Monday, October 10, 2011

Singapore-Lah EB Night and Last Day

Alam ko nabitin kayo sa last post. Pasensya... Masyado ng mahaba ang post na yun dahil sa mga jampak na pics ng kung anik-anik lang. So this is the karugs ng wento.

San ba tayo huminto last time? Ah, right, ayun, nung nasa Lucky Plaza at nakapag internet ako at nakapag chwirrer. Dito ay online sina Sir Gasul at Sir Bulakbulero. Nagtweet sila na magpakita ako. Hala. Nahiya me. Lumabas ang 40% ng hiya ko at di ako makasagot kung magpapakits me o hindi.

Oo, ako na ang taong puno ng hiya. Di naman ako pinaglihi sa makahiya pero puno ako ng hiya sa life. Nagdadalawang isip ako makipag-meet pero nag-decide akong magpakita. Bakit? Bakit ako aasta na paimportante e isa lang naman me na low blogger. Another reason ay ankapal ng muks ko maghihingi ng tulong at magtatatanung kila gasul at bulakbulero tapos di ako magpapakits? So ginather ko ang lakas ng loob at magparamdam.

Saktong uwian na ata noon ni sir Gasul (Alex sa toong buhay) at siya ay napadpad din sa Lucky Plaza. Doon ko unang nameet ang isa sa known blogger ng SG. 

I-totour sana ako ni sir Gasul sa iba pang lugar doon na malapit sa Lucky Plaza kaso nga lang, kelangan ko na meet ang kapams ko doon sa meeting place. So nag-decide na lang na magkikits nalang somewhere near Mustafa para magkape sana. Buti na lang at nakapagpa-roam ang ate ko at iyung number nia ang binigay para makapag-communicate later pag magmemeet-up.

Mga bandang 8 ng makareceive me ng text na i-meet ko sila sir Gasul at Sir Bulakbulero sa isang station na malapit sa current hotel na tinutuluyan namin. Nagtanung me ng dereksyon sa indian sa lobby ng hotel, at binigay nia naman ang way paano makadating sa paroroonan ko. 

Sa MRT station ko unang nakita in person si Sir Bulakbulero. Wow. Ang mga bigating blog celebrity kaharap ko pes to pes. :D After ilang minuto, may isa pang SG blogger ang aking na-meet, sya si Sir Jojo (judge sya sa contest ni Bulakbulero :D).

Nitanung ako kung kumain na ako, ang sagot ko hindi. Ayun.... Naghanap kami ng makakainan. Lakad dito. Lakad doon. wooops. Lakad ulit. At lakad pa.... At lakad. Ahahaha. Madaming lakaran kaming nagawa kahahanap ng makakainan. Buti at sanay me sa alay lakad at kaya ng binti ko. Wahahaha. Ang naging problem lang, pag naglalakad me, aba, para akong ginigisa at lumalabas mantiks sa katawan. Kahiya much sa mga SG bloggers.

Nakadating kami sa isang Indian resto at dun kami kumain. Weheheeh. Nakalibre me ng food kasi sinagot ito ni sir gasul. (tenks). Dito ay natry ko kumain nung mga food with curryness plebor. Dito din nagkaroon ng mga maliliit na question and answer. (di talaga ako masalitang tao pag nahihiya pa me kaya pasensya na po. :D).

Dahil sa hiya din, di ko nailabas ang dala kong gigicam para makakuha ng souvenir pics. Ako na ang taong makahiya. Sorry. 

After ng nakakabusog na meal, may hahabol pang isang maganda at bubbly (hindi po yung term na mabula) female sg blogger; Si Ms. Leona (tama ba ang name? Baka mapaslang ako pag mali....). Sa Mcdo kami tumambay kasi sarado na ang mga kapehan sa area. 

 Pics ay hiningi ko kay sir Gasul :D
Mukang haggard look lang ako, ahahaha
(Bulakbulero yung nasa top pic, Si Jojo and Gasul sa gitna at si Leona sa last pic)

Dito sa Mcdo kami ay nagpetiks at nagwentuhan at kumain ng fries :p (haktwali sila ang taya sa kwento kasi tahimik lang ako. Parang fan na na-starstruck sa mga artista). Dito ay may mga nalaman me na kung ano-ano katulad ng mga status ng mga bloggers like si Gasul pala ang presidente ng sg group. Si Bulakbulero pala ay isa sa may kakaibang level ng richness. Si sir Jojo pala aware sa mga showbiz happenings at may natutunan akong term kay Ms. Leona na new word; ang "Sometimes". Dito din sa mcdo nakisawsaw me sa mini pulong nila about sa nalalapit na exchange gift nila (isang one-time big-time ba o ilang weeks ng exchange gift starting october).

Di ka mabobored kapag kasama mo ang mga taong to. :D Kung hihingi kayo ng description, heto sila:

Si Gasul ay parang si Optimus Prime. Sya ang head at ang mga words nia ay ang kadalasan masusunod (based sa observation at pagkakadescribe ng mga kasama nia.). Mabait at maasikaso. :D 

Si Bulakbulero ay parang si Hanamichi Sakuragi. Sa umpisa ay may parang angas sa unang tingin pero once na nagsalita sya, mararamdaman mo ang warmth at kabaitan nia. 

Si Jojo naman ay parang Dylan Mikagami ng Flame of Recca. Medyo tahimik pero alam mong andami nyang knowledge na alam. Mabait din sya. (oo, lahat sila mabait. Common denominator nila yun).

Si Leona naman ay parang She-Ra. :D Kalog, masayahin, makwento tapos sabi nila english daw magblog si Leona, sakto, hindi naman kasi nadub sa tagalog ang She-ra. :D 

Overall, masaya ako at di ako nagpapampam na hindi magpakita. Ansaya ng araw na iyon, 2nd EB na nadaluhan ko at just like the first time, i feel like no stranger :D

Past 1am na ng magdecide na kaming magsi-uwian. Inihatid pa nga nila me pabalik ng hotel :D hehehe.

***********************************************************

Last Day:

Nothing much na ang naganap sa last day. Almusal lang sa nearest na bukas na kainan at nag-mall sa Mustafa area. Doon ako ay napilitang bumili ng polo shirt (demanding kasi mga pips na tigilan ko na daw ang tshirt). No choice ako kundi sundin na lang sila para wala ng pagtatalo. Binilan ko sarili ko ng 3 polo shirt para matahimik na ang mga nangengelam ng japorms ko.





12 noon ng mag-check out kami sa hotel at diretso na kami sa Airport kahit 4pm pa yung flight namin. Syempre, taxi na din ginawa namin dahil sa bigat ng mga dala.

Sa Mcdo na lang kami nag-lunch at sa airport sinimut ang mga natitirang SG dollars. Dito ko din sinulit ang pagpesbuk at pag twitter kasi free net sa airport. ahahaha. 












Nakabalik kami ng Clark pampanga around 8:30pm at nag vengabus pabalik ng manila around 9. Pagsapit ng 12, nasa house na kami at bagsak ang mga tao habang ako ay nag-catch up sa mga emails, pesbuk updates at chwirrer. :D

At dito na po nagtatapos ang mahabang kwento tungkol sa SG adventure. Pasensya na kung mahabs.

Hanggang dito na lang, TC! Back to reviews ng peliks kung may chance at di pa sabaw ang utak :D

25 comments:

  1. wow, ang lufet ng SG experience mo with the sikat na bloggers. kung ako siguro rin, sobrang mahihiya kapag na-meet ko sila. sa totoo lang, gusto kong ma-meet ng ibang mga katulad natin at katulad mo kaso mahiyain din ako sa personal. hehehe.

    ang ganda ng tee mo. pa-arbor sa susunod! \m/

    ReplyDelete
  2. sa akin ka makipagmeet NoBenta, ibebenta kita or ibenta mo ko para MayBenta..JOKE!!hehe..apir lang pare.

    nway, haba nito..sa office ko na babasahin, para naman may pagkaabalahan don..LOLOLOL

    ReplyDelete
  3. nice!!!! nameet mo na ang mga mayayamang bloggers ng SG. heheheh. tayo naman ang magmeet next time hehehe

    ReplyDelete
  4. nasa SG ka pala, buti naman may nameet ka jan na blogger, may mamemeet din sana ako dto kaya lang busy ang dalaga na yon haha! itago natin sa name na kamil.. hahahaha mei love you pa rin..

    ReplyDelete
  5. Level up ang EB mo khants. Hehe! Sana ma-experience ko din ang Singapore hehehe

    ReplyDelete
  6. i know this place naalala ko tuloy eto. ok yun experience sa EB. gudluck pre

    ReplyDelete
  7. Ampogi naman nung blogger na naka-hat. Sino ba 'yun? LOL!

    ReplyDelete
  8. naknampootah. di ako makakapayag na si alex lang yung nanlibre sayo dun sa indian resto. nagbigay din ako ng pera dun ah. kainaman.

    ano nga pala yung ibig sabihin dun sa warmth na description mo sakin? english kase. haha. at paborito ko si saguragi. salamat naman. \m/

    at higit sa lahat. dami kong tawa sa madaming lakad. haha.

    ReplyDelete
  9. na-meet ko rin ang mga Sg bloggers except kay bulakbolero..

    at certified na mababait silang lahat at very accomodating.

    PS: sobrang love ko sa kanila si Leona. hehe.

    ReplyDelete
  10. lufeeet naman! buti ka pa daming nameet na magagaling na bloggers! mga idolo talaga!

    ReplyDelete
  11. hahaha kayo na ang nasa singapore. hahaha

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  12. Gelow tumaas ang balahibo ko habang binabasa ko ang post mo na ito, sana ako mameet ko rin sila wehehe, so far, ikaw, si mapanuri, jeff was here na ngaun, spiderham at mga opesmeyts palang natin ang kilala kong blogger. Turuan mo na nga ako makipagkaibigan sa mga blogger napakaloser ko lang. At ikaw na ang nakapagSG toinks! Tenks pala sa key chain at chocolate na me mango natikman ko kahit nag-iisa galing ke mama he from you with love :-D.

    ReplyDelete
  13. ikaw napala hari ng mga EB kasi hanggang sa Sg me eb ka parin.nameet mo na sila gasdude.ako never pa.ang ilap.ikaw na!!hahaha.

    oi---gusto ko yang LAH shirt na yan.ang weird no.sakay ka ng taxi----bawat sagot sayo me ""lah"" hahaha

    ReplyDelete
  14. grabe gelo di ka parin umuuwi.. hehehe

    ReplyDelete
  15. naks ang gwapo ko naman. Dylan Mikagami? hahahaha. Tahimik pero Matikik ba?

    Me bago na kong tawag kay Narda. She-ra na! hahah

    ReplyDelete
  16. Mga bigtime bloggers pala nameet mo eh!

    ReplyDelete
  17. @Nobenta, dapat pala bumili ako extra tee tapos pa-contest mo

    @akoni, hahahaha, di ka nakipagmeet nung umuwi ka :p

    @bino, hahaha, honga, sayang talaga yung iBall

    ReplyDelete
  18. @mommyrazz, san ba you nagbakasyones? tagal mo wala online

    @empi, hahahah, eb abroadness.. maeexperience mo din yan

    @palakanton, thanks sir :D

    ReplyDelete
  19. @gasul, yung nakahat? si optimus. hahahah

    @bulakbulero, ahaha, update ko... sorry naman. :D
    lols, yung warmth is parang accomodating. :D

    @SOB, tama ka! mabait sila at accomodating :D

    ReplyDelete
  20. @ka-swak, di ko pa namemeet ang mga famous blogger ng pinas. :D eheheh.

    @kikilabotz, hehehe, punta ka na din sg :D

    @kalongkong, buti inabutan mo. bloghop ka lang at makipag ex-links, may mga magiging friends ka din

    ReplyDelete
  21. @pusangkalye, hahaha, 2x pa lang naman me napasabak sa EB. at tama, may lah talaga sa dulo lagi mga taxi drivers

    @kikomaxxx, nakauwi na ako, nu ka ba :p

    @lakwatsero, hahaha, she-ra si Leona :D

    ReplyDelete
  22. @gelntot, yep... mga rich bloggers pa yan :p hahaha

    ReplyDelete
  23. kakaingit naman ang mga ganitong kwento.

    ReplyDelete
  24. bilang late bloomer akong sadya.. ngayon lang ako magko-comment. it was nice meeting you Gelo! :) sana kasing vavavoom ko din si She-ra sa true to life! weee! alam na kung sino ang may "sometimes" haha!

    ReplyDelete
  25. @diamonr, hehehe, eb na sir

    @leona, hahaha.... nice meeting you din :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???