Thursday, April 15, 2010

Khanto Pick: Mahou Sensei Negima!



Halos nauubusan na ako ng mababasa na manga kasi wala akong ibang anime. Natapos ko na ang ibang mga anime (complete at di complete series) tulad ng Hunter x hunter, Naruto, One Piece, Detective Conan, Fairy Tail, Hajime no Ippo, Flame of Recca, Prince of Tennis at Rave. Habang tumitingin ng ibang kwento na mababasa, napasilip ako sa top manga at nakita ko ang Mahou Sensei Negima.

Sinilip ko ang mga unang episode o chapter at naaliw ako kasi comedy sya pero may pagka-green at may pagka-magical. Ang kwento ay iikot sa bidang lalaki na sampung taon gulang lamang. Isa siyang boy genius pag dating sa magic at siya ay grumaduate na. Kaso ang next step ay kailangan niang tumupad sa mission at ang napunta sa kanya ay maging isang english teacher sa Japan. Parang okay lang no pero ang catch ay ang iskwelahan na tuturuan nia ay all-girls school! Doon nia makikilala ang mga estudyanteng babae na iba-iba ang ugali at siempre iba-iba din ang physical appearances.

Nirerekomenda ko ito sa mga taong gusto ng light comedy with a touch of pervy way. Kung okay ang No Bra, okay din ito.Sa ibaba ay sample ng mga larawan ng estudyante ng bida at ibang sexy pics.