Sunday, April 11, 2010

PBB Teen Clash 2010



Kagabi ay inipinakita na nga sa public ang mga bagong housemates sa 2010 edition ng Pinoy Big Brother Teens. Nagsimula na ang pinakahihintay ng mga fanatics ng reality show ng Big brother dito sa pilipinas.

Antagal ng pag-aantay ko kagabi! Nakakainis kasi may timer na ipinapakita sa tv habang di pa nag-uumpisa ang pbb. Habang Maalaala mo kaya palang ay pumapatak na ang metro. Nakakabadtrip lang ay di naman nasunod ang countdown sapagkat after mag 00:00 na ay todo commercial pa ng mga palabas ng abs-cbn.

Nagsimula ang show sa opening number nila yeng, mga babaeng tinatawag na miles, rapper nasila young jv at sam conception. Matapos ng kantahan at pagpapakita ng kung ano-anong choreography with costumes na plants vs. zombies ay nagsalita na nga ang hosts ng show na sila Toni, Mariel at Bianca.

Unang ipinaalam sa mga manonood kung bakit teen clash 2010. Sa loob lang ata ng halos isat kalahating buwan o dalawang buwan ay titira sa loob ng bahay ang 16 na mga teens. Sila ay hahatiin sa dalawang grupo. Ang isang grupo ay titira sa side na tinawag na Villa. Ang mga mapupunta dito ay mga pips na nakadanas ng hirap o mga naranasan na ang tunay na buhay, ang magtrabaho. Swerte ang nasa villa sapagkat sa side nila ung may swimming pool. Sa kabilang side naman ay ang tinawag na Apartment kung saan ang mga teens na nakaranas ng kaginhawaan at rangya sa buhay ay dito tutuloy. Sa side na ito ay may jacuzzi at setup ng mga duyan.

Okay naman ang mga pips na ipinasok sa loob. Oks ang mga face value at tiyak lagpas sa kalahati ang makakalanghap ng stardom at fame ngayong nakapasok na sila sa loob. Ang tadhana nila ay ibabase sa attitude, character at x-factor nila at appeal sa audience since ang mga tao nanaman ang magdedecide kung sino ang mananalo.

Mostly fave ng mga tao ay ung mga nasa apartment sapagkat mga good looking ang mga nandun dahil nga nasa maginhawang pamumuhay. Isa pang rason ay ang mga pinoy o watchers ng show ay madalas nagbabase sa itsura ng housemate. Next nalang tinitingnan ung ugali.

Para makita ang itsura ng mga housemates, pede nalang i-click ang link sa ibaba.

http://tfcnow.abs-cbn.com/PBBTeensClashOf2010.aspx