Monday, October 31, 2011

Spirit of the ...


Gabi nanaman. Parang normal na araw lang kung saan kailangan ihiga ang katawan sa kama para makapagpahinga at makapag-relax. Ang pinagkaibahan nga lang ay may mga bisita ako sa gabing ito. Ang mga kaklase ko.

Nag-aya ako ng overnight sa bahay dahil alam kong wala ang aking mga magulang dahil umuwi sila sa aming probinsiya para dalawin ang puntod ng lolo at lola. Ang kapatid ko naman ay takot kapag papalapit ang undas kaya tiyak nasa kanyang barkada. Wala kaming katulong kaya solo talaga namin ng mga kaklase ang bahay.

Maliit lang ang aking kwarto kaya naman naglatag na lamang kami ng kobrekama sa sala at tinambakan na lang namin ng mga unan at throw pillows. Handa na ang lahat. May nailuto na popcorn at fish crackers at simula na ng scary movie marathon.

Sinalang na sa DVD player ang unang peliks na katatakutan. The Ring. Ang paborito ng lahat. Ang wento ng isang babaeng ilababo kasi anhaba ng hair pero di sya marunong mag-suklay. Inumpisahan na namin ang panonood ng katatakutan.


Tahimik ang lahat habang nakatutok sa mga pangyayari. Lahat ay naka-focus sa story. Mga ayaw kumurap ng mga kasama ko. Tibay.

♪♫'I whip my hair back and forth... I whip my hair back and forth'♫♫... tumunog ang cellphone ni Lani.

 ♪♫'Teach me how to dougie.... Teach me how to dougie'  ♪♫.... Tumunog ang cellphone ni Mike.

Nagkatitigan kaming mga magkakaklase sa isa't-isa. Syempre.... Sa katahimikan ng lahat ay nabulabog ng pagtunog ng mga telepono nila.

Mga tonta.... Di pala nagpaalam ang dalawa sa kanilang mga magulang. Akala pa naman namin biglang may lalabas na Sadako sa telebisyon. hays.

Natapos ang pelikula at nagpahinga saglit. Yung isa naming kaklase na si Noel, lakas ng trip. Kinuha yung whiteboard sa bahay at gumawa ng sariling ouija board. (Ampota, permanent marker ang ginamit.) Magtatawag daw kami ng espiritu.


Ang mga kups, ayaw gumamit ng piso... So old school daw. Ayaw din ng baso... Naisapelikula na daw yun. Andaming che-che-bureche. Habang pinag-iisipan namin kung anong gagamitin, biglang may bra na lumipad sa whiteboard.

'O ayan ang bra... Try natin ang Spirit of the Bra! Walang sisinghot ng bra ha!'.... Malanding sagot ni Osang (palayaw nia lang kasi anlaki ng dibdib). 

Lahat kami ay naglagay ng aming daliri sa Cup C na bra at nag-umpisa na kaming magdasal at amin na ngang tinawag ang ispiritu.

'Spirit of the bra.... Andito na ba you?' Tanong namin.

Gumalaw ang bra... Akala namin ay pupunta sa yes.... Pero di rin pumunta sa no. Ampucha. Secret daw.

'Spirit of the bra.... are you a boy or girl?' Tanong ng isa naming kasama.

Gumalaw ulit ang bra. Nag-ispell sya....... U-N-K-N-O-W-N

Magtatanong pa sana kami pero nashock ang lahat dahil may lamig na nadama. Ang bintilador ay nakatutok sa ibang parte ng sala kaya naman malaki ang ipinagtataka ng mga tao.

Ibang lamig ang naranasan namin. Pocha! Ang kaklase namin kumuha ng sandamak-mak na yelo pang refill sa pitchel na may coke. Hayup.

Maya-maya ay nagngingisay sa harap namin yung kaklase na may dalang yelo. Di namin alam kung nagtritrip lang sya o ewan. Natatakot na kami dahil hindi pa kami nakaranas ng gantong klaseng eksena na may inaatake ng epilepsi na ewan.

Nakapanood na ako ng gantong eksena noon. Yung tinatawag na posession. Lintik. Totoo pala iyon. Di ako makapaniwala pero kailangan. At ang kasama naming si Pete ay sinasaniban.

Buti na lang at dating sakristan ang dalawa sa mga kasama namin. Binilinan kami na itali muna sa kama si Pete habang kinokontak nila ang kakilalang pari.

Ang ilan sa babaeng kasama na sina Osang, Kathy at Isis ay naiiyak na sa takot. Di nila inakala na ang scary movie night ay talagang magiging scary.

Gantong-ganto yung eksenang napanood ko recently... Yung exorcist ba yun... Basta. Ang sinasaniban ay nasa kama, nakatali ang kamay at paa tapos nasa loob din ng kwarto ang pari.


Nagulat kami habang pinapanood ang mga kaganapan dahil si Pete ay nagbago ang boses. Iba sa nakasanayan naming madinig.

'Just Kiss Me..... And don't you dare fall in love with me.....' Malanding pagkakasabi ni Pete sa Pari.

'What's your name demon! What's your name?' Sigaw ni father habang nagdarasal. Sinusubukan na niyang alamin ang pangalan ng demonyo.

'Ligaya..... Ligaya ang itawag mo sa akin! Yan ang trabaho ko. Nagbibigay ng ligaya' Tugon ng sumanib kay Pete.

'Umalis ka dyan sa katawan ng bata Ligaya!. Itigil mo ang kasamaan mo!' Sigaw ng pari.

'Wala akong ginagawang masama!' tugon ni Ligaya.

'Akala mo lang wala... Pero meron-meron' Lumitanya si Father.

Nagmamatigas ang ispiritong sumanib kay Pete. Matibay. Ayaw magpatalo. Ayaw kumawala sa katawan ng kaibigan naming si Pete. Dalawang minuto na ang nakakalipas.

Kinuha ni Father ang dala niyang bag. Mukang gagamit sya ng bagay upang mataboy ang ispiritu sa katawan.

Nahirapan ata hanapin ni father yung bagay kaya inisa-isa munang alisin ang mga gamit na di niya kakailanganin. Inalis nia sa loob ng bag ang mga gamit tulad ng  Ipad, Xbox, 32' lcd monitor, baseball bat, alarm clock, coffee dispenser, bowling ball and pins, spare tire at refrigerator at saka nia nahanap ang dalang isang sachet ng holy water.

Walang gunting sa kwarto kaya napilitan si Father na kunin ang malaking panggupit ng damo sa bag niya at saka ginupit ang sachet ng Agua Bendita.

Nakikikisay si Pete at pilit kumakawala sa tali. Habang nagdadasal si Father ay wala na kaming magawang magkakaklase kundi kumuha ng bangko at umupo malapit sa pinto at pinapanood ang kakaibang eksena ng exorcism.

Nasa akma na bebendisyunan na ni Father si Pete pero naapektuhan ang pari ng Carpal Tunnel. Nabitawan ang sachet ng holy water.

Nagtatatawa ang may sanib na si Pete. Kita ang bakas ng tuwa na para bang napupunit ang bibig niya papuntang tenga.

'Bitch!' sigaw ni Ligaya.

'Double Bitch!' Sagot ni father!

Lumapit uli sya sa bag at doon ay kinuha ang kanyang secret weapon. Mula sa bag ay tila may binuhat pataas ang pari. Mula sa kamay ay may hawak na buhok na tila sinasabunutan palabas ng bag. Isang batang asul ang tumambad.


'Agua! Umiyak ka at penge ng Agua Bendita!' utos ng pari sa batang nagmula sa kanyang bag.

Lumapit si Agua sa napoposses na si Pete. Pinagmasdan nia ang aming kaklase. 

'Gutay-Gutay na ang katawan nio... Pati kaluluwa nio, gutay-gutay na din'. bigkas ni Agua.

Kasabay nito ay lumuha ang bata dahil binunot ni father ang pilikmata ni Agua. Di lamang luha, may halong dugo ang sumama at iyon ang ipinangbendisyon ni Father.

Nagkikikislot at naglulupasay na parang butiking pasay si Pete. Ng ilang sandali ay bumalik na sa dati ang aming kaklase.

Mag-grou-goup hug na sana kami ng biglang may kumalabit sa aking balikat....


pssst... May call ka! ui... may call ka... sagutin mo na yan.....

At ako ay nagising mula sa pagkakatulog sa trabaho.


end.
-------------------
Ang wento ay imbento lamang at di naganap sa totoong buhay. Ang mga larawan ay kuha sa google search at di ko pagmamay-ari.

O cia, hanggang dito na lang muna. Happy Halloween sa mga pips! TC

Sunday, October 30, 2011

Loveaholic

Mag-uundas na! Papalapit na ang araw ng mga kaluluwa! Awooooo! Boooo! Braaaaaiiiiinssss! Syempre pag ganitong panahon, trip na trip ng mga tao ang panonood ng peliks na katatakutan. Yung mga movies na nakakatindig balahibs. Kaya naman for today...... Mag-lo-love-story tayo!

Akala nio horror ano? E pano pag horror ang peliks na ibinibida ko dito, medyo di nio feel. Eheheheh. So for today, pagbibigyan ko ang request nio na labstori naman.


Ang peliks ay tongkol sa pag-asawa. Si ganda girl at si medyo chaka boy. Lumabas ang imperpekpeksyon ni guy. Disgusting... Umuutot sa pagtulog and stuff. Si girl ay na-aannoy na sa asawa nia.

Skip.. Nagpunta ng hospital si girl para magpa-vaginal check. Ang gynecologist nia ay ang prinsipe na di nia natagpuan. Pak. Lumipat sya sa clinic kasi nahiya sya sa guy doctor. Nagpacheck sya ng boobeys, not just the left... but also the right. (.)(.) At nagsimula ang kalandian ng girl.

Si chaka boy naman.... Di nakakapag sawsaw ng sariling lumpia at sinubuks mag try ng massage parlor. Aun... Tinago ang resibo... bubu. Bukelya ng asawa. Pak! Hiwalayan ang drama ni girl na unang lumantod! Nabuko ang sikrito ni gerlay na jumojowa ng vaginal-booby doctor.

Sinubukan nilang magkabalikan pero kenat be..... dahil ang sumunod..... naaksidente si girl at ang car na minamaneho ay nahulog sa bangin.


At dyan ko tatapusin ang wento. lols. Maganda ang sumunod na eksena after that. Bwahahahaha. Ang asawa ay nagpaparamdam. Wahahaha. Grabe... may konting katatakutan to!

Wooot! Bibigyan ko ng 9 ang peliks na to. Simple lang yung story pero gusto ko yung kakaibang takbo ng wento. Dito ay mapapa-watdapak.... Madaming mamamatay sa maling akala. hahaha. 

Ayan ha, may clue na. lols. Pero na-elibs me sa wento. O sia. Hanggang dito na lang muna. TC folks. Enjoy your long weekend... AT ako ang bitter kasi di ko madadanas yon. hmmmpf.

Saturday, October 29, 2011

SIP

Sinusulit ko na ang remaining week for my current schedule dahil next week, bago na ang iskedyul ko. Isa na akong taong 3am-12nn. hahahah

Ikaw ba ay uhaw? Uhaw hindi sa tawag ng laman. Hindi rin uhaw sa dugo. Uhaw as in thirst lang. Yung hindi diet at zero na uhaw. Regular na uhaw lang.

Last restday ko, ako ay nagpagala-gala sa mall after manood ng Praybeyt Benjamin. Wala akong magawa kasi rush hour pa kaya di me makakasakay ng komportable kaya libot mode muna me.

Sa aking paglilbot, napadaan me sa 3rd floor ng Robinsons Galleria at doon ako napatingin sa isang shop na nagbebenta ng pangontra uhaw... Eto ay ang SIP.


Ang SIP ay tila bagong brand name na nagbebenta ng mga nauusong tsaa o tea na naglipana sa mga mall. Kung alam mo yung mga namesung na Happy Lemon, Chatime at Serenitea, tyak may idea ka na.

Dahil wala pa ang inaabangan kong promo ng SB planner, ni-try ko muna mag tea. Nisubukan ko tikman kung pwedeng pamatay uhaw ang kanilang binebents.

Di ako fan ng milk tea so flavored tea na lang ang aking nisubukan. Ang aking nipili ay Lychee Yakult. hahaha.




Ang husga ko? masarap yung drink na nabili ko. Nyamnyam ang lasa ng Lychee pero di ko madistinguish yung lasa for the term yakult. Not bad na alternative ito.

O hangang dito na lang muna. TC. Peliks ulit bukas. :D

Elmer

Chooks-to-go, Andoks, Kenny Rogers at KFC...... laht sila ay related sa iisang bagay............ CHICKEN!

Hindi pagkain ang tampok para sa araw na ito. Hindi peliks. For today tayo ay sa book review mapapadpad. Well, sorta book... Comic type na book.


Para sa libro ngayon, ang pamagat ay 'Elmer'. 

Ang wento ay tungkol sa mundo kung saan ang manok ay considered human na din. Ito ay sa kadahilanang nag-evolve ang mga chickenjoys at nagkaroon sila ng kakayanan na magsalita at mag-isip. 

Ang bidang manok ay umuwi sa kanilang bayan dahil kritikal ang kalagayan ng kanyang ama. Unfortunately pumanaw ang tatay niya at ipinamana sa kanya ang isang diary. Hindi ang diary ni Tio Kardo ng Mara Clara ang napasakamay ng manok. Eto ay ang diary at talambuhay ng tatay nia noong time na nagsimula ang evolution at ang part kung saan sila ay nagtago laban sa mga humans na nais sila katayin, ang pakikipaglaban nila kung sila ay matatagpuan at iba pa.

Ang librong Elmer ay binibigyan ko ng 9.5 points. Elibs ako sa pagkakagawa ng story. Na-amaze me sa wento ng mga chickenjoys. Iba! Iba to! Clap clap! Di sya perpek skor kasi nagulumihanan me sa characters nung una dahil di madistinguish yung bidang chicken sa tatay nia. ehehehe.

Must-read book! 

O cia, hanggang dito lang muna.

Friday, October 28, 2011

Liar Game: Final Stage

Hello There! Kamusta na po kayo? Masyado bang mabilis ang phase ng blog ko? Nahihiraps ba kayo humabs? pasensya na... Kahit alam kong quota na ako sa october ay go lang ng go kasi mahirap pag nagsabaw nanaman ang utak me.... 

For today, peliks muna padin. Bukas na yung book review-reviewhan. 

Liar Game..... Ito ay isang manga turned series sa japan. Ito ay isang gambling game kung saan kailangan madiskarte ka at marunong mag deceive at mag-blindside and things.

Kung sa series ay yung main round or elimination round ng liar game, for the movie medyo naging twisted. and here goes.


Merong 11 players ang napili to play the game. each of the players ay may assigned letters at tanging sila at ang game master lang ang may alam. Meron na silang certain amount of money to bet and play the game.

Ang game ay tinawag na Garden of Eden. Merong 3 klase ng mansanas. Gold, silver at red. Merong 13 rounds. Each round, ang bawat players ay mamimili ng isang mansanas. At the end of each round, itatabulate ang scores at magkakaalaman kung sino ang mananalo ng 1 million yen or mababawasan kung mali ang pusta.

Ang conditions ay ganito:

-Ang majority people or 6 persons na pumili ng same color , mananalo ng 1 million each habang ang minority ay matatalo ng 1 million each.

-Kapag lahat ng players ay nag vote sa iisang color specifically ang Gold/Silver, lahat ay mababawasan ng 1 million.

-Kapag ang lahat ay pumili ng red apples, lahat ay mananalo ng 1 million each

-Kapag may isang pumili ng gold or silver at ang lahat ay pumili ng red, yung person na nag-pick ng gold/silver ay mananalo ng 2 millions habang talo ng 1 million ang matitira.

-Kapag more than 1 ang nag-vote sa gold at silver at more than 1 ang nagvote sa red, Mananalo ng 1 million yung sa gold/silver at talo ng 1 million ang red voters.

-Kung may isang pumili sa red at ang iba ay gold or silver, ang nag-iisang bumoto sa red apple ay mababawasan ng 10 million habang panalo ng 1 million ang iba.

At the end of 13 rounds, ang may pinakamataas na pera ay magkakamit ng bonus na 50 million.

It's a psywar. To trust or not to trust. Ang laro para umusad at yumaman at ang game na hahamon sa paninindigan at tiwala.

Ang movie ay 9.5 para sa akin. Kakaiba. Naaliw me sa twist at turns ng katraydoran at panlilinlang. Bakit di perpek? Wala lungs. Joke. Ewan ko... Asar much lang ako sa bida na tanga-tangahan at minsan ayaw lumaban. lols.

Hinuhunting ko kasalukuyan ang series ng Liar game kasi curious ako sa elimination round ng game. Baka pati yung manga hanapin ko. ahahahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC.

Starbucks Planner 2012

Hellow! Kakagising ko pa lang at bumulaga sa aking blogroll ang update sa finofollow ko na blog: http://www.thirstyblogger.com. Ilalabas na ang 2012 Planner ng kapehan na laganap sa kamaynilaan, ang Starbucks.


Simula sa November 3.... umpisa na ng pagkakape sa may sirenang nahati ang buntot. Umpisa na ng pag-hahanap ng istiker at pangungumbinsi ng mga katrabaho at kaibigan na ikaw ang oorder ng kape basta sa mahihingi ang istiker.

May limang kulay ang planner. Shades of brown. Kung mula sa darkest color, ang choices mo ay Oak, Spruce, Cherry, Bamboo and Poplar.

But wait... there's more, ang planner ay may kasamang saplot este pouch. :D


Tiyak nenerbyusin nanaman me at mamamaga ang tonsils sa fraps na bibilin pero oks lang. hahaha. Nakatulong kasi sa akin ang planner. Waket? Kasi aside sa blog, yung planner ang sinusulatan ko ng mga anik-anik na di ko pedeng sabihin sa blog. plus, dito ko naililista ang mga kaganapan sa life at nagiging time capsule ko sa sarili.

O cia... Hanggang dito na lang muna. :D sa mga magkakape pero ayaw ng planner, akin na lang stickers nio. :D

Ang mga larawan na ginamit ay mula sa site ng thirstyblogger.com

Thursday, October 27, 2011

Praybeyt Benjamin

Attention! Arms forward! Take my command! Give me 20 push ups now! Soldier down! wahahaahha

Wala akong maisip na intro kaya kung anong ka-ek-ekan na lang pinagsasabi ko. lols. Anyway, alam nio na siguro kung anong meron ngayon.... Kung binasa mo ang title dapat may clue ka na kung ano ito... Di pa din?  sige.... It's Movie review-reviewhan time nanaman at ang namesung ng peliks ay 'Praybeyt Benjamin'.


Para sa mga nakakanood ng telebisyon sa pinas at nakakanood ng sine, siguro nakita nio yung trailer ng film. Kung hindi pa, google nio na lang. :D

Stop here.

Kung gusto niong magpatuloy ng review at info, scroll down.... kung ayaw, payn, wag pilitin ang sarili at magcomment na lang ng nice info. more. more. eklat. hahaha. joke lang.

So let's go na sa detalye.

Ang Praybeyt Benjamin peliks ay tungkol sa angkan ng mga matatapang na sundalong na medyo fail. Then comes the generation na puro military pips ang mga kalalakihan sa clan. Doon papasok ang bida na si Vice Ganda. 

Ang ama ni Vice ay aspiring scientist at ayaw niyang maging souja boy kaya itinakwil ng ama o lolo ni Vice. Thus nakaligtas sa pagmimilitar si petrang K.

Amportunetly, may mala-Kubeta este Kudeta na naganap at dinakip ang soldier clan. And ang pinas ay under  some crisis. Kulang ng man power therefore needed to call all the single ladies este mga kalalakihan upang magbigay supporter suporta sa hukbong militar.

Thus ang bida ay nagvolunteer na parang si Mulan upang maging souja. Then mag-uundergo sya ng training with different peops and different persona.

End.

Yang ang nasa trailer. Yan ang wento. Yun na. hahaha. Okay naman yung peliks. Nakakatawa naman. Oks lang. Not great but fair enough. Much better sa peliks na Petrang kabayo noon. Score na 8 will do. So-so.

Bakit? Hinihingan mo me ng ekplanasyones? e kasi ganto yun. If you watched the trailer, mostly nabigay na yung buong detalye ng peliks. Parang wala na yung element of surprise. Saka may times na it's like your just watching showtime. Most of the punch ay slightly nadinig mo na kaya di ka matotodo halakhak.

May lesson naman sa movie kaya nabigyan din ng score. Yeah, probably you will pinpoint na there's something about accepting gay sa society etsetera etcetera but for me one lesson is kamaraderi (ispelengin nio na lang sa ingles para tama ispeling). 

Kung movie critic ka ay baka lait-laitin mo me for giving such statement pero that's what i feel e. Kanya-kanyang trip yan. Gawa ka review mo tas bigay mo score. hahaha.

For people na napapagod at stressed at frustrated, oks tong peliks para mabawasan ang mga bad vibes sa katawan. :D

O cia, hanggang dito na lang muna. TC.

New Schedule


Dumating na ang araw na inaabangan sa opisina. Ito ay shift bidding. Eto ay ang panahon na may kakayanan kang pumili ng iskedyul at restday mo depende sa available slots.

At dahil mediocre lang ang aking iskor last August and September..... Syempre, nasa middle chance ako. Sa 11 slots... pang-pito ako sa mamimili. 

Ang available na ischedule ay nasa larawan sa ibaba.


Oo, Team India ang namesung ng aking team. Isa akong Indian. lols. Anyways, nauna na mamili ang top 6 ng team at ng ako na ang pipili, ang larawan sa ibaba ang tumambad sa aking pes.


O ha, naubos na ang schedule na Sun-Mon ay nasimut. Ibig sabihin goodbye na sa chance na makapag-pasko at bagong taon sa bahay.

Well, sabi ng iba ang buhay ay parang gulong... itim! So no choice ako kundi magtiis at pumili ng skedyul ko.

Magpapaalam na ako sa Restday na Thursday-Friday. Tapos na ang Overnight moments with HS friends. Magpapaalam na din me sa movie thursdays at sale fridays. 

For 2 months..... Isa na akong taong nakakaiwas sa Manic Monday. Ang iskedyul ko ay 3am to 12nn. With Restday ng Monday-Tuesday.

Iwas sa queueing monday pero kelangan magwork sa pasko at bagong taon. O well. That's life!.

Pero pede na din kasi after ng shift bukas na ang mga malls. Pede tumambay sa malls para magpalamig. :D

Wala lang ako maipost mga pips. Pasensya na. Panahon na ng kasabawan. Anyway, baka bukas meron na review-reviewhan ang Praybeyt Benjamin. lols.

TC!

Wednesday, October 26, 2011

Fairy Tail

Kamustasa kalabasa? Okay pa ba kayo? Hopefully yes ang sagot nio. Syempre mas masaya kung masaya kayo. :D

For today, wala munang review-reviewhan ng peliks. Wala ding promotion ng libro. This time, sa anime category muna tayo.

Ang GMA7 pala ang nakabili ng rights to air the anime called 'Fairy Tail'. Wow! Nakuha nila ang OP, tapos Bleach and then ngayon ay Fairy Tail naman.

Well, ano ba ang Fairy Tail? Para sa di po nakakaalam, ito po ay isang anime na nagsimula sa manga or japanese comics. Ito ay tungkol sa isang Guild na may namesung na 'Fairy Tail'. Ang guild ay composed of wizards na may iba-ibang prowess.

Ang story ng Fairy Tail ay magsesentro sa 4 characters and syemps eventually makikilala nio din ang ibang members sa guild. 


Unlike sa usual story plot na ang mga wiz ay mahihinang nilalang with great int, dito sa anime na ito ipinapakita ang variety ng mga magical powers.

To know more sa mga Fairy Tail Wizards, inisa-isa ko ang manga at kumops ng cover pics na ipinapakita ang info about the members. May ilan na walang laman ang information kaya pasesnya po. :D

Note: This post ay medyo mahaba due to pictures. Pasesnya na.

The Guild Master:
Makarov-
Main power ng guild master ay kaya niyang maging Titan o magpalaki ng body parts para durugin ang kalaban. Meron pa siyang mga magic na alam katulad ng kakayahan na maprotectahan ang area against bad people or dark magic users.

Main Characters:

Natsu-
Si Natsu ay isang Dragon Slayer. Siya ay may kakayahan na kayang tumalo sa mga dragon. Meron siyang powers na kayang kumain ng apoy as energy booster at umatake with fire magic.

 Lucy-
Si Lucy ay isang Stellar Spirit Magic user or in short summoner. May kakayahan siyang magtawag ng kakampi na nagmula sa zodiacs katulad nila Aquarius, Virgo, Taurus, Cancer at iba pa.

 Gray-
Si Gray ay ang wizard na gumagamit ng yelo as main power. May kakayahan siyang mag form ng mga sandata o pananggala gamit ang ice.

Erza-
Si Erza ay isang knight magician. May kakayahan siyang magpalit ng samut-saring armors and weapons depende sa klase ng laban na sasabakan niya. 

The Takeover Siblings:
Lisanna-
Si Lisanna ay may kakayahan na gamitin ang souls ng mga hayop.

Mirajane-
Si Mirajane ay may kakayahan na gumamit ng souls ng mga demonyong nakalaban na niya.

 Elfman-
 katulad ng kapatid na si Mirajane, may kakayahan na gumamit ng souls ng beast na nakalaban.

Supporting Characters:

 Kana

 Loki

 Wendy

Gajeel

Juvia
The Cats:
 Happy

 Charle

Panther Liliy

The Thunder God Tribe:
 Laxus

 Fried

 Evergreen

Bixlow

Other guild members:

 Gildartz
 Arzak

 Visca

 Levi

 Droy

 Jet

 Macau

 Wakaba

 Warren

 Reedus

 Nav

 Max

 Miki

 Lucky

 Echo
 Mikuni

Tono
Hahaaha, Handami nila. lols. Tinamad na me mag-explain ng powers nila. hahaha. Isa ang Fairy Tail sa pinapanood kong anime at binabasang manga at talagang nakaka-hook. :D

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!