Thursday, April 1, 2010

Kapatid?!



Noong isang araw, nag bloblog-hop lamang ako ng makita ko ang isang showbiz scoop na ang dating TV-5 na tinatawag din na ka-shake ay now called "Kapatid!". Wow! Isa nanamang new term sa showbiz industy! Di ko alam bakit nauso ang mga kung ano-anong KA sa mga tv networks. Kung anu-anung name-branding at tagging! Tila sasabak na sa bakbakan ang bagong istasyon. At sana ay handa nadin sila na maiba names nila dahil sa mga nag-uumpugang mga fanatics ng network.

Bakit ko nasabi ang kataga na maghanda na sila? Kapag napupunta ako ng sites about local showbiz news, grabe ang pagtatalo ng mga tao sa kanilang piniling station. Madalas ay makikita mo ito sa youtube comments. Mga kapamilya laban sa kapuso. Ang mga kadalasang nagagamit na term ay kapamilyucks, kapusucks. kanguso, kapampams at kung ao-ano pa. Though sa pagkakaalam ko ay medyo indie o independent ang tv-5, who knows. Pero may nakita akong bagong term na ginamit sa newly brand name ng ex-ka-shake. They called it "Kafateeeeeed!"