Hello There! Kamusta na po kayo? Masyado bang mabilis ang phase ng blog ko? Nahihiraps ba kayo humabs? pasensya na... Kahit alam kong quota na ako sa october ay go lang ng go kasi mahirap pag nagsabaw nanaman ang utak me....
For today, peliks muna padin. Bukas na yung book review-reviewhan.
Liar Game..... Ito ay isang manga turned series sa japan. Ito ay isang gambling game kung saan kailangan madiskarte ka at marunong mag deceive at mag-blindside and things.
Kung sa series ay yung main round or elimination round ng liar game, for the movie medyo naging twisted. and here goes.
Merong 11 players ang napili to play the game. each of the players ay may assigned letters at tanging sila at ang game master lang ang may alam. Meron na silang certain amount of money to bet and play the game.
Ang game ay tinawag na Garden of Eden. Merong 3 klase ng mansanas. Gold, silver at red. Merong 13 rounds. Each round, ang bawat players ay mamimili ng isang mansanas. At the end of each round, itatabulate ang scores at magkakaalaman kung sino ang mananalo ng 1 million yen or mababawasan kung mali ang pusta.
Ang conditions ay ganito:
-Ang majority people or 6 persons na pumili ng same color , mananalo ng 1 million each habang ang minority ay matatalo ng 1 million each.
-Kapag lahat ng players ay nag vote sa iisang color specifically ang Gold/Silver, lahat ay mababawasan ng 1 million.
-Kapag ang lahat ay pumili ng red apples, lahat ay mananalo ng 1 million each
-Kapag may isang pumili ng gold or silver at ang lahat ay pumili ng red, yung person na nag-pick ng gold/silver ay mananalo ng 2 millions habang talo ng 1 million ang matitira.
-Kapag more than 1 ang nag-vote sa gold at silver at more than 1 ang nagvote sa red, Mananalo ng 1 million yung sa gold/silver at talo ng 1 million ang red voters.
-Kung may isang pumili sa red at ang iba ay gold or silver, ang nag-iisang bumoto sa red apple ay mababawasan ng 10 million habang panalo ng 1 million ang iba.
At the end of 13 rounds, ang may pinakamataas na pera ay magkakamit ng bonus na 50 million.
It's a psywar. To trust or not to trust. Ang laro para umusad at yumaman at ang game na hahamon sa paninindigan at tiwala.
Ang movie ay 9.5 para sa akin. Kakaiba. Naaliw me sa twist at turns ng katraydoran at panlilinlang. Bakit di perpek? Wala lungs. Joke. Ewan ko... Asar much lang ako sa bida na tanga-tangahan at minsan ayaw lumaban. lols.
Hinuhunting ko kasalukuyan ang series ng Liar game kasi curious ako sa elimination round ng game. Baka pati yung manga hanapin ko. ahahahaha.
O cia, hanggang dito na lang muna. TC.
E di wag mo nang piliin iyong red apple kung malaki din ang chance na hindi din sila pipili nun, kasi matatalo ka ng limpak-limpak.
ReplyDeleteGosh, ayoko ng laro na ganyan, pangbobo lang ako, mga tipong Jeopardy lang! LOL. :D
ang hilig ng mga hapones sa psywar movies ,,
ReplyDeletenapanood mo na ung battle royal???
teka mas kinabog ako sa bg music mo
almost over you talaga,,,
nakarelate naman ako harhar
walang torrent link? sige na nga...hahanapin ko nalang... tseeee
ReplyDeleteMukhang maganda nga to panuorin. Sana may ma-download ako. :)
ReplyDeletemmmm.. interesting.. gusto kong panoorin ito..lab ko mga japanese movie.. teka na feature mo na ba dito ang Death Note.. :D just asking lang.. :D
ReplyDelete@michael, pero pag red kasi, lahat mananalo ng 1 million. :D
ReplyDelete@unni, di ko pa napapanood yun
@akoni... wala talaga link ang dvd e
@taga-bundok, sana nga sir
ReplyDelete@shy, di ko pa napapanood death note movie