Saksi ang ulan. Siya ang nakakaalam ng mga mahahalagang detalye ng buhay ko. Siya ang kasama ko sa bawat lungkot, saya, galit, lumbay at pagsubok sa buhay.
Tanda ko pa noong bata pa ako. Ang pag-ulan ang inaabangan naming magkakabarkada. Basta't dumilim na ang kalangitan at unti-unti ng pumatak ang tubig ay handa na kaming magsaya at magtakbuhan sa kalsada. Alam namin na madami kaming pwedeng laruin kapag umuulan. Masayang magpakabasa noong kabataan ko.
Nang ako ay naguumpisang lumaki at sa aking pagtuntong sa pagbibinata, ang ulan din ang nakasama ko. Pinagalitan ako ng aking ama dahil di ko daw sinusunod ang mga utos niya. Sa mga panahong iyon, akala ko'y ako ang laging tama. Umalis ako ng bahay at naglayas. Sa gitna ng ulan ko pinilit pahupain ang galit ko. Ang butil ng tubig ang tumulong sa akin na malaman ang aking kamalian.
Ang ulan ang nakarinig ng una kong pag-iyak ng dahil sa pag-ibig. Umuulan habang iniisa-isa ng babaeng mahal ko ang kapintasan na nakikita niya sa akin. Habang nadudurog ang puso ko ay siya namang lakas ng pagbuhos ng ulan na nagtatanggal ng mga luha sa mata.
Ang malakas na ulan ang tanging nakakaalam ng sikretong ligayang naganap. Sa kasagsagan ng malakas na ulan sa probinsya, ako kasama ng aking kababatang itago na lang sa pangalang Lily. Pareho kaming basang-basa sa ulan at parehong giniginaw. Sa silong ng puno ng mangga naganap ang unang karanasan sa pagpapaligaya.
Sa gitna naman ng bagyo ako nagkaroon ng pagsubok. Kailangang isugod ng aking napangasawa sa ospital. Pumutok na ang panubigan niya at malapit na daw niyang isilang ang aming magiging anak. Walang masakyan kaya pinilit kong buhatin ang asawa at nagmamakaawa sa dumarating na sasakyan na tulungan kami.
Akala ko yun lang ang pagsubok na madadanasan ko kasama ng ulan. Mali pala ako. Kasabay ng malakas na kulog ay siya naman palang pagbawi ng buhay ng aking mahal na asawa. Kasabay ng kanyang huling paghinga ay ang pag-iyak ng aming munting anghel. Buhay ang kapalit ng isang buhay.
Hindi ko lubos maisip na ang ulan din pala ang makakakita ng aking pamamaalam sa aking anak. Sa madulas na daanan, kasabay ng pagsalpok ng sinasakyan sa isang malaking puno; aking niyakap at prinotektahan ang anak ko. Sumasama sa patak ng tubig ulan ang dugong unti-unting kumakawala sa aking katawan. Kasabay nito ang huling halik ng isang ama sa anak.
------------------------------------------------------------------------------------------
Ang kwento sa itaas ay aking gawa para sa The Ka-blogs Journal (spetember-october edition)
------------------------------------------------------------------------------------------
Ang kwento sa itaas ay aking gawa para sa The Ka-blogs Journal (spetember-october edition)
Tengena, akala ko nagpapaka-emo ka na sa buhay, sasamahan pa naman sana kitang maglaslas ng pulso ... LOL! :D
ReplyDeletesusme akala ko naman kung ano na...hehehe
ReplyDeletegutom lang yan, ikain na!! :D
sad naman namatay ba siya? kung nakakapag blog lang siguro yang ulan na yan. Malang marami siyang entries :)
ReplyDeleteAng daming nangyayari pala pag ulan no? Hehe
ReplyDeletekaya pala makabagbag damdamin eh pang kablogs pala :)
ReplyDeletenalungkot naman ako sa ending... :(
ReplyDeletepero maganda ang post mo po! :)
salamats sa mga dumalaws. :D
ReplyDelete