Thursday, October 27, 2011

Praybeyt Benjamin

Attention! Arms forward! Take my command! Give me 20 push ups now! Soldier down! wahahaahha

Wala akong maisip na intro kaya kung anong ka-ek-ekan na lang pinagsasabi ko. lols. Anyway, alam nio na siguro kung anong meron ngayon.... Kung binasa mo ang title dapat may clue ka na kung ano ito... Di pa din?  sige.... It's Movie review-reviewhan time nanaman at ang namesung ng peliks ay 'Praybeyt Benjamin'.


Para sa mga nakakanood ng telebisyon sa pinas at nakakanood ng sine, siguro nakita nio yung trailer ng film. Kung hindi pa, google nio na lang. :D

Stop here.

Kung gusto niong magpatuloy ng review at info, scroll down.... kung ayaw, payn, wag pilitin ang sarili at magcomment na lang ng nice info. more. more. eklat. hahaha. joke lang.

So let's go na sa detalye.

Ang Praybeyt Benjamin peliks ay tungkol sa angkan ng mga matatapang na sundalong na medyo fail. Then comes the generation na puro military pips ang mga kalalakihan sa clan. Doon papasok ang bida na si Vice Ganda. 

Ang ama ni Vice ay aspiring scientist at ayaw niyang maging souja boy kaya itinakwil ng ama o lolo ni Vice. Thus nakaligtas sa pagmimilitar si petrang K.

Amportunetly, may mala-Kubeta este Kudeta na naganap at dinakip ang soldier clan. And ang pinas ay under  some crisis. Kulang ng man power therefore needed to call all the single ladies este mga kalalakihan upang magbigay supporter suporta sa hukbong militar.

Thus ang bida ay nagvolunteer na parang si Mulan upang maging souja. Then mag-uundergo sya ng training with different peops and different persona.

End.

Yang ang nasa trailer. Yan ang wento. Yun na. hahaha. Okay naman yung peliks. Nakakatawa naman. Oks lang. Not great but fair enough. Much better sa peliks na Petrang kabayo noon. Score na 8 will do. So-so.

Bakit? Hinihingan mo me ng ekplanasyones? e kasi ganto yun. If you watched the trailer, mostly nabigay na yung buong detalye ng peliks. Parang wala na yung element of surprise. Saka may times na it's like your just watching showtime. Most of the punch ay slightly nadinig mo na kaya di ka matotodo halakhak.

May lesson naman sa movie kaya nabigyan din ng score. Yeah, probably you will pinpoint na there's something about accepting gay sa society etsetera etcetera but for me one lesson is kamaraderi (ispelengin nio na lang sa ingles para tama ispeling). 

Kung movie critic ka ay baka lait-laitin mo me for giving such statement pero that's what i feel e. Kanya-kanyang trip yan. Gawa ka review mo tas bigay mo score. hahaha.

For people na napapagod at stressed at frustrated, oks tong peliks para mabawasan ang mga bad vibes sa katawan. :D

O cia, hanggang dito na lang muna. TC.

11 comments:

  1. Not great but fair enough. Ayos. :)

    ReplyDelete
  2. ay ganun ba? kala ko pa naman may ibang something pa ang movie...antay nalang ako ng piratang debede..hehehe

    ReplyDelete
  3. d naman ako ganun ka na excite sa movie. feel ko lang na may pagkacorny ng movies. noh?

    ReplyDelete
  4. dahil "so so" lang ang rating mo. aantayin ko nalang sa cinema one, or antay nalang ako ng pirata neto. mejo hindi din kasi ako fan ni vice ganda eh. :) THanks sa review.

    ReplyDelete
  5. so so na ang 8?

    pinag-iisipan ko pa kung yan o in time ang panuorin ko.

    ReplyDelete
  6. masmaganda pa rin yung petrang kabayo ni roderick noon than kay vice

    antayin ko na lang to sa dvd

    ReplyDelete
  7. wow.. you gave me an idea tungkol sa movie na ito na pinag-iisipan kong panoorin sa sine.. dahil sa review mo.. maghihintay na lang ako na maipalabas sya sa TV next year.. hahahah

    ReplyDelete
  8. di ko muna binasa at di ko pa napapanood hehehe

    ReplyDelete
  9. may pagka Mulan ang concept ng movie na 'to....^_^

    ReplyDelete
  10. Not recommended for hardcore movie critics. This is not the type of film that must be taken seriously.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???