Monday, April 19, 2010

Survivor: 2nd Jury- Courtney



Noong biyernes ko pa napanood ng survivor: heroes vs. villains kaso ngayon lang ako nagkaroon ng time na iblog ito.

Sa episode na nagdaan, di padin nagmemerge ang dalawang tribo kaya nagkaroon padin ng pagtutunggali sa pagitan ng villains at heroes. Naglaban ang dalawang team sa reward at immunity challenge. Sa reward challenge, ang labanan ay endurance. Nanalo ang mga villains at sila ay tumanggap ng pagkain sa Outback steak house. yumyum. Lingid sa kaalaman ng iba, may sulat sa hidden immunity idol at ito ay natanggap o nakita ni Parvati at nagtagumpay sya upang magkaroon ng proteksyon kung masesense nia na sya ang next to go.

Samantala, sa immunity challenge, nanalo ang heroes. Pero kahit nanalo sila, tila nag-wrong speculation sila na may all-girls alliance sa villains sapagkat 5 girls at 1 boy ang nasa kalabang koponan. Hayun at parang engot si JT(Winner ng Survivor Tocantsin) at binigyan nia ng hidden immunity si Russell(nag-iisang boy sa villains). Lingid sa kaalaman ng heroes e si Rusell ang nagdodominate o leader of the pack sa kalaban.

Sa bandang huli, si Courtney(Parang anorexic) ang natanggal sa tribu dahil physically weak sia at wala na ang alyansa nia noong natanggal si Rob at Tyson.

Sa aking palagay at opinyon, napaka-boblaks move ang nagawa ng heroes na magbigay ng hidden immunity idol. Kung totoosin, di nila kailangang ibigay yon kasi magiging 5 vs 5 anglabanan. Masyado silang nagpapaala sa girls alliance base lamang sa kanilang nakikita.

Abangan ang epekto ng ka-boblakn ng heroes sa susunod na episode.