Tuesday, October 18, 2011

Katatakutan!

Awooo! Wrar! Wrar! Awoooo! Ngyar! Ngyar!

Busy na ang mga tao sa opisina namin na mag decorate ng floor para sa nalalapit na Halloween party. Ang theme for this year ay Animal characters cheverlins. So maaring makakita ng kung fu panda, garfield at kung ano pang may relate sa kahayupan. 

Pero usually diba dapat pag halloween party ay mga anik-anik na may kinalaman sa kilabot (hindi yung blogger na si kikilabotz) at katatakutan. So para sa post na ito, eto ang listahan ng mga common designs na magkikita kapag sasapit ang halloween with the main theme scary/spooky eklat.

1. Spiders at Spiderwebs- Supot Sapot na malapot. Ang bahay ng mga gagambang ekis o mga gagambang ipinansasabong ang isa sa common halloween design. Eto ay sumisimbulo na spookiness lalo na pag gusto mong palabasin na walang naninirahan sa place at possibleng pinamumugaran ng mga nag-tanan na multo at ispirito ang bahay. The bigger the web, the better. Kaya kailangan ng tulong kina spiderman, venom, Gagamboy at Gagambino. Isama mo na si Gagambala. lols.


2. Bats- Nanananananananana-Batman! Eto na ang mga minions ng dark knight na si Batman. Etong mga hayups na bulag at umaasa sa mga ultrasonic waves para makalipad ay isa din sa common thingy na makikita kapag halloween. Same thing sa gagamba, pag may paniki... it means na abandonado na ang place. Atchaka related din kay count Drakula ang mga paniks. Pano kaya kung mukha ni batman ang idisplay?


3. Bones and Skulls- Buto buto sa langit, tamaan wag magalit. Ang mga kalansay at bungo ay pasok na pasok sa listahan. Sino ba naman di matatakots sa lugar na alam mong pinaglibingan ng mga ginahasang gansa o kaya naman pinatay na mga kambing. joke. Basta may bungo o buto.... tyak.... tuloy ang spooky partey!


4. Pumpkins- Ang kalabasa.... pampalinaw ng mata. Kasama din sa halloween designs ang mga kalabasang may ukit. Eto daw ay yung mga Jakol Lanterns Jack-O-Lantern. Mga kinurbahang kalabasa na magmukhang may mukha. Ewan ko, ayaw nilang gawin nalang juice o pie ang kalabash at kailangan pang ipangdesenyo :p.


5. Ghost- Ang kalabs ng mga ghostbusters. Ang mga mumu or multo ay dehins naeeliminate sa listahan ng spooky designs. Syemps.... Sinong hindi maninindig ang bubulahibo kung makakakits ng ghoghogho....ghost! Basta may floating white sheet na may eye holes ay pweydey na magrepresent sa mults.


Yan lamang ang ilan sa common designs na makikits sa mga place na nagdedecorate at nagpreprepare for halloween. 

Nako....... mas nakakatakot kapag makita mo or makatabi mo ang mga bagay tulad ng diaper na puno ng jerby, tinapon na madugong whisper at credit card statement. lols.

O cia, hanggang dito na lang muna. :D

9 comments:

  1. Awoooo.... kadiri naman yong madugong whisper.

    ReplyDelete
  2. skeletons pa rin ang bongga. hindi nakakasawang tingnan at di rin naman sya nakakatakot.

    ReplyDelete
  3. pinaka-nakakatakot para saken yung credit card statement. bwahahahahahahaha!!

    yung tipong 20,000 lagi ang minimum amount due per month. ganyan nangyayari saken lately.. 3 months na. kaya malapit na mey magbigti!! :))

    ReplyDelete
  4. ayus di pa talaga ako nakaranas ng ganyang party

    ReplyDelete
  5. tagal ko nang walang formal work so walang mga Halloween Hallowen party na yan. Yan pamandin mga bagay sakin. no need na mag-costume scary na kagad ang face.hahaha

    ReplyDelete
  6. @empi, uu, kadirdir

    @ka-swak- may point ka :D

    @suplado, shemay, katakot nga

    ReplyDelete
  7. @kikomaxx, malay mo maranasan mo din

    @pusangK, lols.... :D

    ReplyDelete
  8. natawa ako sa comment ni SOB, mas nakakatakot nga yown..wahahaha

    si madame auring na naka two piece..eee! creepy!

    so ano costume mo khanto?

    ReplyDelete
  9. dapat may doppleganger din, kasi dito sa bahay meron. hehehe. pramis

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???