Monday, October 3, 2011

SG Adventure: Universal Studios

Hello! How are you all? Hope maganda ang naging weekends ninyo. So sa mga nabitin kahaps sa wento ng singapore adventure, heto na pows ang karugs ng lakwatsa.

Natapos ang last post ko kahaps about sa pagpapaictures sa mga kung-anong characters sa loob ng Universal Studios. For this time, ililibot ko kayo sa different zones ng Universal. Taralets bagets!

Note: Long post to na madaming pics. Pasensya naman.... :D

Heto ang mga unang larawan na napicturan ko pagpasok na pagpasok ko pa lang ng Universal Studios.


 Kelangan may map, baka maligaw :p






Ang unang Zone ay ang Holliwood Zone. Ewan ko, di ko masyado napansin ang zone na to at akala ko part lang to ng New York Zone. wahahaha. For me ang distinct part na Holliwood Zone ay yung Holliwood shop.






feelingerong direktor ng indie pilm!

Next stop ay ang New York Zone. As i mentioned, parang sem-sem lang ang dalawa, yung tipong designs ng mga place ay parang nasa US ka with old designs and stuff.





 May pizza kaya sa loob?




Next stop ay ang Sci-Fi zone. Dito ako napilitang sumakay ng iskeri at makapigil puso at hiningang ride. Grabe, yung Cyclon na ride! Nakapikit me during the entire ride at nagdarasal na sana matapos na. bwahahaha. Kung nakakatakot na ang space shuttle ride ng EK, shemay, mas nakakagulantang tong Cyclon. Kahit nakapikit na ako ay ramdam ng big body ko yung twist and turns and flips ng hinayupak na ride.

Dalawa yung rollercoaster sa Sci-fi pero buti na lang isa lang ni-try! Baka atakihin me sa heart ng wala sa oras! Yung blue colored tracks yung Cyclon while yung red yung Human ride na mas mabilis ang takbo at flips.



 Ang hyper ride!



After ng nakakahilong punyemas na ride sa Sci-fi zone, napadpad naman kami sa Ancient Egypt. Dito syempre may designs ng mga anik-anik na may relate sa ehipto. Ang ride na sinakyan namin dito ay yung 'Revenge of the Mummies'. Akala ko normal train ride lang tapos may mananakot at manggugulat lang... Demn.... Another rollercoaster ride. Atake much sa heart. pikit mode on!









Btw, yung sa mga rides, bawal yung may bag at hand carry kaya dapat may maiiwang tagabantay or pede kayo magrent ng locker dun. May free lockers pero 15 mins. lang ata or 30 mins. tapos umistrategy na lang kayo na kunin ang gamit tapos lipat ng ibang lockers. Daanin sa para-paraan.

Nagugutoms na kami kaya naman sa isang restau/ food place sa tapat ng Lost World kami kumain. Dito ang meal ay nasa $10. No choice kaya bumili na kami ng food.

 Dino bones sa kainan



After malagyan ng laman ang sikmurang kumakalam, next stop namin ay sa Lost World. Ito ang area ng mga dinosaur. May rollercoaster ride nanaman dito at buti pagod na yung mga kasama ko. Jampack din ang pila balde dun sa Jurassic Park Rapids adventure at sa canopy Flyer kaya naman nag sight seeing na lang kami.




Matapos ang paglakbay sa mundo ng mga dinosaur... Tara na sa Far Far Away zone! yahoooo!!! Shrek fanatics, eto naman ang sa inyo. Makikita ang palasyo ng Far Far Away kingdom. Makikita ang shop ni Fairygod mother. Dito din matritry ang masayang Shrek 4-D adventure. Dito ay mafefeel mo ang adventure ni shrek. :D




Sa tapat ng bahay ni Shrek
Last stop ay ang area ng mga zoo animals.... Ang Madagascar.... I like to move it move it! Ang ride na sinakyan namin ay ang Madagascar Crate adventure which is a normal boat ride lang at makikita sa ride yung mga zooanimals. Sa area na pala ito ay may nakita kaming artista..... Ehra!





 ganda niya!

Wowowee pose????

After nito, back to Holliwood Area na ulits. Napadaan pala kami sa candy area at nagpicture ng kung ano-anong anik-anik.





Gusto mo bang mag Chupa Chups? lols

At dyan po nagtatapos ang nakakapagod pero enjoy na araw ko sa Universal Studios. Nawa ay nag-enjoy din kayo sa larawan na ibinahagi ko. Sensya na basta-basta shots :D

Masyado ng mahaba ito kaya hanggang dito na lang muna. Break muna sa SG at baka movie review naman sa next post. O cia, TC!

10 comments:

  1. Nag stop over kami on pa Dubai sa Singapore. Fortunately, grand opening ng Universal Studio ng Mag Sentosa. Kaso sa dami ng tao hindi na kami nakapasok. Babalikan ko yan. Yahooo...!!

    ReplyDelete
  2. gusto ko na tuloy pumunta dyan kaso next year na lang. hehehe di na kaya ng leaves at bulsa hahaha

    ReplyDelete
  3. Gustong gusto ko yung Trophy Oscars na Oscars ah.. Would love to have that "Best Lover award.."hahahaha

    ReplyDelete
  4. Sino iyong babae, khanto? Akala ko si Ehra ... LOL! :D

    ReplyDelete
  5. Sana yan na ang next destination ko. Ipon ipon muna.

    ReplyDelete
  6. @master, balik ka sir, masaya sa loob ng universal studios :D

    @bino, sana makapunta ka bino :D

    @tim, hahaha, uu, may ganung award nga

    ReplyDelete
  7. @orange, thanks

    @michael, si ehra nga yun

    @glentot, ipon ka tas itotour ka nila jepoy :D

    ReplyDelete
  8. bonus! si ehra ba yun kapatid ni michelle? ganda xa.

    ReplyDelete
  9. @nieco, uu, yung kapatid ni michelle

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???