Sunday, October 9, 2011

Singapore-Lah 3D (3rd Day)

Hello..... Is it me your looking for...... lols. Kamusta na po keyo? Hahahah. Nararamdaman ko nanaman na nagiging sabaw ang brain ko kaya bago pa tuluyang mag-sabaw-sabaw day at bago ako tamaan ng lecheng katamaran ay dapat matapos na ang SG adventure.

Na-F as in Fressure naman me sa comment ni sir Gasul kasi naghahantay pala sya ng istorya about dun sa SG blogger Meet. Sensya na sir... Ayaan mo, darating din dun. Mga isang tambling na lang. ahahaha.

Oks, since alam ko na nadedma nio yung previous post.... baka gusto nio lang mag-backread. Heto ang mga links. (wag na lang, nitatamad me maglagay ng link.... dinedma nio kasi. lols)

Okay, start na. Day 3 ay ang last day namin dun sa Festive Hotel sa may Sentosa. 12 ang checkout time so sinulit muna namin ang umaga to swim sa pool area. Hilig ko ang maglalalangoy sa swimming pool kaya inenjoy ko ito.

Picture note: Ang mga larawan na medyo bright at kasama ako ay malamang sa alamang ay gamit ang camera ng ate ko at style nia ng pag-edit while ang mga pics na medyo dark at saturated, sa camera at editing ko yun. (nagpapaliwanag lang)










 Payat ako sa pic na to. Ayos :D



Matapos ang magbabad sa malamig na tubig. Nag-empake na kami ng gamit para maghanda para lumipat ng hotel. Pero bago umalis, kumain muna kami kasi tomjones na ang mga tao. Kami ay kumain sa Toast Box. 






 Eto yung kinain ko (hindi lahat ng nasa pic)




Bago pa lumarga, syempre, kailangan sulitin na at nagpapic ng kung anong anik-anik. Typical cam whore. lols






Around 12:30pm, taxi mode papunta sa new destination, Mustafa. Around 12-14 sg dollars ata (unsure). Medyo trapik sa area na to at nagkanda-ligaw pa kami ng slight kasi yung name ng hotel na alam ng ate ko ay old hotel name. Pero syempre, makikita at makikita din. 


Note: Walang picture ng rooms at anik-anik sa hotel dahil di ko feel. Ayoko namang maging bad vibes so yung karatula lang pinikturan ko.

Nag-check in kami at naghandang pumunta dun sa Merlion Park.Iniwan lang namin ang bagahe sa room at ready to go na. Dito pahirapan makahanap ng taxi. Nakasakay na kami while yung kamag-anak namin medyo nahirapan at due to some health prob, di sila nakasama kasi masama ang pakiramdam ng isa. Naiwan na lang sila dun sa Mustafa area habang kami ay nag-gogogo. The tour must go on.

Dumating kami sa Merlion Park around 2pm. Tanghaling tapat. It's hot at tirik na tirik ang araw. Syempre, ang ginawa sa park ay kumuha ng larawan ang magpapic. Note, mas maigi kung wala kang kasamang kapatid na adik sa picture. Mahirap kumuha ng pics ng paulit-ulit sa init ng araw. lols.



 Oo, mahangin sa labas.... wata hair! :D











Bago umalis sa Merlion Park, dahil sa init ng panahon, kailangan magpahinga at uminom ng palamig. Nag-kape muna sa kapehan na kamag-anak ng merlion. hahaha. Mahal ang kape... Over. nung kinumpyut ko, ang tall Frap ay katumbas na halos ng Venti Frap sa pinas. >(00.)< buti na lang hindi ko pera ang ginamit. bwahahaha.





Ay.... malapit din pala dito yung pinagdausan ng Formula 1. Kaya naman kahit di kami pumasok sa loob, pilingerong nagpapic sa labas. :D





Matapos ang medyo hot-hot noon sa Merlion Park, nagpunta na kami sa Chinatown para makapamili ng pasalubs. Pagkababa ng taxi, may templo na makikita, kaya naman kumuha ako ng ilang pics.






At heto naman ang ilan sa nakuhaan kong anik-anik walkway ng chinatown. By the way, dito ay makakabili ng mga souvenir items like keychains, picture holders, snow globes, hand puppets, ref. magnet at mga shirts. May mga kanya-kanyang promo ang mga stores like 3 for 10 sg dollars atbp. Matutong mag-matsag ang tumingin ng mga good buys. :D

 Ang kyut nitong Merpanda... kaso walang stufftoy na ganto mismo





After makapamili dito, next stop ay ang Lucky Plaza. Something like tutuban mall or greenhills siguro na mukang place for pinoys. Hahaha. Para akong nasa pinas kasi bawat tao atang nakita ko, nagtatagalogs. Ayos. Walang inglisan kaya oks na oks.
Habang nagshoshop at naglilibot ang mga kasama ko, dito ako nagkaroon ng chance na makapag-internet. 3 sg dollars per hour. Dito nagkandarapa me sa pag-isip ng password ko sa chwirrer at gmail. lols. nagka-amnesia me at reset password pinaggagagawa ko. 

Dito ako nakapagtweet at sakto naman online sila sir Gasul at Sir Bulakbulero. Ahahaha. Nag-aaaya sila ng meet-up. 

Ano ang aking ginawa? Abangan. lols. Bibitinin muna kayo kasi uber haba na ng post na to at baka kasuklaman nio na ako sa pagpopost ng kung ano-anong pic. ahahah. Sensya, walang picasa sa opis kaya di ko magawang collage ang larawans. 

Habangan bukas ang wento sa naganap na meetup at ang last day wento sa sg.

O cia, hanggang dito na lang. TC!

14 comments:

  1. Ang sarap siguro umihi sa swimming pool na 'yan...ayyiii kakakilig lang..

    ReplyDelete
  2. i like the song... :)

    will be in SG next week, kaya super follow ako sa blog mo Kuya... ^_^

    ReplyDelete
  3. ang daming photos! may hunk dun sa swimming pool hehehe.

    ReplyDelete
  4. Special mention talaga ako? LOL! Hindi lang ako ang naghihintay hahaha!

    ReplyDelete
  5. wooow... todo lakwatsa. nainggit ako.. haha. ang ganda ng SG!

    ReplyDelete
  6. wow, mukhang chilax na chilax ka bro ah :D

    I missed happy capsul. Sana naka swimming din siya. :)

    ReplyDelete
  7. Nagchocolate shopping ba kayo sa Mustafa Centre? :)

    ReplyDelete
  8. nasa singapore ka parin hanggang ngayon tol? grabe.. hehehe

    ReplyDelete
  9. @akoni, hahaha, talagang pag-ihi nasa isip?

    @annetotz, thanks

    @bino, lols, di ako nagmukang mataba sa tubig

    ReplyDelete
  10. @gasul, ahahaha, uu, special participation

    @leah, ganda nga sa SG

    @rah, di ko sya nailabas sa bag para maglakwatsa

    ReplyDelete
  11. @marxtermind, di ako nakabili chocolates

    @kikomaxxx, andito na me. ano ke beng

    ReplyDelete
  12. gusto kong makasakay dun sa malaking ferris wheel

    ReplyDelete
  13. @nobenta, ako din kaso mukang mahal entry

    ReplyDelete
  14. ay labet! gusto kong makita ang merlion in person. next tattoo ko yan. eheheh

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???