Thursday, June 3, 2010

Pantasya!



Ang kwentong mababasa ay gawa lamang ng imahinasyon na nanggaling din sa mga shows na makikita sa local networks. Ang mga tauhan ay di nanggaling sa katotohanan at wag po masyadong seryosohin.

Nagsimula ang kwento sa labing-anim na tao na pinagsama-sama sa iisang isla upang mamuhay bilang isang malaking pamilya subalit magtutunggali para sa premyong tatlong milyong piso. Ang labing anim na tao ay hinati sa dalawang grupo at tinawag na International survivors at Pinoy Survivors. Ang mga tao na kasama sa kopnan na Pinoy ay sina Rosalka, Agua, Momay, Lola Gets, Rubi, Elias Paniki, Lizardo at Asero. Samantalang ang kabilang sa International Survivors ay sina Shan Cai, Jun Pyo, Kim Sam Soon, Marimar, Queen Seon Dok, Onizuka, Hagorn at Aguiluz).

Nagharap ang dalawang tribe sa unang pagkakataon. Nagkaroon ng swimming challenge. Nahirapan ang mga international dahil mga di sanay maligo. Lumabas ang pagiging team leader ni Agua at sia ang nag lead ng victory sa Pinoys.

Kinaharap ng interneational ang tribal council. Nagkaroon ng alliance ang mga babae at ang napagpasyahan nila na mamili sa pagitan ni Hagorn at Aguiluz. Batid nila na wala silang laban pag nag-merge na(Ang aga-aga pa e merge na nasa isip). Voted out si Hagorn kasi fire ang power nia, weak sa water challenges.

Itutuloy!

4 comments:

  1. susubaybayan ko itong bagong palabas...

    ReplyDelete
  2. Ang galing unique.

    ReplyDelete
  3. Music LOvEr Aq GUstong GuSto q ang SOund Over
    The Rainbow.Salamat

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???