Wednesday, October 19, 2011

Dear Galileo

Sawadee Ka! :D Kamusta na kayo? Masyado bang mabilis ang pacing ng blog post ko? Sensya na.... Masyado lang ako excited magkwekwento ng kung ano-ano atsaka pantanggal stress at pantanggal ng bad vibes na din to para sa akin.

Well anyway, for today, babalik tayo sa review-reviewhan mode. Oo, balik peliks tayo. :D

Note: Ang mga review-reviewhan ko po ay sariling opinyon lamang po. Kung sakaling triny ninyo at di ninyo nagustuhan, wala po akong pananagutan. Baka masyado lang mababaw ako while watching kaya na-enjoy ko. hahaha.

Simulan na:


Ang pamagat ng peliks ay Dear Galileo. (Oo, Dear Galileo, at hindi Dear John.) Eto ay isang Thai film. Ang genre ay hindi horror. Hindi rin sya comedy. Lalong Hindi action. Medyo light drama lang. Hindi heavy crying and shiziness.

Ang peliks ay tungkol sa dalawang babae (woooops, hindi po lesbian film). Ang isa ay kaka-break lang sa jowanger-z habang ang isa ay Bumagsak sa iskul dahil nag-forge ng pirma ng propesor. Silang dalawa ay nagbalak na maglakbay sa Europe to try their luck and to escape from the problem na kanilang hinaharap.

Ang dalawa ay maglalakbay sa London, Paris at Rome. Nangako sila na kailan man ay di sila maghihiwalay pero syemps, mayroon at mayroong struggles na darating at mang-uuga ng friendship nila.


The movie is okay. Medyo slow ang pace pero okay lang. It shows na hindi porket nag-wowork ka sa ibang bansa ay magiging maganda na ang buhay. It also shows something na hindi mo pa tuluyan makikilala ang isang tao hanggat di pa kayo nagkakasama sa iisang bubong.

Rating will be around 7.5 to 8. Basta naglalaro dyan sa scores na yan.

Edit:

Nitanong ni sir Diamond kung sino si Galileo.... Sya po yung scientist ata na may theory na kahit magkaiba ang bigat ng dalawang bagay, basta sabay inihulog sa same height, sabay na babagsak. lols. Anong connect nia sa story? di ko na matandaan. hahahahaha. basta may konek sa pinag-gagagawa nung bida :p

Hanggang dito na lang muna. Next time baka (baka lang, baka!) japanese films (kung di ako tamarin). TC!

11 comments:

  1. At nabilib ako, kasi ung comment ni diamond na blog?? paano mo nahulaan eko-comment yon ni diamond??OMG, ang galing mo Galileo este Gelileo ayy GELO.

    ReplyDelete
  2. mukhang maganda to..kaso di me mapapnuod.. mejo bc bchan ng konti.. hihihih saka paubos na rin ang memory sa harddrive... mukhang promising. adventure kasi...

    ReplyDelete
  3. weeiii d ko mahabol ang mga post ang sipag lolz,,,
    hmmm maganda ba talaga ang mga thai movies?>sorry namen d ko lang like accent nila haha choosy much~~
    pwede korean action movies?or comedy :P haha..
    daan daan gelo~~

    ReplyDelete
  4. torrent download activated. sunday ko pa papanoorin hehehe

    ReplyDelete
  5. @diamon, nilagay ko na sir kung sino si galileo

    @empi, cute nung girls :D

    @akoni, lols, nabasa ko agad comment ni sir diamond

    ReplyDelete
  6. @axl, salamat

    @egg, free up space :D

    @unni, try ko korean comedy

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???