Monday, October 31, 2011

Spirit of the ...


Gabi nanaman. Parang normal na araw lang kung saan kailangan ihiga ang katawan sa kama para makapagpahinga at makapag-relax. Ang pinagkaibahan nga lang ay may mga bisita ako sa gabing ito. Ang mga kaklase ko.

Nag-aya ako ng overnight sa bahay dahil alam kong wala ang aking mga magulang dahil umuwi sila sa aming probinsiya para dalawin ang puntod ng lolo at lola. Ang kapatid ko naman ay takot kapag papalapit ang undas kaya tiyak nasa kanyang barkada. Wala kaming katulong kaya solo talaga namin ng mga kaklase ang bahay.

Maliit lang ang aking kwarto kaya naman naglatag na lamang kami ng kobrekama sa sala at tinambakan na lang namin ng mga unan at throw pillows. Handa na ang lahat. May nailuto na popcorn at fish crackers at simula na ng scary movie marathon.

Sinalang na sa DVD player ang unang peliks na katatakutan. The Ring. Ang paborito ng lahat. Ang wento ng isang babaeng ilababo kasi anhaba ng hair pero di sya marunong mag-suklay. Inumpisahan na namin ang panonood ng katatakutan.


Tahimik ang lahat habang nakatutok sa mga pangyayari. Lahat ay naka-focus sa story. Mga ayaw kumurap ng mga kasama ko. Tibay.

♪♫'I whip my hair back and forth... I whip my hair back and forth'♫♫... tumunog ang cellphone ni Lani.

 ♪♫'Teach me how to dougie.... Teach me how to dougie'  ♪♫.... Tumunog ang cellphone ni Mike.

Nagkatitigan kaming mga magkakaklase sa isa't-isa. Syempre.... Sa katahimikan ng lahat ay nabulabog ng pagtunog ng mga telepono nila.

Mga tonta.... Di pala nagpaalam ang dalawa sa kanilang mga magulang. Akala pa naman namin biglang may lalabas na Sadako sa telebisyon. hays.

Natapos ang pelikula at nagpahinga saglit. Yung isa naming kaklase na si Noel, lakas ng trip. Kinuha yung whiteboard sa bahay at gumawa ng sariling ouija board. (Ampota, permanent marker ang ginamit.) Magtatawag daw kami ng espiritu.


Ang mga kups, ayaw gumamit ng piso... So old school daw. Ayaw din ng baso... Naisapelikula na daw yun. Andaming che-che-bureche. Habang pinag-iisipan namin kung anong gagamitin, biglang may bra na lumipad sa whiteboard.

'O ayan ang bra... Try natin ang Spirit of the Bra! Walang sisinghot ng bra ha!'.... Malanding sagot ni Osang (palayaw nia lang kasi anlaki ng dibdib). 

Lahat kami ay naglagay ng aming daliri sa Cup C na bra at nag-umpisa na kaming magdasal at amin na ngang tinawag ang ispiritu.

'Spirit of the bra.... Andito na ba you?' Tanong namin.

Gumalaw ang bra... Akala namin ay pupunta sa yes.... Pero di rin pumunta sa no. Ampucha. Secret daw.

'Spirit of the bra.... are you a boy or girl?' Tanong ng isa naming kasama.

Gumalaw ulit ang bra. Nag-ispell sya....... U-N-K-N-O-W-N

Magtatanong pa sana kami pero nashock ang lahat dahil may lamig na nadama. Ang bintilador ay nakatutok sa ibang parte ng sala kaya naman malaki ang ipinagtataka ng mga tao.

Ibang lamig ang naranasan namin. Pocha! Ang kaklase namin kumuha ng sandamak-mak na yelo pang refill sa pitchel na may coke. Hayup.

Maya-maya ay nagngingisay sa harap namin yung kaklase na may dalang yelo. Di namin alam kung nagtritrip lang sya o ewan. Natatakot na kami dahil hindi pa kami nakaranas ng gantong klaseng eksena na may inaatake ng epilepsi na ewan.

Nakapanood na ako ng gantong eksena noon. Yung tinatawag na posession. Lintik. Totoo pala iyon. Di ako makapaniwala pero kailangan. At ang kasama naming si Pete ay sinasaniban.

Buti na lang at dating sakristan ang dalawa sa mga kasama namin. Binilinan kami na itali muna sa kama si Pete habang kinokontak nila ang kakilalang pari.

Ang ilan sa babaeng kasama na sina Osang, Kathy at Isis ay naiiyak na sa takot. Di nila inakala na ang scary movie night ay talagang magiging scary.

Gantong-ganto yung eksenang napanood ko recently... Yung exorcist ba yun... Basta. Ang sinasaniban ay nasa kama, nakatali ang kamay at paa tapos nasa loob din ng kwarto ang pari.


Nagulat kami habang pinapanood ang mga kaganapan dahil si Pete ay nagbago ang boses. Iba sa nakasanayan naming madinig.

'Just Kiss Me..... And don't you dare fall in love with me.....' Malanding pagkakasabi ni Pete sa Pari.

'What's your name demon! What's your name?' Sigaw ni father habang nagdarasal. Sinusubukan na niyang alamin ang pangalan ng demonyo.

'Ligaya..... Ligaya ang itawag mo sa akin! Yan ang trabaho ko. Nagbibigay ng ligaya' Tugon ng sumanib kay Pete.

'Umalis ka dyan sa katawan ng bata Ligaya!. Itigil mo ang kasamaan mo!' Sigaw ng pari.

'Wala akong ginagawang masama!' tugon ni Ligaya.

'Akala mo lang wala... Pero meron-meron' Lumitanya si Father.

Nagmamatigas ang ispiritong sumanib kay Pete. Matibay. Ayaw magpatalo. Ayaw kumawala sa katawan ng kaibigan naming si Pete. Dalawang minuto na ang nakakalipas.

Kinuha ni Father ang dala niyang bag. Mukang gagamit sya ng bagay upang mataboy ang ispiritu sa katawan.

Nahirapan ata hanapin ni father yung bagay kaya inisa-isa munang alisin ang mga gamit na di niya kakailanganin. Inalis nia sa loob ng bag ang mga gamit tulad ng  Ipad, Xbox, 32' lcd monitor, baseball bat, alarm clock, coffee dispenser, bowling ball and pins, spare tire at refrigerator at saka nia nahanap ang dalang isang sachet ng holy water.

Walang gunting sa kwarto kaya napilitan si Father na kunin ang malaking panggupit ng damo sa bag niya at saka ginupit ang sachet ng Agua Bendita.

Nakikikisay si Pete at pilit kumakawala sa tali. Habang nagdadasal si Father ay wala na kaming magawang magkakaklase kundi kumuha ng bangko at umupo malapit sa pinto at pinapanood ang kakaibang eksena ng exorcism.

Nasa akma na bebendisyunan na ni Father si Pete pero naapektuhan ang pari ng Carpal Tunnel. Nabitawan ang sachet ng holy water.

Nagtatatawa ang may sanib na si Pete. Kita ang bakas ng tuwa na para bang napupunit ang bibig niya papuntang tenga.

'Bitch!' sigaw ni Ligaya.

'Double Bitch!' Sagot ni father!

Lumapit uli sya sa bag at doon ay kinuha ang kanyang secret weapon. Mula sa bag ay tila may binuhat pataas ang pari. Mula sa kamay ay may hawak na buhok na tila sinasabunutan palabas ng bag. Isang batang asul ang tumambad.


'Agua! Umiyak ka at penge ng Agua Bendita!' utos ng pari sa batang nagmula sa kanyang bag.

Lumapit si Agua sa napoposses na si Pete. Pinagmasdan nia ang aming kaklase. 

'Gutay-Gutay na ang katawan nio... Pati kaluluwa nio, gutay-gutay na din'. bigkas ni Agua.

Kasabay nito ay lumuha ang bata dahil binunot ni father ang pilikmata ni Agua. Di lamang luha, may halong dugo ang sumama at iyon ang ipinangbendisyon ni Father.

Nagkikikislot at naglulupasay na parang butiking pasay si Pete. Ng ilang sandali ay bumalik na sa dati ang aming kaklase.

Mag-grou-goup hug na sana kami ng biglang may kumalabit sa aking balikat....


pssst... May call ka! ui... may call ka... sagutin mo na yan.....

At ako ay nagising mula sa pagkakatulog sa trabaho.


end.
-------------------
Ang wento ay imbento lamang at di naganap sa totoong buhay. Ang mga larawan ay kuha sa google search at di ko pagmamay-ari.

O cia, hanggang dito na lang muna. Happy Halloween sa mga pips! TC

15 comments:

  1. produkto na naman ng imahinasyon ni khanto

    ReplyDelete
  2. ibang klaseng kwento ! umeksena si agua! hahahaha

    ReplyDelete
  3. in fairness, hindi ka sabaw ngayon at napagana mo na naman ang matalas mong imagineyshen.

    akala ko si 100 days to heaven yung eksena ng dream mo, dahil nakita ko si anna manalastas na kulay BLUE. lols.

    ReplyDelete
  4. Ang gaganda ng mga post ngayon...isa pa to..galing ako kay bino.

    ReplyDelete
  5. Potek, what a Wonderful Bra! Sana lang hindi magkatotoo.. lol. Daming characters..clap.clap.clap.

    ReplyDelete
  6. Maniniwala na sana ako, tapos biglang nag-disclaim sa dulo. LOL! :D

    ReplyDelete
  7. nakakatakot mag laro ng spirit of the glass. Baka mamaya masamang ispirito pa ang massummon. haha

    hehe mukhang stress na stress sa pagttrabaho ah, ang taba ng utak sa pagiimagine ng mapapanaginipan. :)

    ReplyDelete
  8. @kikomaxx, hehehe

    @spiderham, uu... imagination lang yan :D

    @bino, yep. :p

    ReplyDelete
  9. @taympers, :D

    @SOB, di ako nanood tv lately kaya agua pa ang nasa isip q

    @akoni, ganda yung kay bino

    ReplyDelete
  10. @mitch, heheh, salamat

    @Axl, lols

    @michael, opcors,

    ReplyDelete
  11. @gillboard, hehehe, slight?

    @rah, uu, istresful

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???