! boom-boom-pow na at i've got afeeling na ata ang background music para sa flaming at oozing encounter pero pinalagpas pa! nyahahaha. Hayaan nalang natin at abangan ang susunod na pangyayari sa mga susunod na kabanata.