Wednesday, June 16, 2010

Khanto Pick: The Fallen



Nabili ko ang librong 'Fallen' kasabay ng librong 'Ligo na u, lapit na me'. Di ko muna binasa kasi parang ang haba kasi makapal ang libro. Iniwan ko lang sa bag ang libro habang naghahanap ng tyempong idle sa opisina at walang ginagawa. Doon ko sinimulan ang pagbasa ng libro.

Ang librong ito ay nagawan na daw ng tv series base sa wiki. Noong ko lang napag-alaman na dati na din pala ang librong ito, ang librong aking nabili ay pinagsamang kwento ng book 1 at 2. wow! 2 in 1!

Ang kwento ng Fallen ay tungkol sa lalaking sumapit sa ika-18 kaarawan. Doon nia natuklasan ang kawirduhan sa buhay nia. Natuto syang makipag-usap/maintindihan ang kahit na anong lengwahe, kahit salitang hayop. Isang araw, habang naglalakad ay may isang matandang parang taong grasa ang nagsabi na isa siang Nephilim o anak ng mortal at ng anghel.

Natuklasan ni Aaron (pangalan ng bida) na sia ang posibleng nasa propesiya na mag-uugnay muli sa mga anghel na itinakwil ang kanilang kakayanang lumipad at ninais na mamuhay sa lupa kasama ng mga mortal.

Sa kwentong ito, ang kalaban ng bida ay isa ding Anghel na nagngangalang Verchiel. Isa sia sa warrior angel na gumawa ng sariling disisyon na patayin ang mga Fallen angels o ang mga tumiwalag sa langit.

Ang librong ito ay magkukuwento ng pakikipagsapalaran ng bida kasama ang asong si Gabriel at ang isa ding Fallen angel na si Camael upang maisakatuparan ang propesiya.

3 comments:

  1. hmmmm....interesting. pahiram ng book pagkatapos mo basahin :)

    ReplyDelete
  2. hehehe. hanapan kita pdf kung meron. hirap ipadala book sa labas ng bansa :D

    ReplyDelete
  3. hehehe. joke lang parekoy. pero half meant. hahaha. kung mabibigyan mo ako ng pdf file, tatanggapin kong gift yan from you. naks!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???